bc

John Michael Lombredas

book_age16+
1.2K
FOLLOW
3.0K
READ
drama
tragedy
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

I'm not an expert in talking about matters of the heart, all I know right now is I'm in love with you. Do I still need to explain that? Or will I just kiss you to prove it?

Teaser:

Isang simpleng tindera sa tiangge si Ged. Ang pangarap niya ay yumaman para guminhawa ang kanyang buhay. Hanggang sa makilala niya si John Michael Lombredas, ito ang naging daan sa biglang pagbabago ng kanyang buhay. At sa bawat araw na lumipas na nakakasama niya ito, naging malapit siya dito. Natagpuan niya ang sarili na umiibig sa estrangherong biglang sumulpot sa buhay niya. Siya na yata ang pinakamasayang babae ng magpahayag ito ng parehong damdamin at hindi nagtagal ay magpakasal silang dalawa.

Ngunit isang lihim ang tumambad sa kanya na siyang kinasira ng pagtitiwala niya sa kanyang asawa. Dahil sa sakit na dulot ng pangyayari, mas ninais niyang tumakbo at lumayo dito, na siyang naging dahilan upang maaksidente siya at mawalan ng malay. Sa kanyang paggising, ganoon na lang ang takot na naramdaman niya ng wala siyang matandaan sa kanyang nakaraan. Sino siya? Sino ang lalaking nasa larawan kasama niya?

chap-preview
Free preview
Chapter One
HALOS paliparin ni Gogoy ang kotse niya makarating lang agad sa ospital. Puno ng pag-aalala ang dibdib niya. Kinuha niya ang Bluetooth headset at nilagay iyon sa isang tenga niya saka tinawagan si Daryl. "Daryl, how's Lolo? What's his condition?" tanong niya agad pagsagot nito sa tawag niya. Narinig niya itong bumuntong-hininga. "Ken said he's fine now." Sagot nito. "What exactly happened? Wala naman sakit si Lolo bukod sa pagtaas ng presyon niya. Kanina sabi ni Glenn okay naman daw ang blood pressure niya nang i-check niya kaninang umaga." Tanong na naman niya. "I really don't know, dude. Hindi naman makausap si Lola dahil pinagpahinga rin ni Ken, ninenerbiyos kasi ng husto kanina nang makitang walang malay si Lolo." Sagot nito. Siya naman ngayon ang napabuntong-hininga. "Sige, I'll be there in ten minutes. I was just stuck in traffic." Sabi pa niya. "Okay, ingat." Pagkatapos nilang mag-usap. Tinanggal na niya ang headset sa tenga niya. Humugot siya muli ng isang malalim na hininga. Hindi niya alam ang eksaktong iniisip ng Lolo niya, nitong mga nakaraan araw pa niya napapansin na tila palaging malalim ang iniisip nito. Tila ba may bumabagabag dito. Tanging ang Lola lang niya ang kinakausap nito, pero kapag sila ang nagtatanong dito. Ang sinasagot lang nito sa kanila ay okay lang naman daw ito. Michael knows his grandfather. Sa kabila ng edad nito, malakas pa rin ito. Alam niyang may problema ito na siyang dahilan ng biglang pagkakasakit nito. Mas maaga sa inaasahan, wala pang sampung minuto ay narating na niya ang ospital. Pagdating niya sa loob ng pribadong silid na inookupahan ng Lolo niya, naabutan niyang hindi lang ito ang nakaratay sa kama at may oxygen mask sa ilong at bibig nito. Maging ang Lola niya ay naka-oxygen mask din. He sighed in frustration. Naabutan din niya doon ang mga pinsan niya, si Marisse ay nasa tabi ng Lola nila at kita ang pamumugto sa mga mata nito. Nang makitang gising ang Lola niya, nilapitan niya ito at nagmano. "'La, kumusta na po kayo?" tanong niya dito. "Ay, ayos lang ako apo. Ninerbiyos lang ako kanina nang makita kong walang malay ang Lolo mo. Kaya nahirapan din akong huminga." Sagot naman nito. Tumango siya. "Mabuti naman po. La, huwag kayong mag-alala kay Lolo. Magiging maayos din ang kalagayan niya. Si Badong Mondejar yata 'yan." Sabi pa niya dito saka niya nginitian ang abuela. Hinaplos pa niya ang noo nito, sinadya niyang pagaanin ang pag-uusap nilang dalawa. "Iyan naman kasing matandang 'yan, marahil ay iniisip na naman niya ang pangako niya sa matalik niyang kaibigan na hindi pa rin niya natutupad hanggang ngayon. Palibhasa'y malapit na death anniversary nito." Anang Lola niya. Napangiti sila sa klase ng pagsasalita nito tungkol sa esposo nito. "Ano pong pangako?" kunot-noo naman tanong ni Miguel. "Limang taon na ang nakakalipas nang pumanaw ang matalik na kaibigan ng Lolo ninyo. Bago ito nalagutan ng hininga, nangako ang Lolo mo na ipagpapatuloy niya ang paghahanap sa nawawala nitong anak at apo. Hindi binabanggit ng Lolo ninyo sa inyo, pero may iniwan na kayamanan ang kaibigan niya para sa naiwan nitong anak, at iyon ay nasa pangangalaga ng Lolo ninyo." Kuwento nito. Nagkatinginan silang magpi-pinsan. Si Marvin ang sumunod na nagsalita. "So, pinapahanap ni Lolo ang pamilya ng kaibigan niya? Hanggang ngayon po?" tanong pa nito. Tumango si Lola Dadang. "Pero bakit hindi namin alam? I mean, mas madali ang paghahanap kung sinabi agad ni Lolo sa akin. Lalo na at nariyan si Miguel." Sabi pa niya. Matagal bago nakasagot ito. Tila pinag-iisipan nitong mabuti ang isasagot sa kanila. "Ang mabuti pa, hintayin n'yong magising ang Lolo ninyo at bumuti ang kalagayan. Mas maganda kung siya mismo ang magku-kuwento sa inyo." Anito. Alam niyang maging ang mga pinsan niya ay napaisip ng husto. At kasabay niyon ay tila pag-ahon ng kakaibang kaba sa dibdib niya. Naputol ang pag-iisip niya nang pumasok doon si Doctor Ken Pederico. Ito ang Doctor ng pamilya nila. Second cousin niya ito at kapatid ni Glenn. Kasunod nito si Humphrey. "Wow, complete attendance tayo." Sabi pa nito. Nagkamay silang dalawa paglapit nito sa kanya. "Kumusta si Lolo, tol?" tanong niya dito. "Lolo is fine. Tumaas lang ang presyon niya kanina, dahil ninerbiyos siya kaya nawalan ng malay. Huwag kang mag-alala, Goy. Malakas si Lolo. Malalagpasan niya ito. Isang maaaring dahilan kung bakit tumaas ang blood pressure niya ay ang pag-iisip. Stress. Siguraduhin n'yo lang na iiiwas n'yo siya sa pwedeng maging problema. Dahil kapag hindi n'yo pa naagapan sa susunod, it may lead to cardiac arrest." Paliwanag nito. Tumango siya. Binalingan ni Ken si Lola Dadang. Nagmano ito at si Humphrey. "Lola, kumusta na po?" tanong ng huli dito. "I'm fine, hijo." Nakangiting sagot nito. "Kumusta na ba ang mga apo ko?" "Okay naman po, Lola. Ayun, lumalaki na ang mga apo ninyo." Sagot ni Humphrey. "Aru! Mabuti ka pa at may mga inakay na. Hindi kagaya nitong Kuya mo, wala yatang balak mag-asawa. Hahanap na nga ako ng pipikot dito eh!" sabi pa nito. Napuno ng tawanan ang buong silid. Napangiti lang siya saka umiling. Nitong mga huling araw, palibhasa ay may mga girlfriends na ang mga pinsan niya at ang iba dito ay engage na kaya kinukulit siya ng Lolo at Lola niyang maghanap na rin ng mapapangasawa. At his age of thirty seven, he still don't have plans in settling down. Masyado siyang abala sa pagpapatakbo ng Mondejar Cars Incorporated. Isa pa, hindi pa rin siya handang buksan muli ang puso para sa panibagong pag-ibig. "Lola, kasal ako sa MCI." Pagbibiro pa niya. "Kuu! Tigilan mo nga akong damuho ka!" Natawa na siya ng tuluyan. "Lola, hinay hinay lang po sa pagsinghal. Huwag intindihin si Gogoy, tatandang binata na 'yan. Ang mahalaga, ingatan n'yo ang katawan n'yo. Huwag masyadong nerbiyosa, kita mo, dalawa pa tuloy kayo ni Lolo ang naka-confine dito." sabi pa ni Ken. "Ay pasensiya na kayo mga apo ko, at nag-alala kayo." Sabi pa nito. "Ang mga anak mo pala, Ken. Dalhin mo nga sa bahay at nami-miss ko na ang mga apo kong iyon." "Sige po, kaya pagaling na kayo agad." Anito. John Michael Lombredas. Sa estado ng buhay niya ngayon, at sa edad niya. Masasabi niyang masaya naman siya. May Diyos siya sa buhay niya na siyang pinaglalaanan niya ng tagumpay na nakamit niya. He's the CEO of Mondejar Cars Incorporated. Bukod doon, siya rin ang nagpapatakbo ng Hotel and Resort nila sa Batangas. Dahil abala siya sa MCI ngayon, ang nakababatang kapatid niyang si Humphrey ang pansamantalang namamahala nito. Pero bago pa niya ibuhos ang buong atensiyon niya sa pagne-negosyo. Dati siyang nagsilbi sa lugar nila bilang Barangay Captain. Ngunit pagkatapos ng isang termino, hindi na ulit siya tumakbo pa. Nawalan na siya ng gana kasabay ng pagkawala ng babaeng unang inibig niya. Si Alexa. It's been five years simula nang huminto siya sa pulitika. And he don't have any intentions of going back either. Simula nang iwan siya ng babaeng unang minahal niya at ipagpalit sa iba. Nawalan na siya ng gana. He became a public servant for her, she came from the Family of politicians. Nang ipakilala siya nito sa Daddy nito, ito ang nag-hinakayat sa kanyang pumasok sa pulitika. Mas maganda daw na magsimula siya sa pinakamababang posisyon. Kaya iyon ang ginawa niya, alang-alang dito. But he didn't know what went wrong. Nagising na lang siya isang araw na wala ito at nasa piling na ng iba. Simula noon, sinubukan na niya itong kalimutan. Maging ang mga simpleng bagay na makakapag-alala kay Alexa ay tinalikuran na niya. Kasama na roon ang tuluyang pagtalikod bilang Punong Kapitan ng Barangay nila, kahit na natutunan na niyang mahalin ang posisyon na iyon. Hindi naman sa sinasarado na niya ang puso sa iba. Dangan lamang, para sa kanya, kung muli siyang magmamahal sisiguraduhin niyang ang Diyos mismo ang nagbigay nito sa kanya at hindi niya hinanap. He doesn't have any idea how. But he trust God enough with regards in the matters of the heart. "HOLA! Bili na kayo! Blouse kayo diyan mga Ate! O Kuya, luma na 'yang suot mong t-shirt. May bago kaming dating na mga t-shirt. Nakakapogi 'to! Bumili ka na! Promise, magkakaroon ka ng pag-asa sa buhay!" malakas ang boses na alok ni Ged. Tumingin ng masama sa kanya ang lalaking huminto sa harapan ng tindahan niya. Agad siyang ngumisi dito, saka nag-peace sign. "Peace tayo, Kuya." Sabi pa niya. Makalipas ng ilang sandali, wala pa ring bumibili sa kanya. Marahas siyang napabuga ng hangin sabay salampak ng upo sa silya. "Bakit ba ayaw n'yong bumili ng damit ko?" tungayaw niya, sabay padyak na parang bata. "Hoy, anong minamaktol mo diyan?" untag sa kanya ng kaibigan niya na si Menchu. Gaya niya ay may tiangge din ito pero mga pambatang damit naman ang binebenta nito. "Wala pa akong benta!" sagot niya. "Oh tapos?" "Anong tapos? Sabi ko wala pa akong benta, anong oras na? magtatanghali na." sabi pa niya. "Alam ko, ano gusto mong gawin natin?" Lumabi siya, saka umiling. "Wala." "Alam mo ganda, ganyan talaga ang buhay. Minsan mabenta, minsan matumal. Praktikal, kaysa bumili sila ng mga damit natin, ibibili na lang nila ng pagkain para sa Pamilya nila. Mabuti sana kung lahat ng tao dito sa Pilipinas humihiga sa salapi!" litanya pa nito. "Oo na! Alam ko din naman 'yon." Sabay buntong-hininga. Lumabas siya ng tindahan niya, saka tumingala sa langit. "Lord! Gusto kong yumaman!" "Eng eng! Baka imbes na pera bumagsak diyan sa harap mo, bulok na kamatis ang masalo mo diyan! Mapagkamalan kang baliw!" sabi pa ni Menchu. "Sigurado ako, narinig Niya ako. Alam ko, hindi ako habang buhay na ganito. Makakaahon din ako sa hirap." Mahinang sabi niya. "Yayaman din ako!" biglang sigaw niya ulit. "Pumasok ka na nga dito." saway nito sa kanya. "Nga pala, Ged. Di ba death anniversary ng Nanay at Tatay mo? Hindi mo ba sila pupuntahan sa sementeryo?" tanong pa ni Menchu sa kanya. "Pupunta siyempre!" sabi pa niya. Bigla siyang nakaramdam ng lungkot. Halos tatlong taon na rin simula nang pumanaw ang mga magulang niya. Kapwa nasawi ang mga ito ng lumubog ang sinasakyan nitong RORO nang pauwi ang mga ito sa probinsya nila sa Mindoro. Apat na araw bago natagpuan ang katawan ng mga ito na lumulutang sa karagatan sa kalapit na probinsya. Ang tanging kunswelo niya sa pangyayari ay nakita at nakilala niya ang mga ito. Kahit paano nabigyan niya ito ng maayos na libing. Dahil sa biglang pagkawala ng mga magulang niya. Kasamang nalunod maging ang saya sa puso niya. Dahil hanggang sa mga sandaling iyon, nilulukob pa rin siya ng lungkot. Nangungulila siya sa bawat sandaling lumilipas na wala ang mga ito sa kanyang tabi. Simula niyon, natuto siyang tumayo sa sariling paa. Ang pag-asa niyang muling makabalik sa pag-aaral ay tila palabo ng palabo. Pasalamat na lang siya ay pinautang siya ng kaibigan niyang si Menchu ng kapital kaya niya naitayo ang tindahan ng mga damit na iyon. Dalangin nga niya na sana ay araw-araw pasko para palaging malaki ang benta niya. "Maghanap ka ng boyfriend na mayaman! Siguradong matutupad ang pangarap mo!" sabi pa ni Menchu. "Ay, ayoko nga hanapin! Baka mamaya magkamali pa ako eh. Umiyak lang ako." Sagot niya. "Neng, twenty seven ka na. Hanggang ngayon hindi ka pa nagkaka-boyfriend. Anong akala mo sa sarili mo? Tumatanda ng paurong?" "Excuse me, bata pa 'yon." Depensa niya. "Saka ayoko pa ngang mag-boyfriend. Istorbo lang 'yon sa trabaho ko." "Eh paano nga? Kung biglang may dumating dito na isang mayaman na lalaki tapos sasabihin n'ya. Mahal na kita. Will you marry me? Anong gagawin mo?" "Sisigaw ako pagkatapos tatakbo!" Sagot niya. "Ay, baliw!" Iyon ang buhay para sa kanya. Simple. Gawin simple ang mga bagay na komplikado. Ayaw niyang gawin mas lalong komplikado ang mga bagay sa kanyang paligid. Kung darating ang lalaking mamahalin niya, basta bigay ni Lord. Sympre, tatanggapin niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.7K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.4K
bc

SILENCE

read
381.2K
bc

AGENT KARA_SERIES 1(R-18-SPG)

read
199.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
26.7K
bc

Just A Taste (SPG)

read
893.7K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook