bc

Jared Bandonillo

book_age16+
929
FOLLOW
2.7K
READ
comedy
sweet
like
intro-logo
Blurb

Tahimik ang buhay ni Adelle sa piling ng mga pinakamamahal niyang mga washing machines sa kanyang Laundry Shop.

Nagulo lang ang lahat sa buhay niya nang bigla siyang magka-utang ng two point eight million pesos kay Jared Bandonillo. At bilang kabayaran, hiniling nito na magsilbi siya dito bilang isang 'housemaid' nito sa loob ng dalawang buwan. Labag man sa kalooban niya, pumayag siya dahil wala naman siyang choice.

Ngunit iyon na yata ang pinaka-malaking pagkakamaling ginawa niya. Dahil habang tumatagal siya sa pagsisilbi sa binata. Kasabay niyon ay ang unti-unting pagtibok ng puso siya para dito.

Paano na lang kung isang araw ay matuklasan niyang isang malaking kalokohan lang pala ang lahat ng iyon?

chap-preview
Free preview
Chapter One
GUSTONG-GUSTO ni Adelle na magwala nang gabing iyon. Kung puwede nga lang ay mag-aamok siya, mabawasan lang ang galit niya para sa isang taong 'yon. Pero alam niyang wala siya sa lugar kapag ginawa niya 'yun. Magmu-mukha lang siyang tanga, panigurado na 'yan. Pumikit siya ng mariin, saka huminga ng malalim. Kailangan muna niyang pag-isipang mabuti ang gagawing desisyon. Kung hindi, siya rin ang malilintikan. Hindi biro ang hinihinging kapalit nG timawang Jared Bandonillo na ito. At matatanggap sana niya kung sandali lang niya gagawin ang kundisyong sinasabi nito. Ang kaso, tumatagingting na isang buwan siya makukulong sa isang kasunduan na labag sa kalooban niya. Relax, Adelle. Breathe in... Breathe out... pagpapakalma niya sa sarili sa isip niya. Biglang sumiksik sa utak niya ang impyernong titiisin niya sa piling nito. Napasigaw siya ng wala sa oras sabay hampas ng malakas sa tiled bathroom sink. "No!!! Hindi puwede!!!" sigaw niya. Kunot-noong napalingon ang ibang mga babaeng kasama niya sa loob ng CR ng art gallery na iyon. Napatigil siya ng wala sa oras, tsaka alanganing napangiti. "Ah... he he he! Hi fans!" sabi na lang niya para matakpan ang pagkapahiya niya. "Miss, okay ka lang?" tanong ng isang may edad na babae. Base sa damit nitong suot, mukhang mayaman ang isang ito. Bakas sa mukha nito ang awa para sa kanya. Naku Manang, nakakaawa po talaga ako... "Do you need help?" tanong ulit nito. Magsasalita pa lamang siya nang biglang umentra sa usapan sina Panyang at Madi. "Excuse us, excuse us!" parang pulitikong malakas ang boses na wika ni Madi. "Makikiraan lang po, ano? Pasensiya na po sa napakalaking abala, mga kababayan. Pero kinakailangan naming kunin ang magandang dalag... este, dilag pala na ito. Mangyari po lamang kasi na nakalimutan po namin siyang painumin ng kanyang gamut," anang maliit na babae. "Kaya medyo sinusumpong na naman siya." "We hope for your kind consideration," dugtong pa ni Madi. "Yours truly, the principal," pagtatapos ni Panyang sabay hila sa kanya palabas ng CR ng babae. Iniwan nila ang mga babaeng iyon sa loob na halos salubong ang mga kilay. Parang gusto ng mga ito na i-flush sila sa inidoro. "Ano bang pinagsasabi n'yo sa loob? Baka isipin ng mga tao doon na nababaliw na ako." naiinis na wika niya. "Bakit hindi pa ba?" nagbibirong tanong ni Madi. "Ay ewan! 'wag na nga kayong magulo, lalo lang ako namomroblema sa inyo eh." Naiiyak nang sabi niya. "Puwera biro," ani Panyang. "Weh?" "Totoong puwera biro, Ano ba talagang nangyari doon?" tanong ni Panyang sa kanya. Napasandal siya sa pader saka padausdos na napaupo sa madulas na sahig ng art gallery. Hindi alam ni Adelle kung paano siya napasok sa ganoong klase ng problema. Sinasabi na nga ba't hindi na lang dapat siya nagpunta sa art exhibit ng pengkum na si Maestro Jared Bandonillo. "Hindi ko naman sinasadya eh." Naiiyak na wika niya. Nakiupo sina Panyang at Madi sa tabi niya. Pinagitnaan siya ng dalawa. Wala na siyang pakialam kung naka-dress man siya. Nanghihina na kasi siya. "Now, tell us." Wala siyang magawa kung hindi ang i-kuwento sa mga ito ang mga nangyari. "Aubrey, puwede ba? tigilan mo nga ako. Ayokong sumama sa'yo. Ikaw na lang kasi, o kaya iba na lang ang yayain mo." Tanggi niya sa kaibigan. "Sige na, samahan mo na ako. Wala naman tayong gagastusin eh." Sagot pa nito. "Paanong walang gagastusin? Ang alam ko sa mga ganyang art exhibit, mahal ang ticket." Aniya. "Bumili na ako. Dalawa na 'tong ticket ko. Tig-isa nga tayo eh." "Libre? As in wala akong babayaran?" ulit pa niya. "Oo nga. Ikaw talaga, napaka-kuripot mo." Ani Aubrey. "Mahirap na buhay ngayon, dapat sa tao nagtitipid." Katwiran pa niya. "Oo na nga. Ano na ba? Sasamahan mo ako o hindi?" Saglit siyang nag-isip. Sabagay, wala naman mawawala sa kanya. Libre pa. "Okay," tugon niya. "Hay Salamat," buntong-hininga pa nito. "Ano ba kasi ang nagustuhan mo sa Jared na 'yon?" nakasimangot na tanong niya. Ang kaibigan kasi niyang iyon ay talaga nga naman na head over heels in love kay Jared. Ang isa sa miyembro ng tinaguriang Tanangco Boys. Maestro kung tawagin ito ng mga taga-doon dahil na rin sa angking talento nito sa pag-drawing. Hindi lang basta drawing. He paints. Abstract. Nature. People. "He's so guwapo, grabe! Talented pa!" kinikilig na sagot nito. "At babaero." Dugtong niya. "Hindi naman. He's just being nice sa mga girls." Pagtatanggol pa nito. "Bulag ka na nga." aniya. "Basta, siya lang ang one and only man for me. At hinding-hindi ko siya ipagpapalit sa kahit na kaninong mga lalaki diyan." Sabi pa nito. "Oo na. Teka, kailan ba 'yang exhibit na 'yan?" tanong niya. "Mamayang gabi. Mga 7 PM." Sagot nito Tumingin siya sa oras. Alas-kuwatro na ng hapon. Maaga pa. Mabilis lang naman siyang magbihis. "So, paano? Aalis na muna ako. Mamaya na lang tayo magkita. Daanan na lang kita dito. I have to buy a new dress, para naman ma-impress si Jared sa akin mamaya." Sabi nito. "Magastos ka talaga. Sige na, alis na." pagtataboy pa niya dito. "Bye friend," malandi pang wika nito. Tumango lang siya. Habang hinahatid niya ng tanaw ang kaibigan. Hindi niya maiwasan ang mapailing. Bakit ba napakaraming babae dito sa lugar nila ang baliw na baliw sa Jared na iyon? Hindi talaga niya maintindihan. Minabuti na lang niya na pumasok sa loob ng bahay niya, kaysa buligin niya ang sarili sa kakaisip sa lalaking iyon. Matutulog na lang muna siya. FORMAL EVENT pala ang painting exhibit ang dadaluhan nilang magkaibigan. Kaya wala siyang choice kung hindi ang magsuot din ng isang formal dress. Kahit na alam niyang mababagot lang siya doon. She found exhibits too boring. Parang wala naman siyang mapapala sa mga ganoong event. Or simply, talagang hindi lang niya trip ang mga paintings. Feeling kasi niya, pang-mayayaman lang ang mga ganoong klaseng pagtitipon. Pero dahil na rin sa pangungulit ng kaibigan niya. Kaya heto siya ngayon. She stared at her own reflection. Napangiti siya. Simple but elegant. Isang midnight blue silk spaghetti strap dress ang suot niya. Hanggang itaas ng tuhod ang haba niyon. She's wearing a black high heeled shoes. Simple lang din ang make-up niya sa mukha. Ang buhok niya ay hindi na niya inayos. Hinayaan na lang niyang nakalugay ang hanggang likod niyang alun-alon na buhok. Wala sa loob na napangiti siya. Effortless. Hindi naman niya kailangan mag-ayos ng bongga. Pupunta siya dahil na rin sa kaibigan niya. At hindi para sa Jared na 'yon. Dahil hindi sila close. Period. NAGULAT SIYA nang biglang tumili si Aubrey at parang batang nagmaktol pagkakita sa kanya. "O? Bakit? Anong nangyari?" nag-aalalang tanong niya. "Ikaw eh! Nakakainis ka talaga!" "Ako?" "Oo, nakakainis ka! Nagpa-parlor na nga't lahat ako, mas maganda ka pa rin sa akin." Anito. Natawa siya ng wala sa oras. "Sira ka talaga!" natatawang sabi niya. "Ang ganda mo nga rin eh." Totoo sa loob niya ang sinabing iyon. Maganda din naman ito. Kulay itim ang suot nitong long gown. Kuntodo make-up din ito. Well, may rason naman ang kaibigan niya na magpa-bongga ng husto. After all, plano nitong magpa-cute kay Maestro J. "Tumigil ka na nga ng kakangalngal diyan. Halika na. Baka may iba pang maka-bingwit ng sinisintang pururot mo doon." Sabi niya, sabay hila kay Aubrey. At dahil nasa Global City sa Taguig lang ang ArtGallery kung saan ang painting exhibit ni Jared. Ilang minuto lang ang tinagal ng biyahe nila at naroon na sila. Tatlong beses pa yatang nag-retouch si Aubrey bago bumaba ng kotse niyang second hand. "Hoy, baka mabura na ang mukha mo diyan." Saway niya dito. "Hayaan mo na, ang importante maging maganda ako sa paningin ni Jared." sagot nito. Napailing siya. "Hay naku, Aubrey. Hopeless ka na." "Eh ano, maganda naman." "Pengkum!" pang-aasar pa niya dito. Paparating pa lang ng entrance door ay rinig na mula sa loob ng gallery ang malamyos na musika. Sa isang tingin lang ay halata nang pawang mga mayayaman ang mga dumadating na tao. Pagdating nila sa loob ay agad niyang nakilala ang ilan sa mga bisita ni Jared. Mga kapitbahay niya ang mga ito. "O? Adelle? Himala yata at napadpad ka dito?" salubong sa kanya ni Ken. Kasama nito ang nobya nitong si Myca. "Oo nga eh. Mukhang totoo yatang may himala." Pakikisakay niya sa biro nito. "Adelaida!" napapitlag pa siya sa lakas ng boses ng tumawag sa kanya. Paglingon niya ay si Jared. Agad niyang sinulyapan si Aubrey. Gusto niyang matawa dahil tulala ito at nakanganga pa. Pasimple niyang sinarado ang bibig nito. "O? Ano? Kumusta?" bati nya dito. "Mabuti naman at pumunta ka dito. At last makikita mo na kung gaano ako kagaling na pintor." Pagmamayabang nito na may himig ng pagbibiro. "Actually, napilitan lang ako. Sinamahan ko kasi itong kaibigan kong kulang na lang ay pagpatayuan ka ng altar." Sagot niya sabay turo sa katabi niya. Sinulyapan lang nito si Aubrey, pagkatapos ay sa kanya na napako ang paningin nito na siyang kinailang niya. "Whatever your reason is, ang importante sa akin ay narito ka," makahulugang sagot nito. Napakunot-noo siya sa sinabi nito. "Ano daw?" bulong niya. "Uy! Adelle, mabuti naman at naligaw ka dito!" singit sa usapan ng maliit na babaeng nagngangalang Panyang. "Oo nga eh, samahan mo nga kami. Ikot tayo. Nang makita ko naman ang pinagmamalaki nitong si Maestro J." Aniya sabay hila sa kamay ni Panyang. "Uy teka, ahm... my love, diyan ka lang muna ha? Magpapakidnap lang ako sa labandera ng Tanangco." Baling pa nito sa asawa. Tumango lang si Roy sabay ngiti at halik sa pisngi ng kabiyak. Gusto niyang mapanganga habang tinititigan isa-isa ang obra maestra ni Jared. Now she's a believer. Hindi kasi siya naniniwala noon na magaling nga itong pintor. But now, looking at these masterpieces. Tanga na lang siya kung hindi niya hahangaan ang mga ito. Napaka-detalyado ng pagkakapinta sa bawat larawan. May apat na categories ang painting exhibit. Sa unang bahagi ay ang mga abstract paintings. Ang ikalawa ay puro nature naman ang subjects. Ang pangatlo ay tao naman ang subject. May mga babae, lalaki, mga bata pati na rin ang matatanda. At ang pinakahuli ay iba't ibang lugar dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. "Amazing," wala sa loob na wika niya. "Tama!" sang-ayon naman ni Aubrey. "Kita mo na? Pati ikaw napahanga? Ikaw lang ang ayaw maniwala eh. Pero, warning friend ha? Hanggang sa masterpiece lang ni Jared ko ikaw puwedeng humanga. Off limits ka sa kanya. Sige ka, magagalit ako sa'yo." "Excuse me, sa'yong sa'yo na 'yun. Wala akong interes doon." Mabilis niyang sagot. "Good." Mayamaya ay dumating si Madi, kasunod ang isang waiter na may bitbit na isang tray na may lamang apat na wine glass. "Red wine, girls." Anito. Tinanggap niya ang inabot nito. Hindi naman siya lasenggera. Umiinom lang siya kapag may ganitong event. Social drinking lang kumbaga. Nag-ikot pa sila sa buong gallery. At marami pa silang mga paintaings na nakita. Bawat isa ay pawang may kani-kanyang ganda. Wala kang itulak-kabigin. Hindi lang siya ang may ganoong reaksiyon. Maging ang mga iba pa nitong bisita. At halos malula sila sa presyo ng bawat painting. Ayon na rin kay Panyang, na siyang malapit kay Jared. Ang pinakamura daw ay nagkakahalaga ng limang daang libong piso. At ang pinakamahal ay nasa kulang-kulang sampung milyong piso. Hindi naman niya masisi ang pintor na iyon, dahil talaga naman detalyado at pulido ang bawat painting. Sa kanilang paglalakad. Nakuha ng isang painting ang atensyon niya. Babae ang subject niyon. Nakatayo ito sa may bintana. At base sa dating ng larawan, mukhang nakatingala sa babae ang nagpipinta. Ang hitsura ng bahay parang kubo. Yari iyon sa kawayan, pero brown ang pintura. Tila ba hinahangin ang buhok ng babae at parang kay lalim ng iniisip. The painting is somehow familiar. Abala siya sa pagtitig sa painting ng bigla siyang magulat nang may tumulak sa kanya. Muntikan na siyang sumubsob. "Ano ba!" angil niya sa tumulak sa kanya. "Naku Miss, sorry." Hinging-paumanhin agad ng lalaking tumulak sa kanya. Naglalandian kasi ito at ang nobya nitong mukhang nangudngod sa harina sa puti ng mukha. "Kung maglalandian kasi kayo, huwag dito. Nakakasakit kayo eh!" pagtataray pa niya. Nagtaka pa siya dahil parang natulala ang dalawa habang nakatingin sa bandang likuran niya. Mayamaya ay mabilis ang mga itong naglakad palayo. "Badtrip," bulong pa niya. Noon lang niya napansin na tulala din ang ibang taong naroon. Gaya ng dalawang bumangga sa kanya. Tulala rin ang mga ito. Nang lumingon siya ay wala na ang tatlong kasama niya. Si Aubrey, Panyang at Madi. 'Nasaan na nga pala ang tatlong 'yon?' tanong niya sa isip. "OMG!" bigla ay tili ni Aubrey. Napapitlag pa siya. "Ano ba, Aubrey? Bakit ka ba bigla ka na lang tumili diyan?" sita niya dito. "Loka loka! Anong ginawa mo?" parang natatarantang tanong nito. "Ano? Anong ginawa? Wala ah!" sagot niya. "Anong wala? Tingnan mo nga!" naiiyak pang wika nito. Saka siya sapilitang pinihit patalikod. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang malaman ang tinutukoy nito. Humulas ang painting ng babae na kanina'y tinitingnan niya. Nang hawakan niya iyon ay kumapit sa mga daliri niya ang pintura. "Oh no! Oh my God!" pati siya ay nagsimula nang mataranta. Nang tingnan niya ang wineglass na hawak niya. Halos wala na iyong laman. So, ang ibig sabihin. Kanina nang maitulak siya at muntikan nang sumubsob ay aksidenteng natapunan ang painting ni Jared. So, in short. Hindi niya sinasadya at kasalanan ng dalawang iyon. Ngunit bago pa niya mahabol ang dalawang may kasalanan ng lahat ay dumating na si Jared na salubong ang dalawang kilay. Lalong nagsalubong ang mga iyon at halos magbuhol na nang makita ang damage ng painting. "What the hell happened with my painting?" galit na galit nitong tanong. Ngunit wala ni isa man sa kanila na naroon ang may lakas-loob na sumagot. "Sinong may kasalanan nito?!" dumadagundong na boses na tanong nito. Napapikit siya sabay kagat ng ibabang labi. "You!" Lalong napadiin ang pagpikit niya. Nagulat pa siya nang biglang may humablot sa pulsuhan niya. "Alam mo ba kung magkano ang painting na na-damage mo?" mariin nitong tanong. Napadilat siya nang wala sa oras. Sinalubong siya ng nakasimangot na mukha ni Jared. Hawak nito ang kamay niyang may pintura. Sabay sulyap sa hawak niyang wine glass sa kabilang kamay. "I said, Did you know the price of that painting?" ulit nito. Umiling siya. "Two million and eight hundred thousand pesos." Anito. Napanganga siya. "Ang mahal," wala sa loob na wika niya. "Talagang mahal at babayaran mo 'yang nasira mo." "Ano? Nahihibang ka na ba? Bakit ko naman babayaran 'yan? Hindi ko sinasadyang matapunan ng red wine 'yan. Naitulak lang ako." depensa niya. "Kahit na sino pa ang tumulak sa'yo. Ang sumatotal, ikaw pa rin ang nakatapon ng iniinom mo sa painting ko. Kaya ikaw pa rin ang may kasalanan. Kaya babayaran mo ako sa ayaw at sa gusto mo." Litanya nito. Binawi niya ang braso niyang hawak nito. Saka parang batang napapadyak. May katwiran kasi ito. Kahit na hindi niya sadya ang nangyari. Pananagutan pa rin niya ang painting na iyon. Pero susme, saang kamay ng Diyos naman siya kukuha ng two point eight million pesos. Kahit na pagsama-samahin pa niya ang kita niya sa Laundry Shop ng isang taon ay hindi pa rin iyon aabot ng ganoong kalaki. "Nakakainis naman oh!" maktol pa niya sabay irap sa lalaking kaharap. Tumaas ang isang gilid ng labi nito sabay iling. "Ano? Will you pay me or not?" tanong nito. Kinuha niya ang panyo na nasa breast pocket ng coat ni Jared saka pinunas iyon sa kamay niyang may pintura. "Teka nga, saglit lang ha? Hindi po biro ang halaga ng sinasabi n'yo." Aniya. Tumikhim muna siya. "Wala akong ganoong kalaking pera." Sagot niya. "Kung gusto mo hulug-hulugan ko na lang." Sa pagtataka niya ay bigla itong humagalpak ng tawa. Sabay tungga sa hawak nitong wine glass. "Do you have any idea kung gaano kalaki ang dalawang milyong piso mahigit? Aabutin ka ng siyam-siyam." Anito. Napaisip siya. May katwiran ito. "Kung gusto mo libre na ang laba mo sa laundry shop ko ng isang buwan." Suhestiyon niya. "Lugi ako doon." Mabilis nitong sagot. "Teka, anong nangyayari dito?" singit ni Panyang. "Hala, what happened?" tanong ni Madi sabay turo sa Painting. Wala ni isa man sa kanila ang sumagot. "Eh paano nga? Paano kita mababayaran?" tanong niya kay Jared. "Be my Housemaid for two months, nang walang suweldo." Diretso sa mata niyang sagot nito. "What?!" Naikuyom niya ang mga palad, pero pigil na maigkas iyon sa pagmumukha ng Jared na ito. Bakit ba siya iniipit nito? Hindi siya sumagot, basta na lang siya nag-walk out at pumunta sa CR.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.0K
bc

The Billionaire's Obsession

read
3.1K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.0K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.1K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
281.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
417.7K
bc

Stubborn Love

read
100.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook