bc

Glenn Pederico

book_age16+
989
FOLLOW
2.1K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

It's amazing how make my heart beat faster. And it's also amazing how I fall in love with a beautiful stranger at first sight.

Teaser:

Pagkatapos mawala sa katinuan ng kapatid ni Nicole ng dahil sa pag-ibig. Pinangako niya sa sarili na hinding hindi siya iibig, hindi niya hahayaan na umiyak ng dahil sa lalaki. Kasabay ng pangako niyang iyon, ay ang pagkamuhi niya sa mga lalaking nanloko at naging dahilan sa pagkabaliw ng Ate niya.

Ngunit nakilala niya si Glenn Pederico, ang guwapong negosyante at Doctor. Pinakita agad nito ang interes nito kanya, pilit niya itong iniwasan at tinaboy palayo dito. But fate always brought them together. Hanggang sa natutunan niyang tanggapin ito sa buhay niya. And then, she woke up one morning falling deeply in love with him. Okay na sana ang lahat, ngunit isang masakit na katotohanan ang bumulaga sa kanilang dalawa. Hindi niya matanggap na isa pala si Glenn sa mga nanloko sa kapatid niya noon. At ang pinakamasakit sa lahat, bakit hindi niya kayang kamuhian ito?

chap-preview
Free preview
Chapter One
"WHOA! Grabe! I don't believe what I'm seeing right now." Sabi ni Marisse, habang pinagmamasdan sila nito isa-isa. "What?" tanong ni Glenn. Tumingin ito sa kanya, pagkatapos ay nilapitan siya nito at inayos ang bowtie niya. "You all look amazingly gorgeous," puri nito sa kanila. Ngumiti siya, saka niya kinurot ito sa magkabilang pisngi. Mabilis nitong hinampas ang kamay niya. Saka lumayo sa kanya. "Hey! Ang make-up ko naman!" reklamo nito. Ngumiti lang siya dito. "Thank you, 'cous." Sagot niya dito. Ngumiti din ito sa kanya, saka nilapitan nito ang nobyo nitong si Kevin. "Nakahanda na ba ang lahat?" tanong ni Lolo Badong paglabas nito ng silid, na nakasuot ng tuxedo, kasunod nito ang si Lola Dadang na nakasuot naman ng Evening Gown. "Yes, Lolo. We're all set." Sagot ni Gogoy. "Halika na at baka mahuli tayo sa event." Yaya nito. Isa-isa silang lumabas ng bahay ni Lolo Badong. At sa pagbukas ng malaking gate ay napalingon sa kanila ang mga taong dumadaan. Sumakay siya sa kanyang itim na Mercedez Benz Sports Car. Napapailing siya habang binabaybay ang kahabaan ng Tanangco, hanggang sa highway. Lahat ng nadadaanan nila ay napapalingon sa kanila. Bakit nga ba hindi? Kung ang dadaan sa harapan mo ay sunod-sunod na naggagandahang sports car. Siya mismo ay mapapalingon din. Nakaramdam ng excitement si Glenn. Iyon na ang gabing pinakahihintay nilang lahat. Ang grand opening night ng Mondejar Cars Incorporated. Ilang araw bago ang gabing iyon, isang malaking usapan na ang negosyo nilang iyon sa Business World. Lahat ay interesado. Lahat ay curious sa mga klase ng kotse na ibebenta nila. Siyempre, higit silang interesado ay sa presyo ng mga ito. Halos ilang taon nilang plinano ang negosyo nilang iyon. Nang marepaso na nila ng maayos ang lahat. Sinimulan na nila ang pagtayo nito. Tulong-tulong silang lahat. Simula sa kaliit-liitang detalye ay sila mismo ang nag-ayos. Seventy percent ng investment ay galing sa kanilang magpi-pinsan. Ang natirang thirty percent ay galing kay Lolo Badong, na noon pa man kabataan nito ay mahilig na talaga sa kotse. May mga ilang investor na gustong magpasok ng pera nila sa kompanya, ngunit tinanggihan nila iyon. Hangga't maaari, gusto nilang maging pure family business ito. Hindi niya alam kung anong magiging resulta ng gabing niyon, ngunit dalangin niya na nawa'y maging matagumpay ang lahat. Mayamaya, nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon agad ng makita niyang ang Kuya niya ang tumatawag. Sinuot niya ang Bluetooth headset niya at doon kinausap ang kapatid. "Kuya, nasaan na kayo?" tanong niya. "We're on our way, pero hindi kami magtatagal ng Ate Myca mo. Yaya lang ang kasama ng mga bata sa bahay." Sagot ni Ken. "Okay, no problem." Aniya. "Kumusta ang ospital?" tanong nito sa kanya. "The Hospital is doing great." sagot niya. "Baka naman mapabayaan mo ang ospital dahil diyan sa negosyo n'yo. Pati na ang drugstore." Paalala nito sa kanya. "Don't worry, Kuya. I have everything under control. Para naman hindi mo ako kilala." Pagmamalaking wika niya dito. "I know, I'm just reminding you. Anyway, we'll see you in a bit." "Yeah, bye." He is Glenn Pederico. A licensed Doctor of General Medicine at the age of twenty nine. Noon pa man ay nasa puso na niya ang tumulong sa mga nangangailangan. Lalo na sa mga may sakit. Kaya ng lumaki siya, sumunod siya sa yapak ng Kuya at Daddy niya na parehong magaling na doctor. Dahil abala ang kapatid niya sa Pederico Medical School na pag-aari ng pamilya nila. Siya naman ang tinalaga ng Daddy niya para hawakan ang Pederico Medical Center. Sa kabila ng pagiging doctor, isa pang hilig niya ang binigyan niya ng atensiyon. Ang hilig niya sa mga kotse. Isang bagay kung saan pareho sila ng mga pinsan niya. Second cousin niya ang mga ito. Ang Mommy niya at Mommy ng mga ito ay magpinsan buo. Matapos mag-aral sa Medical School sa US at mag-practice doon. Umuwi siya dito sa Pilipinas, para pagsilbihan ang kapwa Filipino. At masasabi niyang hindi kailan man matutumbasan ng kahit na sino ang saya sa tuwing may napapagaling siya. Ngunit, wala rin katumbas ang lungkot at sakit sa tuwing namamatayan siya ng pasyente. Minsan, sila pang mga doctor ang sinisisi ng pamilya. Kailan kaya maiintindihan ng mga ito na Doctor lang sila. Hindi sila Diyos. Kapag nakatakda ng kunin ang isang tao, maging sila ay walang magagawa. Ilang sandali pa ang nakalipas, nakarating na sila sa showroom ng Mondejar Cars Incorporated. Malayo pa lang siya ay natanaw na niya ang media na naghihintay sa labas. Maging ang ilang mga bisita ay naroroon. May mga pulis din na nakakalat sa paligid, bilang security. Siguradong si Miguel ang nag-request niyon. Pinarada nila ang mga kotse nila sa nakalaan na parking space na eksklusibong lang para sa kanila. Pagbaba nila, dinumog sila ng mga photographers. Napapapikit siya sa tuwing kumikislap ang mga cameras ng mga ito. Sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit kailangan silang dumugin ng mga ito. Hindi naman sila artista. Bukod sa pagiging isang Mondejar. Isang ordinaryong tao pa rin naman sila. Naputol ang pag-iisip niya ng lapitan siya ni Jester. "Insan, ano? Okay ka lang ba?" tanong nito. Tumango siya. "Yeah, I'm okay. These photographers! They irritate me sometimes. Kailangan ba talaga kapag kukuha ng pictures natin yung malapit? Ang sakit pa sa mata ng flash ng camera nila." Pabulong niyang reklamo. Natawa ito, saka siya tinapik sa braso. "Relax, just enjoy the spotlight. Ganyan talaga kapag mga pogi." Pabirong wika nito. Napailing siya. Papasok pa lang sila sa loob ng showroom ng salubungin sila ng malakas na musika. Marami na ang bisita sa loob na naghihintay sa kanila. May mga waiters na umiikot sa paligid, bitbit ang tray na may laman na mga baso ng alak. Sa paligid ay may mga mataas na mesa para sa mga bisita. Isang cocktail party lang iyon, kaya halos mga nakatayo ang mga bisita at walang ginawa kung hindi ang mag-kuwentuhan ng kung anu-ano. Sa bandang unahan, naroon ang isang maliit na stage at may microphone stand sa gitna niyon. Pagpasok nila sa loob, sinalubong sila ng mga waiters. "Wine, Sir?" alok nito sa kanila. Kumuha siya ng red wine, samantalang sila Wayne, Wesley, Karl at Mark ay vodka. Sinalubong sila ni Sam, na siyang nag-organize ng event. Lumingon pa siya muli sa paligid. May mga fresh flowers din sa paligid na siyang lalong nagpaganda sa buong paligid. "Hey, glad that you're already here. Kanina pa kayo hinihintay ng mga bisita. Especially, the single women." Sabi pa nito sa kanila. Tumawa siya ng pagak. "No way, I'm not interested." Sabi pa niya. "Yeah, magiging interesado lang si Glenn sa kanila kung may sakit sila." Biro pa ni Wesley. "Basta ako, hindi na ako puwede. I'm exclusively taken." Sabi pa ni Jefti. Niyakap nito si Sam saka hinalikan nito ito sa labi ng mabilis. "By the way, ang ganda ng ginawa mo dito sa place. I like it." Aniya kay Sam. "Thank you," nakangiting sagot nito, habang naka-abrisyete ito sa braso ng nobyo nito. Abala sila sa Pakikipagusap sa mga pinsan, at sa ibang mga bisita ng may mahagip ang mga mata niyang isang pamilyar na mukha ng babae. Nakatayo ito sa hindi kalayuan, at may hawak na wine glass. Pinakatitigan niya itong maigi. Hindi siya maaaring magkamali. Kilala niya ang babaeng ito. HINDI alam ni Nicole kung paano siya magre-react sa nasaksihan niya. Nanlaki ang mata niya ng sunod-sunod na pumarada ang magagarang sasakyan sa tapat ng entrance door ng naturang showroom, kung saan ginaganap ang event na pinuntahan nila ng kaibigan niya. "Sino sila?" tanong niya kay Cris, ang bestfriend niya. Isa itong modelo at interesado itong bumili ng kotse sa bagong bukas na Car Shop na iyon. At dahil sa koneksiyon nito, nagawa nitong makapunta sa event kahit na hindi ito imbitado. Hinila lang siya nito doon para may kasama ito. Kinikilig na hinarap siya nito. "Seryoso ka? Hindi mo sila kilala?" gulat pang tanong nito. "Para naman kasing nandito ako palagi," aniya. "Yan! Palibhasa kasi layas ng layas sa Pilipinas." Sabi nito. "Eh sino nga kasi sila? Bakit sila pinagkakaguluhan?" sunod-sunod na tanong niya. "They are the Mondejars, dear friend. Sikat sila sa corporate world. Kilala silang magpi-pinsan dahil bukod sa mga guwapo sila, mayayaman, mabait and very loving sa family nila. Bukod sa bagong tayong negosyong ito, may kanya-kanya din silang mga negosyo. And mind you, all of them are successful. Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit at paano nila naitayo ang ganitong kalaking negosyo. Urgh! For the love of cars. According to my friends, ang mismong Lolo nila ay mahilig din daw sa kotse. Kaya naman daw namana ng magpi-pinsan ang hilig na iyon." Mahabang paliwanag nito. Kunot-noong tinignan niya ito. "Umamin ka, stalker ka nila no?" tanong niya. "What? Oh no! Nababalitaan ko lang naman ang mga 'yan eh." Depensa nito sa sarili. "And oh yeah, eto pa pala. Ngayon daw, bukod sa negosyo nilang ito. Nagtayo din pala ng Carwash ang Lolo nila. And take note, sila mismo ang naghuhugas ng kotse. So, there's another title for them. The Carwash Boys! Kapag nakabili ako ng kotse, ipapa-carwash ko sa kanila kahit malinis pa. My Gosh! Can you imagine them shirtless?" dugtong pa nito, habang kinikilig pa. Napailing siya. Bilib talaga siya sa radar ng kaibigan niyang ito. Sa lahat ng modelo, ito yata ang tsismosa. Binalik na lang niya ang atensiyon sa kinukuwento nitong Carwash Boys. Gusto niyang um-agree sa sinabi nito. Kung siya man din ay magkaroon ng kotse. Siguro, hindi rin siya magdadalawang isip na dito sa mga ito ipahugas iyon. Napailing siya sa naisip. Kelan pa siya natuto ng ganun? "Kelan nga pala ang flight mo ulit?" tanong nito sa kanya. Kumuha muna siya ng champagne glass ng alukin sila ng waiter. Umiling siya. "Wala akong flight the next few months. Naka-indefinite leave ako. Gusto ko kasing magpahinga. Bukod doon, gusto ko rin bigyan ng panahon sila Mommy at lalo na si Ate." Paliwanag niya. "And to give time to your heart. That's good." Dugtong pa nito. "Cris, you know my stand about that heart thing." Aniya. Nagkibit-balikat lang ito. "You can avoid it, anytime you want. Pero sa oras na panain ni kupido ang puso mo. Wala ka ng magagawa kundi sundin ito." sabi pa nito, saka pa nito kinanta ang huling sinabi nito. Natawa siya. "Ewan ko sa'yo," usal niya. Nicole Beatriz Santos. Isa siyang Flight Attendant sa Air Canada Airlines. Sa edad niyang dalawampu't walong taong gulang. Halos na libot na niya ang buong mundo sa pamamagitan ng klase ng trabaho niya. Masaya siya sa takbo ng career niya. Iyon nga lang, sa kabila ng tagumpay. Nicole still felt empty. Hindi niya kayang maging lubusan na masaya dahil sa sitwasyon ng pamilya niya. Lalo na ang Ate niya. Isang dahilan kung bakit sinarado niya ang puso niya sa kahit na sinong lalaking manligaw sa kanya. Ayaw niyang masaktan. Ayaw niyang lumuha. Ayaw niyang magaya sa Ate niyang naging biktima ng mapaglarong pag-ibig. And she hated the man who made her sister's life miserable up to this very moment. Pinangako niya sa sarili na ipapamukha niya sa mga lalaking iyon ang ginawa nito sa kapatid niya. "Oh no! They're coming!" Napakurap siya. Tinuon niya ang atensiyon sa hosts ng event na iyon. Tama si Cris. Makikisig nga ang mga ito. Nang lumingon siya sa paligid, kitang kita niya kung gaano nagkanya-kanyang papansin ang mga babae doon sa mga ito. Napapailing siya. "You know what I hate on this kind of formal gatherings? Nagkalat ang mga pa-cute at pa-sosyal na nilalang." Komento niya. Tumawa si Cris. "Ganoon talaga, girl. Sino ba naman babae ang hindi gugustuhin mapansin ng kahit na sino sa kanila. Hello, Mondejar kaya sila. Well, anim nga pala sa kanila ang may girlfriend na." Sabi naman nito. Muli niyang tinuon ang pansin sa mga bagong dating. Bukod sa dalawang matanda na kasama ng mga ito, na batid niya bilang Lolo at Lola ng mga ito. Sa labindalawang kalalakihan, anim sa mga ito ang may kasamang babae. Ito marahil ang sinasabi ni Cris na may mga girlfriend na. Ngunit agad siyang napakunot-noo at napatuwid ng tayo ng mapansin niya ang isa sa miyembro ng Carwash Boys. Kilala niya ito. Hindi siya maaaring magkamali. Ang lalaking iyon ay ang nakilala niya sa loob ng eroplano, ilang linggo na ang nakakaraan. "Glenn Pederico," bulong niya. One Month Ago... Air Canada. Kasalukuyan silang nasa himpapawid ng mga panahon na iyon, galing ang sinasakyan nilang eroplano sa Los Angeles papunta ng Ninoy Aquino International Airport. "WOULD you like some coffee or juice, Ma'am?" alok ni Nicole sa bawat pasahero ng eroplanong sinasakyan niya, habang tulak ang cart na may laman ng pagkain na pang-breakfast. "No, thank you." Tanggi ng isang foreigner na pasahero niya. Dumiretso siya sa pinakadulo, saka muling nag-alok ng maiinom at pagkain sa iba pang mga pasahero. Pagkatapos niya doon, pumunta naman siya sa First Class. Pagpasok niya sa area na 'yon, muli siyang nag-alok ng pagkain sa mga pasahero doon, habang tulak ulit ang cart. "Do you want anything, Sir?" tanong niya sa isang matandang lalaki. "Uh, water. That's it." Sagot nito. "Here, Sir." Aniya, sabay abot ng bottled water dito. Pagkabigay niya ng tubig nito, inasikaso din niya ang iba pa. "Miss." Agad siyang lumapit sa tumawag sa kanya. "Yes, Sir. Anything I can do for you?" magalang niyang tanong. Mula sa ginagawa nito sa laptop nito, umangat ang ulo nito upang tignan siya. Sinubukan niyang i-maintain ang posture niya ng sa wakas ay makita niya ang mukha nito. Napaka-guwapo nito, at bigla siyang nakaramdam ng pagkailang ng magtama ang mga paningin nila. Kahit na may distansya silang dalawa, kita niya ang kulay tsokolateng mata nito. Hindi niya sigurado kung foreigner ba ito o Filipino. Base kasi sa ganda ng mata nito, para itong foreigner. "Can you give me a cup of brewed coffee, please?" pormal na tanong nito sa kanya. "Yes, Sir." Sagot niya. At gusto niyang titigan na lang ito habang buhay ng ngumiti ito sa kanya. "Thank you," anito. Isang magaan na ngiti din ang sinagot niya dito. Habang nagpe-prepare ng coffee nito. Hindi maiwasan ni Nicole na makaramdam ng pagkailang. Pakiramdam kasi niya ay pinapanood siya nito habang kumikilos siya. Lihim siyang huminga ng malalim, para kahit paano'y kumalma ang dibdib niya, na nagsisimula ng tumibok ng mabilis. Ano ba ang mayroon sa lalaking iyon at ganoon ang naging dating nito sa kanya? Marami naman mas guwapo pa dito na siyang nakilala, sa tagal niyang nagbi-byahe. Pero wala ni isa man sa mga ito ang nakakuha ng atensiyon niya. Ano bang meron sa kanya? tanong niya sa sarili. Matapos niyang makapagtimpla ng kape nito. Agad niyang dinala ito doon sa Mamang guwapo. Pagdating niya doon, abala pa rin ito sa ginagawa nito sa laptop. Base sa itsura nito at sa nakikita niyang mga gadgets nito na nasa ibabaw ng mesa nito, halatang mayaman ito. "Here's your coffee, Sir." Aniya, saka niya nilapag ang kape nito sa gilid ng mga gamit nito. "Thank you." Pasasalamat nito, saka iyto saglit na natigilan. "Uhm, what's your name again?" tanong pa nito. Bahagyang tumalon ang puso niya matapos nitong tanungin ang pangalan niya. Bumuka ang bibig niya, ngunit walang lumabas na tinig doon. Kasunod ng dahan-dahan na pag-ahon ng kabang tila hindi pamilyar sa kanya. Tumikhim siya para hindi mahalata ng Mamang Pogi na ito na parang may riot sa dibdib niya. "Uh, Nicole Sir." Sagot niya pagkatapos ay kiming ngumiti dito. Nakangiti din na tumango ito. "Thank you, Nicole." Sabi pa nito. "You're Welcome, Sir. Enjoy your coffee." Aniya. Saka bumalik sa station nila. Pagdating doon, saka siya nakahinga ng maayos. Hindi maintindihan ni Nicole kung bakit ganoon ang nararamdaman niya sa estrangherong iyon. Tatlong beses siyang huminga ng malalim, upang kumalma ang puso niya. Pagkatapos ay lumingon ulit siya sa gawi nito, para lang muling ibaling sa ibang direksiyon ang paningin niya. Paano kasi, sabay sila nitong napatingin sa isa't isa. Ang pagkakaiba lang nila, ngumiti ito sa kanya. Siya naman ay agad na nagbawi ng tingin. Napapitlag pa siya ng bigla siyang sikuhin ng isang kasamahan niyang filght attendant, na Pinoy din. Napatingin siya dito. "Ang ganda mo, nakakaloka ka!" sabi pa nito. "Ano?" naguguluhan niyang tanong dito. "Ang sabi ko, ang ganda mo. Kanina ko pa napapansin na tinititigan ka ng lalaking guwapong 'yon." Sagot nito, habang nakangisi sa kanya. "Sino?" kunot-noong tanong ulit niya. Lumingon ito, at pasimpleng tinuro ang sa bandang likod niya. "There oh," sabi pa nito. Wala sa loob na tinignan niya ang tinuro nito. Ganoon na lang ang pagkabog ng dibdib niya nang ang lalaking nagtanong ng pangalan pala niya ang tinutukoy nito. Nanlaki ang mga mata niya ng biglang tumingin ito sa kanya, sabay guhit ng matamis na ngiti sa kanya. Bilang paggalang dahil pasahero ito, at para hindi na rin halata na kanina pa siya apektado ng ngiti nito ngumiti din siya dito. Saka agad na binalik ang atensiyon niya sa ginagawa. Ano kaya ang pangalan niya? hindi niya mapigilan na tanong sa isip niya. Nawala sa guwapong iyon ang isip niya biglang umuga ang eroplano. Ibig sabihin ay, nagkakaroon ng air turbulence sa himpapawid. Agad na nagpaalala ang piloto ng eroplano na huwag mag-panic at umupo sa kanya-kanyang upuan, maging silang mga attendant at mag-seat belt. Kahit na ilang taon na siya sa ganoong trabaho, hindi pa rin maiwasan ni Nicole na nerbyosin sa tuwing umuuga ang eroplano. Napapikit siya upang kalmahin ang sarili, hanggang sa makarinig siya ng isang malakas na hiyaw. Napakunot-noo siya. "Sino 'yon?" tanong niya sa kasamahan niya. "Si pogi," sagot nito, sabay nguso sa direksiyon nito. Paglingon niya, nakita niyang may mantsa na kulay brown ang suot nitong puting t-shirt. Ang sapantaha niya, mukhang natapon ang kape nito at napaso ito kaya ito napahiyaw. Ilang sandali pa ang nakalipas, kumalma na ang paglipad ng eroplano. Muling nag-anunsiyo ang piloto na maaari nang alisin ang seatbelt. Agad siyang tumayo at pinagpatuloy ang ginagawa. Habang pasimple siyang sumusulyap sa lalaki. Kita niya sa mukha nito ang pagkairita nito dahil sa natapon na kape sa damit nito. "Miss," tawag ng lalaki. "Ikaw na ang lumapit," pabulong na sabi ng kasamahan niya. Saka pasimpleng tinulak siya palapit dito. "Sir?" tanong niya. Awtomatikong ngumiti ito pagkakita sa kanya. "Are you okay, Sir?" tanong ulit niya. "Uh, yeah. I mean, the coffee spilled over my shirt. Do you have any tissue, or table napkin perhaps that I can use?" tanong din nito. "Yes Sir. Just a minute, I'll get one." Sagot pa niya. Agad siyang kumuha ng ni-request nito. Pag-abot niya dito ng table napkin ay agad nitong pinunas iyon sa t-shirt nito, ngunit naging mantsa na ang kape. Pagkatapos ay pinunas naman nito sa pinagpapatungan ng mismong tasa ng kape. "Oh Sir, I'll do it." Sabi pa niya. "Okay. Thanks Nicole," anito. Tumango siya saka pinagpatuloy ang pagpunas sa kapeng natapon. "By the way, I'm Glenn. Glenn Pederico. I'm sorry, I forgot to introduce myself a while ago when I asked your name." Biglang pagpapakilala nito sa sarili, sabay lahad ng kamay nito sa harap niya. "Nicole. Nicole Beatriz Santos. That's okay, Sir." Sagot naman niya, sabay tanggap ng kamay nito. May kung anong kuryente siyang naramdaman na tila nanulay mula sa kamay nito hanggang sa braso niya. Kasunod ng pagkabog ng puso niya. Hanggang sa mapatulala na lang siya sa harap nito. "Wait, Are you a Filipino?" pukaw nito. "Ah, Y-Yes," sagot niya. "I knew it," anito. "Kaya pala palagay ang loob ko sa'yo." Anito. "Thank you po." "And please, drop the 'po'. Bata pa ako." Sabi nito. Napangiti siya. "Sorry." "Anything else, Sir?" tanong pa niya. "I think, that's all. Tatawagin na lang kita kapag may kailangan ako." Nakangiting sagot nito. Tumango siya. "Okay." MALALIM na ang gabi. Karamihan ng mga pasahero ay mga nagpapahinga na. Isa-isang chineck ni Nicole ang karamihan sa mga pasaherong himbing na natutulog. Inaayos pa niya ang kumot ng mga ito kapag wala sa ayos. Napahinto siya sa paglalakad ng biglang bumukas ang pinto ng CR at lumabas doon si Glenn. Napakunot-noo siya ng makita ang suot nitong t-shirt, kulay pink. Napangiti siya, ngunit sa kabila noon hindi maintindihan ni Nicole kung bakit kailangan mataranta ng puso niya. "Hi," bati nito sa kanya paglapit nito. "Hi," aniya. "Bagay sa'yo ang kulay pink." Biro pa niya. Napangiti ito. "Thanks. Binigay sa akin ng pinsan kong babae. Ang tunay na lalaki daw kasi, nagsusuot ng damit na kulay pink." Paliwanag nito. Mayamaya, si Gel naman ang pumasok sa loob ng CR. "Can I ask you something? I really hope you don't mind." Anito, nakatayo ito sa may pintuan ng CR. "Sure," sagot niya. "Can we keep in touch after this? I mean, can I get your number?" tanong nito. Naumid ang dila niya. Ano nga ba ang dapat niyang isagot? Biglang umangat ang alert button sa utak niya. Hindi ba't sinabi niya sa sarili na hindi siya magpapadala sa mga sinasabi ng kahit na sinong lalaki. Kahit na gaano ito kaguwapo. Kahit na ang isang gaya ni Glenn. Isa itong estranghero sa kanya. Samakatuwid, hindi niya kilala. Bigla ay naalala niya ang kapatid. "Uhm. I'm sorry, Sir. I can't really give you my number. As you can see, I'm working as of this moment." Magalang niyang pagtanggi dito. Kitang-kita niya na lumungkot ang mukha nito, ngunit, agad din naman binawi iyon ng magandang ngiti nito. "I understand," sagot nito. Tumango siya. "Thank you, Sir." Magsasalita pa lamang ito ng biglang bumukas ang pinto. Dahilan upang matamaan ito ng pinto ng CR sa likod. Napaigik ito sa sakit at muntik sumubsob sa kanya. Mabuti na lang at naalalayan niya ito. "Aray ko," daing ni Glenn, habang hawak ang likod nito. "Sir, okay lang po ba kayo?" Mabilis niyang tanong dito. Nang tignan niya kung sino ang nanggaling sa loob, si Gel pala. Ang kasamahan niyang Attendant na kapwa Filipino din. "Ano ka ba? Hindi ka nag-iingat sa pagbukas ng pinto. Tinamaan mo sa likod si Sir ng pinto." Sita niya dito. "Sorry po, Sir. Hindi ko sinasadya. Na-stock up kasi yung pinto, ayaw agad bumukas, kaya nilakasan ko ang pagtulak. Hindi ko naman alam na may tao pala." paliwanag nito. "Sorry po." "Sir Glenn, okay lang po kayo?" tanong ulit ni Nicole dito. Wala sa loob na nahawakan niya ang likod nito, dahilan upang hindi sinasadyang madikit ang kamay nilang dalawa. Natigilan silang dalawa, saka wala sa loob na nagkatitigan. Noon lang din niya na-realize na medyo malapit pala ang mukha nila sa isa't isa. Doon lang din niya napansin na kulay tsokolate ang mga mata nito. Glenn has brown-russet pair of eyes. Medyo makapal ang kilay nito, medyo matangos ang ilong nito at natural na mamula-mula ang kulay ng labi nito. Mabilis na tumibok ang puso niya. Kasabay ng tila pagbagal ng kilos ng mga tao sa buong paligid. Saglit niyang nakalimutan na nasa himpapawid siya. Mas naramdaman niyang nakasakay siya sa ulap at tinatangay siya ng magagandang mga titig nito. How can she feel that way to a stranger? Mabilis siyang tumikhim, saka kusang lumayo dito. "I'm okay," sabi ni Glenn. "Okay," usal niya. "I'll go ahead, Sir." Paalam niya. Tumalikod na siya at mabilis na lumayo dito. Nang mapag-isa na siya. Saka niya pinakawalan ang pigil niyang paghinga. Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon kalakas ang dating nito sa kanya. Hindi niya ito kilala. Glenn was a total stranger. Pero bakit ganoon na lang kalakas ang t***k ng puso niya? Hindi niya maintindihan. Nobody made her feel that way. Strange... sabi niya sa sarili. NAPANGITI si Glenn matapos bumalik sa alaala niya ang lahat ng tagpong iyon. It was his first time to feel that way on a stranger. Siya ang tipo ng lalaking hindi madaling ma-in love, unless, he knew the girl before. Pero iba si Nicole, the first time he laid his eyes on her. Bumilis na agad ang t***k ng puso niya dito. Something that is so unusual for him. Nang araw na makarating na sa NAIA ang eroplanong sinasakyan niya. Hindi agad siya lumabas ng departure area. Sinadya niyang abangan si Nicole sa paglabas nito. Gusto talaga niyang mas makilala ito ng lubusan. Alam niyang isang kabaliwan ang ginagawa niya. Pero alam niyang kailangan niyang gawin iyon, o hindi siya matatahimik. Muling bumalik sa alaala niya ang pagtatagpo nila sa may Departure Area. "Sir Glenn?" nagtatakang wika ni Nicole, pagkakita nito sa kanya. "Stop calling me, Sir. Wala na tayo sa eroplano. Kaya puwede mo na akong tawagin sa pangalan ko lang." sabi pa niya. "Okay, Glenn." Anito. "That's more like it," wika niya. "What do you want?" tanong nito. "We'll go ahead, Nicole. Hintayin ka na lang namin sa labas." Sabi ni Gel, pagkatapos ay iniwan na sila nito para mas makapag-usap ng mabuti. "Your number," sagot niya. "Hindi ko ugaling magbigay ng number ko sa estranghero," sabi nito. "I'm not a stranger anymore. You know my name." nakangiti pa rin na wika niya. "Kanina sa eroplano. Parang napaka-seryoso mo. Nakapormal ang mukha mo. Tapos dito, makulit ka. Alin doon ang totoo?" tanong ni Nicole. "Pareho. Hindi lang kita makulit kanina kasi alam kong nagta-trabaho ka. So, your number." Sagot niya, sabay labas ng cellphone niya. Ngumiti ito. Saka binaba nito ang kamay niya. "I'm sorry, Glenn. I really can't give you my number. It's a personal information, and we're not allowed to give our personal contact numbers. And personally, hindi ko rin talaga ugaling ibigay ang number ko." Tanggi nito. "What? Why? Hindi naman ako masamang tao ah?" aniya. "I know. But I'm sorry." Napailing siya. Pagkatapos ay napabuntong hininga siya. Minsan na nga lang siya magkaganoon sa babae, sablay pa. "I have to go, Glenn. Naghihintay na ang mga kasama ko. Bye. Nice to meet you." Anito. Saka nagsimulang maglakad palayo. "Nicole," aniya. Huminto ito at lumingon sa kanya. "I will still see you, that's a promise." Sabi niya, sabay kuha ng picture nito mula sa camera ng cellphone niya. Hindi ito nagprotesta, ngumiti lang ito, saka pinagpatuloy nito ang paglalakad.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

SILENCE

read
387.0K
bc

I Sold My Virginity To A Billionaire. RATED SPG/ R-18

read
2.3M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
787.2K
bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
36.1K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
431.4K
bc

POSSESIVE MINE

read
975.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook