bc

Jefti Tinamisan

book_age16+
473
FOLLOW
1.2K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

"You're all I ever wanted. And nothing in this world can ever compare the joy that you bring in my life."

Teaser:

Wala pa man din muwang sa mundo ay magkaibigan na si Jefti at Sam. Sanggang-dikit. Partners in Crime. Punching Bag. Crying Shoulder. Clown. Iyan sila sa isa't isa. Sharing anything under the sun. At sa paglipas ng panahon, sa pagbabago sa buhay nila. Kasabay din niyong nagbago ang t***k ng puso ni Jefti para sa matalik na kaibigan.

Ngunit ang masakit doon, tila wala itong ni katiting na pagtingin sa kanya. Kaya natutuhan niyang makuntento na lang sa pagiging matalik na kaibigan nito. Hanggang sa dumating ang isang pangyayari na nagbago ng pakikitungo nila sa isa't isa. Dahil sa katuwaan at pustahan, naglaban sila ni Sam sa billiards. Kapag nanalo si Sam, magiging Assistant siya nito sa Fairytales. Kapag siya naman ang nanalo, makikipag-date ito sa pinsan niyang si Wayne ng limang beses. At dahil siya ang King of Billiards ng Tanangco, natalo niya ito. Kaya nakipag-date ito sa pinsan niya. Ngunit, sa bawat date ng mga ito, pakiramdam ni Jefti ay namamatay siya ng paulit-ulit sa selos.

chap-preview
Free preview
Prologue
BUMUNTONG-HININGA muna si Jefti bago buksan ang pinto ng kuwarto ni Sam. Pagbukas niya, nakita niya na nakaupo ito sa ibabaw ng kama nito, habang nagkalat ang mga tissue sa paligid. Walang tigil ito sa pagpunas ng luha nito habang humihikbi. Napailing siya. Hawak ang dalawang pint ice cream at dalawang kutsara, pumasok siya doon. Malungkot na lumingon ito sa kanya. Napailing siya. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko eh, ayaw mo kasing makikinig sa akin eh." Sabi pa niya. Huminga ito ng malalim, saka muling humagulgol. Nilapag niya sa maliit na mesa sa tabi ng kama nito ang dalang ice cream, saka naupo sa tabi nito. Mabilis na sinandal nito ang ulo nito sa balikat niya. "Nakakainis!" maktol pa nito. "Tahan na nga." Sabi niya dito. Umakbay pa siya dito. "Sana nakinig na lang ako sa'yo noong sinabi mo sa akin na lolokohin niya lang ako." Wika nito. "Hayaan mo na 'yon, basta nandito lang ako para sa'yo." Bulong pa niya dito. Yumakap ito sa beywang niya. "Salamat tukmol! The best ka talaga." Sabi pa nito. Pabirong tinulak niya ito palayo. Pumalatak pa 'to. "Tukmol na naman? Ang ganda ng pangalan ko eh!" protesta niya. Tumawa ito. "Joke lang," sabi nito. Inabot niya dito ang isa sa ice cream na dala niya. Nakita niya ng magliwanag ang mukha nito. Kilala niya ang bestfriend niyang ito. Kapag malungkot ito, ice cream ang nagpapagaan ng loob nito at siyempre ang presensiya niya. Habang kumakain sila ng ice cream. Unti-unting nawala ang lungkot nito, napalitan iyon ng mga tawanan. Mga kuwentong walang katapusan. Ganoon nga yata ang matalik na magkaibigan. Kahit na minu-minutong magkasama. Hindi nawawalan ng mapag-uusapan. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba niya sa ibang mag-bestfriend diyan? Wala. Gaya ng iba. Lihim niyang natutunan na mahalin ito ng higit sa isang magkaibigan lang. Kaya kapag may ibang lalaking nagugustuhan ito, wala siyang magawa kundi ang masaktan ng lihim. At sa tuwing nagkakahiwalay ito at ng nagiging boyfriend nito, gaya ngayon. Sa kabilang banda, masaya siya dahil nagkakaroon siya ng pagkakataon. Pero nadudurog ang puso niya dahil nakikita niyang lumuluha ito. "Huwag mong iyakan ang kumag na 'yon! Mas guwapo pa 'ko doon eh!" pagbibiro pa niya. Tumawa ito. "Kapal ng mukha mo!" Mula sa likod na bulsa ng pantalon niya ay nilabas niya ang nakaikot na typewriting paper. Hinati niya iyon sa dalawa. Ngumiti ito. Mabilis silang gumawa ng maraming eroplanong papel. Habang abala ito, inaagawan niya ito ng mga natapos ng eroplanong papel, gaganti din naman ito. Nang matapos na nila ang lahat ng iyon. Umakyat sila sa bubong ng bahay nila Sam gamit ang kahoy na hagdan sa likod ng bahay. Doon pinalipad nila ang mga iyon. Hindi pa sila nagtatagal, tinawag na sila ng Mama nito. "Samantha! Jefti! Bumaba na kayo diyan!" anang Mama ni Sam. "Opo!" sagot nito. "Hoy tara na! baba na tayo, pagkatapos, umuwi ka na. Kunin mo na 'yung gamit mo para makagawa na tayo ng assignments natin." Sabi pa nito. "Sige, mauna ka na." sagot niya. Nang makababa na ito. Saka niya kinuha ang nakatuping eroplanong papel na nakatago sa likod na bulsa ng suot niyang maong na pantalon. Sa papel na iyon nakasulat ang tunay na nilalaman ng batang puso niya. I'm in love with my bestfriend. Pagbabasa pa niya sa isip niya sa nakasulat. Kung kailan niya masasabi dito iyon. Hindi niya alam. "Jefti! Tara na!" sigaw ni Sam mula sa ibaba. "Oo! Nandiyan na!" sagot niya, saka mabilis niyang tinago ulit ang papel sa bulsa niya. Sa edad niya na labingwalong taong gulang. Alam na ni Jefti kung ano ang ibig sabihin ng salitang pag-ibig, dahil hindi niya inaasahan na mahuhulog ang loob niya sa bestfriend niya. Wala pa silang muwang mundo ng naging magkaibigan sila. Magkaibigan din kasi ang mga magulang nila. Simula noon, hindi na sila nagkahiwalay pa. Hindi niya alam kung kelan, saan at paano, pero nagising na lang siya isang umaga na espesyal na ang nararamdaman para dito. Dangan lamang, hindi niya ito mapagtapat dito. Natatakot kasi siyang baka masira ang pagkakaibigan nila, at tuluyan itong mawala sa buhay niya. Isa lang ang tanging pinagdarasal niya simula noon. Na sana'y dumating ang araw na magkaroon ng katugunan ang damdamin niyang iyon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
278.8K
bc

Faithfully

read
268.2K
bc

Mr. Moore: The Monster of my Life (book 1) - SPG

read
687.7K
bc

PROFESSIONAL BODYGUARD ( Tagalog )

read
173.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
71.6K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
280.9K
bc

The Billionaire's Innocent Seductress

read
428.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook