Chapter One
"I THOUGHT you're coming back as soon as possible." May himig nang galit na wika ni Dingdong sa kanya.
"Akala ko rin ay makakabalik ako agad. Pero ayaw akong payagang umuwi nila Mommy. Kailangan daw nila ako dito."
"I also need you, Charease." Ani Dingdong na hindi maitago sa boses ang pagkadismaya.
"I know. But I don't have a choice." Sabi naman niya.
"Chacha! Sino ba 'yang kausap mo diyan? Kanina ka pa diyan. Long Distance na naman ba 'yan?" narinig niyang wika ng Mommy niya sa malakas na boses. Tinakpan niya ang mouthpiece ng landline na hawak niya para marinig ni Dingdong ang sinasabi ng Ina.
"Hindi po. Sige po, tatapusin ko na lang 'to, Mommy." Sagot niya. Pagkatapos ay binalingan ang kausap sa telepono. "Hello, Archie."
"Is it your Mom?" tanong nito.
"Yes. I have to go." Aniya.
"Kelan ka tatawag ka ulit?"
"I don't know."
"I mi—"
Hindi pa tapos magsalita si Dingdong ay naputol na ang linya. "Hello."
"Ilang beses na ba namin sinabi sa'yo na hindi namin gusto ang Dingdong na 'yan para sa'yo." Mariing wika ng Mommy niya.
Nagulat pa siya nang hindi niya namalayan na nakalapit na ang Mommy niya sa telepono. Hinugot nito ang cord ng telepono kaya naputol ang linya.
"Mommy..."
"Naging matigas na ang ulo mo simula nang magkakilala kayo ng lalaking 'yan. Lolokohin ka lang n'yan." Dagdag pa nito.
"Mahal niya ako, Mom. Hindi niya ako magagawang saktan." Depensa niya sa nobyo.
"How can you be so sure?"
Hindi siya nakakibo. Bago niya sinagot si Dingdong ay siya mismo ang naging saksi sa pagiging babaero nito. Matalik na kaibigan niya ang pinsan nito. At sa Tanangco Street sila pareho nakatira. Pero napatunayan niya na nagbago na ito ng tuluyan ng sagutin niya ito. He proved his love and faithfulness to her. Ngunit hindi naging dahilan iyon para magustuhan ito ng mga magulang niya, particular na ang kanyang Ina.
"Let's stop this, Mom. Kahit na ano pa ang sabihin n'yo. Hindi magbabago ang isip ko. Mahal ko si Dingdong at wala na kayong magagawa pa roon."
Iyon lang at tumalikod na siya. Dumiretso si Chacha sa loob ng kanyang silid. Bakit nga ba siya pumunta pa doon sa America? Hindi na lamang sana niya pinagbigyan ang mga ito. She should've known better. Dapat ay naisip na niya na paraan lang ng mga magulang niya ang sinasabi nitong may ipapaasikaso sa kanyang negosyo sa America. Pero ang totoo'y, paraan lang ng mga ito iyon para mailayo siya sa nobyo.
Tumulo ang luha niya sa isiping iyon. Isang linggo na mahigit siyang naroon. Pero miss na miss na niya agad ang nobyo. Hindi sapat ang patawag-tawag sa telepono at sa patagong chat at video conference. Gusto na niyang makasama ito. Ang sabi niya'y uuwi siya in less than two weeks. Ngunit itinago ng Mommy niya ang passport niya.
Kailangan niyang makagawa ng paraan para makaalis. Hindi na siya makakatagal pa roon. Kahit na magalit pa ang mga magulang niya ay walang siyang choice. Mahal na mahal niya si Dingdong kaya't gagawin niya ang lahat para dito.
KATULONG ang nakakabata niyang kapatid na si Cassy. Nagplano siyang umalis at bumalik ng Pilipinas. Ito ang nagtakas ng passport niya mula sa pagkakatago ng Mommy niya. Dahan-dahan siyang lumakad palabas ng silid niya. Ang kapatid niya na naghihintay na sa labas at nasa kotse na maghahatid sa kanya sa airport ay nakahanda na rin. Palabas na lamang siya ng pinto ng biglang umalingawngaw ang sigaw ng Mommy niya.
"Alfredo!" malakas na sigaw nito sa pangalan ng Ama. "Chacha! Cassy! Ang Daddy n'yo!"
Bigla ay nakalimutan niya ang planong pagtakas. Tumakbo siya sa kuwarto ng mga magulang. Doon sa loob nakita niyang nakabulagta sa sahig ang kanyang Ama habang mahigpit nitong kapit ang kaliwang dibdib at tila hindi makahinga. Dali-dali niyang dinaluhan ang Ama.
"Daddy! Cassy si Dad!" sigaw niya.
Agad siyang tumawag sa 911. Ilang saglit pa ang nakalipas nang dumating na ang rescue team.
Nang makarating sa ospital at ma-check up ay agad nilang kinausap ang doctor. Saka nila napag-alaman na inatake sa puso ang Daddy niya. Sinabi rin ng doctor na hindi ito puwedeng mapagod at ma-stress. Kinausap siya ng Ina. Siya ang inatasan nitong mamahala ng negosyo nila bilang Panganay sa dalawang magkapatid. Nanlumo siya. Noon ay naalala niya ang planong pag-alis. Puwede pa siyang umalis kung gugustuhin niya. Pero hindi niya maaatim na pabayaan ang pamilya niya sa ganitong kalagitnaan ng krisis. Kaya masakit man ay kinailangan niyang mag-desisyon.
"I'm so sorry, Archie." Umiiyak niyang hingi ng paumanhin.
"I can't believe you're giving up on me. Marami pang solusyon, Chacha. Hindi ang ganitong makikipaghiwalay ka sa akin."
"I know. But this is what I thought the best for us. For all of us. Ayokong bigyan ng alalahanin si Daddy. Please, try to understand."
"Understand? Hindi pa ba kita naiintindihan? Ikaw? Did you ever understand my situation? Ang nararamdaman ko? Sana maisip mo rin na hindi lang ikaw ang nasasaktan at nagsasakripisyo dito. Mas lalo ako."
Walang magawa si Chacha kung hindi ang umiiyak. Alam niyang lahat ng sinasabi nito. Ngunit kailangan niyang tigasan ang damdamin para dito. Kailangan niyang pumili sa mga oras na iyon. At sa kanyang napili, alam niyang labis na masasaktan ang lalaking pinakamamahal niya.
"I'm so sorry, Archie. Pero ito ang tama. Goodbye."
"MA'AM," napakurap siya matapos niyang marinig ang nagsalitang iyon. Ang flight stewardess pala iyon at tinatapik pa siya sa balikat. "Please fasten your seatbelt. The plane will land in any minute." Ani pa nito.
Tumango lang siya at kinabit ang seatbelt. Hindi niya namalayan na magla-landing na ang eroplanong sinasakyan niya. At kasabay ng paglapag ng eroplano ay ang pagkabog ng malakas ng dibdib niya. Isang taon mahigit na ang nakakaraan nang mangyari ang malaking kabiguan sa kanyang puso.
At ngayon, heto siya at nagbabalik. Hindi niya alam kung anong buhay pa ang naghihintay sa kanya dito sa Pilipinas. Tinalikuran niya ang lahat upang sa America maglagi at pagbigyan ang hiling ng mga magulang, kahit na labag sa kalooban niyang iwan ang lalaking tanging isinisigaw ng puso niya. Ngunit nang diktahan na rin ng mga ito ang buhay pag-ibig niya. Hindi na siya pumayag. Nagpumilit siyang umalis. At ngayon, heto na nga siya.
Hindi napigilan ni Chacha ang mapangiti pagtapak na pagtapak niya sa semento ng lupang sinilangan. Pinagmasdan niya ang paligid. Saglit siyang pumikit at huminga ng malalim.
It's good to be home...
"MY GOSH talaga! I can't believe you're here na. Akala ko hindi ka na babalik eh." Anang bestfriend niyang si Panyang.
Natawa siya. "Of course not. Alam mo naman na mahal na mahal ko ang lugar natin, 'di ba?"
"Nakakainis ka talaga, mahinhin ka pa rin kahit sa pagsasalita mo. Kaya nga ba nagtataka ang mga tao kung paano tayo naging mag-bestfriend eh."
"Eh ano? Ang mahalaga intact pa rin ang friendship natin. By the way, kumusta na ba dito sa Tanangco?"
Nagkibit-balikat ito. Saka tumayo at sumilip sa labas ng bintana. Naroon sila sa loob ng silid niya. Matapos ang nasaksihan niyang madamdaming pag-uusap nila Madi at Vanni ay doon sila dumiretso sa bahay niya. Tinulungan siya nitong mag-ayos ng mga bagahe.
"Eto, nakita mo naman kanina. Isa-isa nang nai-in love ang Tanangco Boys. And as you can see, nabingwit ko ang isa. Ang aking My Love na si Mr. Cagalingan. Kaya ang mumunting pangarap ng mga kababaihan diyan, ay mananatiling mumunti na lamang." Sagot nito.
Natawa siya sa sinabi nito. Kahit kailan talaga ay hindi na magbabago pa ang kaibigan niyang ito. She'll always be the same old Panyang na makulit pero saksakan ng bait.
"And you're just in time for two big celebration." Dagdag nito.
Kunot-noong binalingan niya ito. "Ano 'yon?"
"First, malapit nang Fiesta dito. In two weeks." Sagot nito.
"Ah oo nga pala... eh ano 'yung second?" tanong niya.
Hindi agad ito sumagot. Bagkus ang ngumiti muna ito saka itinaas ang kaliwang kamay. Nanlaki ang mata niya nang makitang may suot itong engagement ring.
"Oh my God! You're getting married?!" Hindi makapaniwalang tanong niya sa kaibigan.
Tumango ito. Sa sobrang saya niya para sa kaibigan ay niyakap niya ito ng mahigpit. Ngunit sa kabila ng kasiyahan niya para sa kaibigan ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng mumunting inggit. Kung hindi lamang nagkaganoon ang lahat sa buhay niya. Malamang ay kinasal na sila ni Dingdong. At siya na ang pinakamasayang babae sa mundo ngayon. Pero iba ang nangyari. Nagipit siya noon at kinailangan niyang mamili.
"Congratulations! I'm happy for you!" aniya sa pinasiglang tinig.
"Salamat. At ikaw ang maid of honor ko. Hindi puwedeng hindi." Anito.
"Sure."
"Pero bago ang lahat, ang fiesta muna. Alam mo naman kung gaano natin pinaghahandaan 'yun." Anito.
"Yes, I know. Ang I'll help in any way that I can." Sagot niya. "By the way, Panyang. Tulungan mo naman akong maghanap ng puwesto. Gusto kong magtayo ng isang boutique and accessories shop."
Saglit itong nag-isip. Mayamaya ay lumiwanag ang mukha nito. "Alam ko na, naalala ko. Iyong commercial space sa tabi ng flower shop ko, bakante 'yun." Sagot nito.
"Great!" masayang tugon niya.
"Teka, bakit bigla ka na naman napauwi? And if I remember correctly, sinabi mong you're back for good. What happened? Ang akala ko doon ka na kasama ang parents mo?"
Bigla ay nilukob ang kalooban niya ng kalungkutan. "Gusto kong pagsisihan ang pagpunta ko doon. Ang dami kong sinakripisyo para lang sundin ang magulang ko. I want to be a perfect daughter for them. I want them to be proud of me. But it seems like it wasn't enough."
"Why?"
"Just last week, nagulat na lang ako nang biglang pumunta doon ang anak ng kaibigan nila. Iyon daw ang dapat kong pakasalan. Hindi ko na kaya ang ganoon. I let them decide for me, dahil magulang ko sila at nire-respeto ko sila. Pero ang panghimasukan na pati ang puso ko. I can't take it anymore. Kaya gumawa kami ng paraan ni Cassy para makatakas ako."
Niyakap siya ni Panyang. "It's okay, Best. I'm here. We're all here."
"Thank you."
"Si Dingdong? Mahal mo pa ba siya?"
Napipilan siya. Hindi niya alam kung ano ba dapat ang isagot. Isang taon na silang hiwalay nito. At siya ang may kasalanan kung bakit nauwi sa wala ang lahat ng ipinaglaban nila. Ngunit sa kabila ng lahat. Hindi kailan man nagbago ang nararamdaman niya para dito. She's still in love with him.
"I'll lie to you kapag sinabi kong wala na akong nararamdaman para sa kanya."
"Then, why don't you talk to him? And reconcile. Alam kong mahal ka pa rin ng pinsan ko."
"How can you be so sure?" tanong niya.
"Because he never been the same since you left. There's always sadness in his eyes."
Ngumiti siya. Ngiting hindi umabot sa kanyang mga mata. "He is Archie Dhing Santos for heaven's sake. Hindi kapani-paniwala na wala siyang nakitang kapalit ko." Aniya.
Bumuntong-hininga ito. "Ay bahala ka kung ayaw mong maniwala. Basta ako, nagsasabi ng totoo. At walang halong ka-eschosan 'yun!"
"Huwag mo akong alalahanin, best. I'm okay now. Ang importante sa akin ngayon, 'yung bagong buhay ko dito sa lugar na ito."
Ngumiti sa kanya ang kaibigan. "Nandito lang ako, best. Kahit na mag-aasawa na ako. Wala pa ring mag-iiba sa friendship natin."
"WHAT'S the occasion?" nagtatakang tanong ni Dingdong. Pagdating niya galing ng opisina ay naabutan niyang abala ang mga katulong sa pagluluto at paghahanda ng ilang putahe. Lumabas mula sa kusina ang pinsan niyang si Panyang na may dalang isang bowl na green salad. Sumunod siya dito hanggang sa malawak nilang garden sa bandang likod ng mansiyon. Naroon ang isang mahabang mesa na sa tantiya niya ay may dalawampung silya. Naka-table setting pa 'yun at sa bandang likod noon ay isa pang mesa kung saan nakalagay ang mga pagkain. Mayamaya pa mula sa likuran niya ay biglang sumulpot ang magkasintahang Chef. Sina Vanni at Madi.
"O? Saan kayo galing na dalawa? Teka nga, ano bang nangyayari? Anong okasyon ba ang meron?" sunod-sunod na tanong niya.
"Ang pinsan mo kaya ang tanungin mo." Sagot ni Vanni.
"Panyang," tawag-pansin niya sa pinsan.
"Ang gulo nitong Pengkum na 'to! Ano ba 'yun?"
"What's happening?"
"It's a party for my bestfriend. Si Chacha. Welcome back party n'ya ito. At para sa iyong kaalaman. Nagpaalam na ako kay Lolo."
Natahimik siya sa sinagot na 'yun ng pinsan. Isang malaking pagkabigla para sa kanya ang biglaang pag-uwi nito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan nang balewalain nito ang lahat ng pinagdaanan nila. She promised she'll come back. Pero mas pinili nitong manatili doon.
"O? Bakit natahimik ka?" may mapang-asar na ngiti sa mukha ni Vanni.
"Mahal mo pa, no?" dagdag naman ni Madi.
"Akala ko ba, pinsan. Naka-move on ka na." ani naman ni Panyang.
Napakamot siya ng ulo dahil sa kakulitan ng mga ito. Bakit nga ba siya nag-tanong pa? Mang-aasar lang ang mga ito. Lalo na mamaya. Kung hindi lang siya pagod sa trabaho, puwede siyang tumakas. Kaya lang ay pagod na rin siya sa pagmamaneho.
"Tigilan nga ninyo ako. Nagtanong lang ako eh." Sabi niya.
"Sige na pinsan, kung ako sa'yo. I'll freshen up a bit. Para maayos naman hitsura mo. Para guwapo ka mamaya. Ang ganda pa naman lalo ng bestfriend ko ngayon."
"Eh ano," kunwa'y sagot niya.
"Naku eh 'no. Kunwari pa siya." Ani naman ni Vanni.
"Diyan na nga kayo. Magpapahinga lang ako saglit." Paiwas niyang sagot sabay talikod. Habang naglalakad paakyat ng silid niya. Tangan niya sa isip ang sinabi ni Panyang. Tama ito. Kung maganda noon si Chacha. Mas lalo itong gumanda sa paningin niya. Maamo pa rin ang mukha nito. Kapag ngumingiti ito'y tila nangungusap ang mga mata nito at parang nagbubukas ang pinto ng langit. She still has those beautiful sexy red lips. Her pinkish cheeks. Ngunit wala na ang mahaba nitong buhok. Hanggang balikat na lang iyon pero unat pa rin iyon at itim na itim.
Eh ano kung magkikita kayo ulit mamaya. Naka-survive ka ng isang taon na wala siya, Dingdong. Sisiw na lang sa'yo 'to. Aniya sa sarili na pilit pinapalakas ang loob.
"PANYANG naman eh, ano ba 'to?" kinakabahang tanong niya. Hindi kasi niya maiwasang matakot dahil kilala niya ito. Kapag umiral ang pagiging lukaret nito, wala na siyang kawala.
"Basta, relax ka lang." sagot nito.
Naglalakad sila habang naka-piring ang mga mata niya. Kanina ay bigla siya nitong pinuntahan sa bahay niya at hinila palabas. May pupuntahan lang daw sila. Kaya ganoon na lang ang buwelta niya pabalik nang dalhin siya nito sa bahay nito. Pero may padrino ang lukaret niyang bestfriend. Dahil hinarang siya ni Olay at ni Allie.
"Ano bang gagawin natin dito?" tanong ulit niya.
"Ay sus! Ang kulit naman talaga oh. Hindi kita ipapakain ng buhay kay Dingdong huwag kang mag-alala." Sagot naman nito.
Ilang saglit pa ay tumigil na silang maglakad. Dahan-dahan ay inalis nito ang piring niya. Doon sa hardin ng mansiyon ng mga Santos. Bumungad ang magandang pagkaka-ayos ng isang mahabang mesa.
"Wow," usal niya. "What's this?"
Naroon ang lahat ng mga kaibigan niya. Kumpleto ang halos lahat ng Tanangco Boys maliban lang sa isang tao na hinahanap ng mata niya at kay Victor na nakita niyang umalis kanina. Pero alam niyang galit ito sa kanya. Kaya hindi na niya aasahan na makikihalubilo pa ito sa kanila. Naroon din ang bagong kakilala niyang si Madi. Sina Allie at Olay. At siyempre, ang nasisiguro niyang pasimuno ng lahat nang ito. Si Panyang.
"A Welcome Dinner for you," sagot nito.
Napangiti siya saka niyakap ang kaibigan. "Thank you. Kahit na hindi naman na dapat." Aniya.
"Ah basta, party party tayo ngayon. Let's go." Sagot nito.
Isa-isa siyang binati ng mga kaibigan niya. Sabi na nga ba't mas masaya siya sa lugar na iyon. Kung saan naroroon ang mga tunay niyang kaibigan na handa siyang damayan sa kahit na anong oras.
Paglapit niya sa mga ito ay nagkanya-kanyang bati ang mga ito. Ang iba ay niyakap pa siya.
"Lalo ka yatang gumaganda, Chacha." Puna sa kanya ni Jared.
"Thanks, Jared. Kumusta ka na?"
"Okay lang. Eto, pogi pa rin." Biro pa nito.
"Huwag kang maniwala diyan. Ang sabihin mo, bolero pa rin 'yan at lagi pa ring late." Kontra naman ni Humphrey.
"Hey you, shut up!" ganting biro nito. "Always remember this. Hindi ako nale-late kahit minsan. Lagi lang talaga kayong maaga."
"Kumusta na ang Daddy mo?" seryosong tanong ni Leo.
"He's fine."
"We're so glad, you're back. Nabawasan ang magaganda sa Tanangco noong umalis ka." Ani naman ni Justin.
"Oo nga," sang-ayon ni Panyang. "Iyan tuloy, ako na lang ng ako ang pinagkakaguluhan nila."
"My Love," usal ni Roy.
Agad na ngumisi si Panyang at yumakap sa braso ng nobyo. "Noon 'yun. Pero ngayon may 'My Love' na ako, hindi ko na sila pinapansin." Biglang kabig nito.
"Anyway, what's your plan now that you're back? Hindi ba't binenta na ninyong lahat nang pag-aari ninyo dito?" Sabi ni Darrel.
"I'll put up my own Boutique. Matagal ko nang gustong magkaroon ng ganoong business. Pero hindi ako pinayagan ni Daddy. And now that I'm on my own. Matutupad ko na 'yon."
"On your own? Why? Did you really left your parents?" tanong naman ni Ken.
Sasagot pa lang sana siya nang biglang may tumikhim ng malakas mula sa likuran niya. Ganoon na lang lakas ng pagkabog ng dibdib niya nang marinig ang tinig ng bagong dating.
"Welcome back, Charease."
Dahan-dahan siyang humarap dito. Daig pa niya ang nasipa ng kabayo nang magsalubong ang mga mata nila. God! How she missed this man. It's been a year since she last saw him. Pinigilan niya ang sariling humakbang papalapit dito at magpakulong sa mga bisig nito. Dahil siya na mismo ang nag-alis ng karapatan na iyon sa sarili niya.
"H-Hi," kandautal na sagot niya.
"How are you?" walang gatol na tanong nito.
"I'm good." Sagot niya. "How about you?"
"Fine." Simpleng sagot din nito.
"Uy!!!" sabay-sabay na tukso ng mga ito. Tinutulak pa sila ng mga ito papalapit sa isa't isa.
"Tumigil nga kayo!" saway ni Dingdong sa mga ito.
Agad naman tumigil ang mga ito.
"Mabuti pa, kumain na lang tayo!" dagdag pa nito.
Habang kumukuha ng pagkain ay hindi ipinapahalata ni Chacha ang nerbiyos ng kanina pa naroon sa kanyang dibdib. Paano'y nasa tabi lang niya ito. At nang pareho silang matapos sa pagkuha ng pagkain. Inalalayan pa siya nitong umupo.
"Uy!!! Balikan na! Balikan na!" sabay-sabay ulit na tukso sa kanila.
"Shut up!" singhal ni Dingdong. Agad naman tumahimik ang mga ito. Ngunit mayamaya lamang ay naghagalpakan ng tawa ang mga ito saka nag-apir pa ang iba.
Napangiti siya. Kung mayroon man siyang sobrang na-miss. Iyon ang mga kaibigan niya at ang masayang samahan nila sa Tanangco. At kahit kailan ay hinding-hindi niya ipagpapalit ang lugar na iyon sa kahit na saang banyagang lugar.
CHAPTER TWO: 16
"