bc

Wayne Castillo

book_age16+
626
FOLLOW
1.7K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
lighthearted
like
intro-logo
Blurb

"I fell in love with you yesterday, I fell for you more today. And I promise to fall in love with you for the rest of my life."

Teaser:

Walang habas na pumasok si Laiza sa loob ng Shop na pag-aari ng sikat na basketball player na si Wayne Castillo. Aalukin sana niya ito ng Insurance, ngunit, nabato siya ng bola ng isang customer doon.

Sa pangalawang pagkakataon na nagkita sila, nagulantang ang buong mundo niya nang bigla siya nitong halikan sa labi sa harap ng ayon dito ay Mommy nito, at ng isa pang babae. At ang mas kinaiinis pa niya, sinabi pa nitong girlfriend siya nito at nagli-live in na sila. Nang itatanggi niya ang mga sinabi nito, muli siyang hinalikan nito. Nang tila ma-korner siya ng pagkakataon, napilitan siyang sakyan ang palabas nito. Sa pagdaan ng mga araw ng pagpapanggap niya, hindi niya namalayan na nahuhulog na ang loob niya dito. Unti-unti ay mas nakikilala niya ito.

Ngunit dumating ang pagkakataon na kailangan na nilang tapusin ang palabas. Kasunod ng isang katotohanan na kailan man ay hindi siya minahal nito. Kung kailan hindi na alam ni Laiza, kung paano gigising sa umaga ng wala na ito sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
Chapter One
HINUBAD ni Wayne ang suot niyang dilaw na sando, maging ang mga pinsan niya habang naglalakad sa gitna ng kalye ng Tanangco. Kagagaling lang nila sa Park sa kabilang barangay, nagkayayaan kasi sila na mag-jogging ng umagang iyon. Kasabay niyon, sa di kalayuan ay nagtilian ang isang grupo ng mga kababaihan. Napailing na lang siya. Kung kapatid niya ang mga ito, hinila na niya ito pauwi sa bahay. Hindi nila pinansin ang mga ito, ngumiti at tumango lang sila ng tawagin sila ng mga babae. Si Olay ang sumita sa mga ito. Palibhasa'y kakilala din nito ang mga iyon. "Kaloka! Kung makatili ang mga mahaderang ito! Kulang na lang lumabas ang mga buhok sa ilong n'yo!" pabirong tungayaw nito sa mga ito. Natawa siya sa sinabi ng kaibigan niya. "Hala, uwi! Isusumbong ko kayo kay Lola Dadang!" dagdag pa nito. Nang magsiuwian na ang mga babae. Sila naman ang binalingan nito. "Kayo naman, sino ba kasi ang nagbigay ng permiso sa inyo na rumampa dito sa Tanangco na kita ang mga pandesal n'yo! Nagkakasala kaming mga babae!" "Weh?" pang-aasar pa niya ditto. "Oo ka na lang, Wayne!" sagot pa nito. Tumawa lang siya. Pagdating nila sa bahay ni Lolo Badong, naabutan nila doon na may naghihintay na dalawang kotse. Base sa dumi ng dalawang sasakyan, obvious na magpapa-carwash ang mga ito. "Mabuti at dumating na kayo, magpahinga na kayo at ng masimulan na ninyo ang paglilinis ng dalawang iyan. Babalikan din 'yan ng mga may-ari niyan." Sabi pa ni Lolo Badong. "Sige po," sagot ni Daryl. Habang nagpapahinga, naglabas si Inday ng dalawang pitsel ng orange juice. Saka nila pinag-usapan ang tungkol sa Mondejar Cars Incorporated. "I'm so proud of all of you. Maganda ang feedback ng business world sa MCI." Anang Lolo niya. "Thank you, Lolo." Sagot naman ni Miguel. "Alam n'yo naman po na para din sa inyo ang MCI." Dagdag pa ni Marvin. Ngumiti ang matanda. "Maraming Salamat, mga apo. Pagbutihin pa ninyo ang pagta-trabaho. Ako ay matanda na, walang ibang makikinabang sa MCI kung hindi ang mga magiging anak ninyo." Sabi pa ng matanda. "Daryl, wala pa ba kayong balak na magpakasal ni Jhanine? Aba, gusto ko pang makita ang aking mga apo sa tuhod." Singit naman ni Lola Dadang. "Don't worry, Lola. I'm planning to propose to her. Pinagpaplanuhan ko pa po." Sagot nito. Tinanong din ng abuela niya maging ang iba pang mga pinsan niyang may mga girlfriends na. Pagkatapos, ay natuon sa kanya ang tingin ng lahat. Napahinto siya sa pag-inom ng juice. "What?" inosenteng tanong niya. Nangingiti ang mga pinsan niya. "Ikaw, dude? Kailan ka magpapakasal?" nang-aasar na tanong ni Jester. "Not in a million years, bata pa ako." Mabilis niyang sagot. "See, Lola. I told you, walang planong mag-asawa si Wayne." Komento naman ni Kevin. "AbaWayne! Hindi ako papayag na hindi ka mag-aasawa, paano dadami ang lahi ng mga Mondejar kung hindi ka mag-aasawa!" protesta agad ng Lola niya. "Lola, hindi naman sa hindi ako mag-aasawa. What I mean is, not now. Busy pa po ako sa career ko, sa trabaho. Wala akong panahon sa lovelife." Paliwanag niya. "Huuu! Ang sabihin mo, takot ka lang magpakasal talaga." Pang-aasar pa ni Wesley dito. "Tumahimik ka nga! Hindi ako si Karl, no?" sagot niyang may halo din pang-aasar sa isa pang pinsan niya, ngumisi lang siya dito ng tinignan siya nito ng masama. "Kailan pala natin itutuloy ang raffle para sa Red Ferrari?" pag-iiba ni Jefti sa usapan, sabay baling kay Gogoy. Tinuro nito si Mark na siyang Head ng Marketing Department. Trabaho nito ang promotions ng MCI, maging ang mga promos gaya ng raffle na iyon ay sakop din nito. "Pina-plano pa namin ng mabuti ang magiging game. Hindi biro ang price natin. I'll update you guys, kapag final na ang game plan." Paliwanag nito. "Tara! Gawin na natin 'to, may practice game pa kami mamayang alas-nuwebe." Yaya niya sa mga pinsan. "Oy Wayne, tickets namin sa game mo ah." Paalala ni Glenn. "Oo nga! Naka-reserve na." sagot niya. "Good!" "Wayne," tawag sa kanya ng Lolo niya. Nagpaiwan siya muna para kausapin ang abuelo. "Po?" "Pumunta pala dito kaninang umaga iyong interior designer ng bahay mo. Ngayong araw na daw matatapos ang pag-aayos doon." Sabi pa nito. "Ah sige po, 'lo. Check ko mamaya pag-uwi ko." Sagot niya. "At isa pa, tumawag ang Mommy mo. Uuwi daw siya next week bago ang Final Game ng team n'yo, kasama daw niya ang babaeng mapapangasawa mo." Dagdag ng Lola niya. "What?!" he exclaimed. "No way, Lola." Hindi makapaniwalang wika niya dito. "Oh yes, hijo. Kaya kita tinatanong kanina, kilala ko ang Mommy mo. Makulit ang isang iyon, kapag may nagustuhan ipipilit pa niya." Anang Lola niya. "Yes, I know. God! I'm doomed!" aniya. Sa isang saglit ay namroblema siya. Hindi maintindihan ni Wayne kung bakit kailangan siyang madaliin ng Mommy niya na mag-asawa. Hindi naman siya sa solong anak. In fact, he has two younger siblings. Si Wilma, ang sumunod sa kanya na isang taon lang tanda niya dito at si Wallace, ang bunso. Bakit hindi nito buligin ang ibang mga kapatid niyang mag-asawa? Alam naman nitong abala siya sa trabaho. Napabuntong-hininga siya. Ang masaklap pa nito, nagbanta noon ang Mommy niya. Kapag wala daw siyang napakilala ditong girlfriend o fiancée. Isasama daw nito ang babaeng pilit nitong nirereto sa kanya. Si Lynne. Hindi naman sa ayaw niya sa babaeng sinasabi ng Mommy niya. Kaya lang, hindi niya type ang mga babaeng sobrang vain at glamorosa. He wants his girl to be simple, that's all. At dumating na yata ang katapusan ng buhay niya. "Kung ako sa'yo, pinsan. Maghahanap na ako ng girlfriend." Natatawang payo ni Mark. "Hahanapan kita, gusto mo?" may pang-aasar pang prisinta ni Karl. "No way! I know what you're thinking." Mabilis niyang tanggi. Sigurado siyang mga ayaw niya ang ipapakilala nito sa kanya. "Gusto mo mag-post ako sa f*******:? Wanted girlfriend for Mr. Big Wayne." Pagbibiro pa ni Welsey sa kanya. Nagtawanan ang mga pinsan niya. "Gusto mong masira ang career ko! Ayoko no'n!" mariing tanggi niya. "Wayne, hindi mo dapat problemahin 'yan. I'm sure, may darating na isang babaeng magiging sagot sa problema mo." Seryosong payo ni Gogoy. Muli siyang napabuntong-hininga. Sana nga, mangyari ang sinabi ni Gogoy. Napailing siya. Ang Mommy talaga niya, palagi na lang siyang pine-pressure. Nang mapatingin siya sa orasan, agad siyang nagmadali. Hindi niya namalayan na alas-otso kinse na pala. Alas-nuwebe ang practice game nila. Mahigpit ang coach nila, bawal ang late dito. May punishment ang kahit sinong player na male-late. Kaya agad siyang nagpaalam sa mga ito. "Hindi na ako makakatulong. Male-late ako sa practice game namin." Paalam niya. Pagkatapos ay mabilis siyang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Pagdating sa silid niya, agad niyang sinilid sa traveling bag niya ang mga gamit niya. Saka mabilis na naligo at nagbihis. Sakay ng kanyang Jaguar XJ Silver, agad siyang nagpaalam sa Lolo at Lola niya saka umalis. He is Wayne Castillo. An Accounting Graduate from a famousUniversity here in the country. Mr. Big Wayne. He is the Shooting Guard sa team ng alak na siyang kinabibilangan niya. Dahil sa matinding training na pinagdaanan nang magsimula ang career niya sa basketball. Naging bihasa siya sa larangan na iyon. He is a three point shooter. Kaya naman kapag siya ang nasa loob ng hard court, mahigpit ang pagbabantay sa kanya ng kalaban. And he's enjoying his career. Masaya siya sa buhay niya kasama ang Pamilya niya. Bukod sa pagba-baskteball, isa rin siya sa tinaguriang Youngest Businessman. He owns Mr. Big's SportsCenter, isa iyong shop ng mga sports items, damit at kung anu-ano pa na may kinalaman sa sports, and lately, as one of the stockholder and owner of their family business Mondejar Cars Incorporated. Katulong siya sa pangangasiwa ng Accounting Department ng MCI. Hindi alam ni Wayne kung paano niya nagagawa ng sabay-sabay ang mga trabaho at career bilang isang Basketball Player. Sabi nga ng mga pinsan niya, tatanda daw siyang binata dahil puro siya trabaho at basketball. Tinawanan na lamang niya ang mga ito. Who needs an inspiration anyway? Tanging ang career niya bilang isang professional basketball player ang inspirasyon niya. Dahil ang katwiran niya, ang pag-ibig, darating din ito sa tamang panahon. Hindi niya kailangan madaliin o hanapin. Pero hindi ubra ang pananaw niyang iyon sa Mommy niya. Gusto na nitong magkaroon siya ng girlfriend, or worst, she wants him to get married. Napapalatak siya habang nagmamaneho. He's only twenty six years old, and he's not getting married anytime soon. Marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya. Unless, true love will strikes him. Bumalik sa problema ang isip niya. Kailangan niyang makagawa ng paraan, ayaw niya sa babaeng nirereto ng Mommy niya. Kailangan ay may maipakilala siyang girlfriend niya. Pero, sino? "GOOD Afternoon, Ma'am, Sir. May Insurance na po ba kayo? Heto po ang calling card ko." Nakangiting wika ni Laiza sa mga taong dumadaan habang inaabutan niya ng calling card at isang brochure ng Insurance Company nila. Napapasimangot siya kapag nakikita niyang tinatapon lang ng mga ito ang inaabot niya. Para hindi masayang, dinadampot na lang niya iyon. "Hmp! Nakakainis talaga! Puwede naman tanggihan eh, kesa naman kinukuha nga tapos saka itatapon pagtalikod ko! Ang mahal ng pagpapa-print ng calling card at  brochure no!" reklamo niya. "Hoy!" untag sa kanya ng kasamahan niya at kaibigan na si Lea, sabay kalabit sa braso niya. "Sinong kaaway mo?" kunot-noong tanong nito. Umiling siya. "Wala, naiinis lang ako."  "Kanino?" "Eh di sa mga taong tinatapon lang ang calling card at leaflets, nasasayang lang. Minsan, sasabihin pa kalat lang!"  Napangiti lang ito. "Girl, relax ka lang. Masanay ka na, ganyan talaga ang mga iyan. Basta huwag kang magsawa ng kaaabot sa kanila, at huwag mo ng damputin ang mga tinapon nila." Payo pa nito. "Eh sayang naman." "Hayaan mo na, ang office naman ang gumagastos eh." Nagkibit-balikat siya, saka umupo sandali. Ginala ni Laiza ang paningin sa loob ng mall kung saan sila naka-puwesto. Sa dinami-dami ng taong dumaan at nabigyan nila. Sana naman, kahit dalawa ay tawagan siya. Kailangan niyang maka-quota sa araw na iyon. So far, may tatlong kliyente na siya. Kailangan pa niya ng dalawa. Napabuntong-hininga siya, halos maghapon na siyang nakatayo doon. Pagod at gutom na rin siya. Ang tagal naman kasing mag-alas-singko ng hapon para makauwi na siya. "Grabe, bakit ba natatakot ang mga tao sa insurance?" tanong ni Lea sa kanya. "Eh paano kapag sinabing insurance, pakiramdam nila may mangyayari sa kanilang hindi maganda." Sagot niya. "Tama, ang hindi nila alam. Mas maganda nga na may Insurance, para kung ano man ang mangyari, hindi na nila iisipin ang pamilya nila at secured na." sabi pa nito. "Maka-qouta kaya ako ngayon araw?" tanong ni Laiza. "Ewan natin."  "Naku, sana naman. Kailan kaya ako makaka-qouta?"  Marissalen Laiza Garcia. Iyon ang tunay niyang pangalan, sa edad niyang bente kuwatro, halos lahat yata ng trabaho ay pinasok na niya. Service Crew, Merchandiser, Sales Lady at kung anu-ano pa. At ngayon nga, bilang isang Insurance Agent. Mahirap kumita, pero kapag naka-close siya ng deal. Malaki ang bonus niya. Tamang-tama sa pagkain nila sa bahay. Sa ngayon, sa bahay ng kaibigan niyang si Lea siya nakikitira. Samantalang ang mga magulang niya, at apat na mga kapatid niya ay naiwan sa bahay nila sa Bulacan. Tuwing sweldo, nagpapadala na lang siya sa mga ito ng pera. Bilang panganay, siya ang huminto sa pag-aaral noongCollege para tulungan magtrabaho ang mga magulang niya. Para makatapos ang apat pa niyang nakakabatang kapatid. Ang Mama niya ay isang empleyado sa gobyerno, habang ang Papa naman niya ay nagta-trabaho sa isang talyer. Kung hindi nga lang na tatlo ang College na pinapa-aral nila, marahil kasya ang kikitain nilang tatlo para sa pamilya nila. Sa kabila ng hirap sa buhay, maraming bagay ang ipinagpapasalamat ni Laiza sa Diyos. Buo ang Pamilya niya, at masaya sila. "Oh My God! Look who's coming!" biglang tili ni Lea. "Ano ba? Nanggugulat ka eh! Sino ba 'yon?" tanong niya. "Si Wayne Castillo oh!" sagot nito. Pabirong umingos siya. "Sus! Akala ko naman kung sino eh!" aniya. Kunwari'y nagulat ito, saka hindi makapaniwalang tinignan siya ni Lea. "Anong akala mo kung sino? Hindi mo ba siya kilala? Siya si Wayne Castillo, ang pinakasikat na basketball player dito Pilipinas! Youngest Businessman at isa sa mga guwapong owner ng Mondejar Cars Incorporated!" "Oo, alam ko. Kilala ko 'yan! Eh ano nga kung nandiyan siya?" balewalang sagot niya. "Eh di makakasilay ulit ako sa kanya," Napailing si Laiza, saka tinignan ang lalaking tinutukoy ng kaibigan niya. Sa tapat ng booth nila ay ang Mr. Big's SportsCenter, ang sports shop na pag-aari nito. Sa loob ng ilang linggo nilang paglagi sa puwesto nilang iyon. Hindi lalagpas ng limang beses na nakita niya itong pumunta doon, ayon kay Lea na number one fan nito. Marami daw kasing pinagkakaabalahan ang taong iyon bukod sa career nito sa basketball. "Ano bang nagustuhan mo sa kanya?"  "Ano ka ba, Marissalen? Bulag? Hindi pa ba obvious kung anong gusto ko sa kanya?" "Na guwapo siya? Basketball Player? Mayaman? For sure, maraming babae 'yan!"  "At paano ka naman nakakasiguro?" Nagkibit-balikat siya. "Lea, sikat 'yan! Obvious bang halos habulin siya ng ibang mga babae. Imposibleng wala siyang magustuhan sa mga 'yan!" "Grabe ka, manhid ka ba? Don't tell me, hindi ka attracted sa kanya?"  Binalik niya ang tingin sa katapat na shop. Naroon nakatayo sa counter habang kausap ang isang tauhan nito si Wayne Castillo. "Well, guwapo siya, at talagang malakas ang dating."  "Wala kang nararamdaman sa kanya? Kahit crush lang?"  Tinignan niya ang kaibigan at ngumisi siya dito. "Meron, may nararamdaman ako para sa kanya. Nae-excite ako. Magiging masaya ako. As in magiging masaya ako kapag kumuha siya ng Insurance sa akin, sa ganoong paraan, baka sakaling magustuhan ko siya."  Hindi na nakakibo si Lea nang basta na lang siya naglakad papunta sa loob ng Shop nito. "Hoy, Laiza! Bumalik ka dito, hoy!"  Lumingon siya dito, ngunit nginisian lang niya ito. Pagdating niya sa loob, nagkunwari siyang tumitingin sa mga items na naka-display doon. Habang panaka-naka siyang sumusulayap dito. Aaminin niya, guwapo ito mula doon sa pwesto nila sa booth. Pero hindi niya akalain na mas guwapo ito kapag medyo mas malapit. Huminga siya ng malalim, saka niya hinanda ang sarili sa pagse-sales talk dito. Kailangan galingan niya ang pagse-sales talk, para kumuha ito ng insurance. Tumikhim pa siya, saka niya nilapitan ito. "Excuse me, Sir. Good Afternoon!" bati pa niya dito ng naka-ngiti. "Hi, what can we do for you?" magiliw na tanong nito sa kanya, saka ito ngumiti din sa kanya. May kung anong sumikdo sa dibdib niya ng masilayan niya ang mga ngiti nito, at nang magtama ang mga mata nila. Bigla siyang natulala dito. Ang guwapo pala niya lalo sa malapitan. Aniya sa sarili. "Miss, are you okay?" nagtataka nang tanong nito. Napakurap siya, saka mabilis na tumikhim. Huminga siya ng malalim, saka muling pinaskil ang matamis na ngiti niya dito. Ngumiti na rin ulit ito sa kanya. "Sir, I'm Laiza Garcia from... Aray!" Hindi na niya natapos ang introduction niya ng mula sa kung saan ay may lumipad ang bola na pang-basketball at tumalbog iyon sa ulo niya. Kasabay ng pagtilapon ng cellphone niya at nawalan siya ng balanse. Sa isang iglap, biglang umikot ang paningin niya. Dahilan upang mawalan siya ng balanse, mapaupo sa sahig at tuluyang mahilo. Agad na dinaluhan siya ng mga staff ng shop at maging ni Wayne. "Sino ba 'yong tinamaan ng lintik na nagbato sa akin?" naiinis at nahihilo pang tanong niya. "Hala! Ang cellphone ko!" naalala niyang hiyaw. Kahit umiikot pa ang paningin, isa-isa niyang dinampot ang nagkahi-hiwalay na parte na nagkalat sa sahig. "Ang cellphone ko, may taning na nga ang buhay nito eh. Lalo pang pinadali. Tsk!" halos naiiyak na reklamo niya. "Naku Miss, sorry. Sorry talaga, 'yung anak ko 'yon. Napakalikot kasi nito eh, pasensiya ka na talaga." Hinging-paumanhin ng Nanay ng bata. Tumango na lang siya. "Okay lang, paki-posas na lang po ang kamay niya para hindi kung anu-ano ang binabato."  "Miss, are you okay? Nahihilo ka ba?"  Kumukurap-kurap pa siya. Saka niya pinilig ang ulo, nasapo niya iyon. "'Yong totoo, si tweety bird ba 'yung nakikita kong lumilipad o Angry Birds? Huuu! Naalog ang utak ko ah!"  Natawa ang ibang mga staff. "Miss, I said, are you okay?" tanong ulit ni Wayne. Nang tignan niya ito, sa kabila ng pag-ikot ng paningin niya, nabanaag niya ang pag-aalala sa mukha nito. Oha! Epic! Sikat na basketball player, nag-aalala sa akin! Sabi pa niya sa sarili, na dahilan para ngumiti siya ulit. "Oo, okay lang ako. Gumulong lang ang utak ko."  Nang tatayo na siya, inalalayan pa siya nito. Pero dahil hilo pa rin siya, muli na naman na-out of balance si Laiza. Ngunit sa pagkakataon na ito, hindi na siya sinalo ng sahig, bagkus ay ang mga bisig ni Wayne. "You're still not in good shape, I think you should rest."  Napatingala siya dito. Nang salubungin nito ang tingin niya, doon dumagundong ng husto ang puso niya. Hindi niya magawang alisin ang tingin sa mga mata nito. He has charcoal gray eyes. But there's something in his eyes that she couldn't explain. At bakit kailangan bumilis ng husto ang t***k ng puso niya para dito? Hindi niya ito kilala, at ngayon lang niya nakaharap ito. Wala silang personal o kahit na anong kaugnayan. Ngunit kung meron siyang napatunayan. Iyon ang pagiging guwapo nito. Nakaka-relax habang tinititigan siya ng singkit na mga mata nito. Parang gusto din niyang padaanin ang daliri niya sa matangos na ilong nito. At ang mga labi nito, parang sadyang mapula. Nakaramdam siya ng pagkailang ng mapansin niyang hapit siya nito sa matipunong dibdib nito. Saka mabilis na sinakop ng mabangong amoy nito ang ilong niya. Wala sa loob na nilanghap niya ito. Ang bango naman ni Papa Wayne! Sabi pa niya sa sarili. "Miss?"  "H-ha? Oo, o-okay, lang...ako." Kandautal na sabi niya. "No, stay here." Giit nito. Pagkatapos ay may kinuha ito sa bag nito, isang mineral water bottle saka inabot ito sa kanya. "That's mine, pansamantala, iyan muna ang inumin mo. Habang hinihintay mo ang pinabili ko coffee para mahimasmasan ka."  Hindi na siya nakakibo. Sino ba itong tao na ito? Ngayon lang siya nito nakilala, pero ganoon na lang ang concern nito sa kanya. "Hindi na, okay lang ako."  "I insist, responsibilidad kita. Nandito ka sa Shop ko nang mangyari sa'yo 'yan. So, I felt responsible. Now, drink this."  Tumango na lamang siya. Bago siya uminom doon, napahinto siya at napatitig sa rim ng bote. Obvious na bawas na ang tubig, siguradong uminom na ito doon. Para ko na rin pala siyang hinalikan! Sabi pa niya sa isip niya, saka lihim na napangiti. Nang uminom siya, pakiramdam ni Laiza, iyon na ang pinakamasarap na mineral water na natikman niya. "So, ano nga ulit ang sinasabi mo kanina bago ka mabato ng bola?" Bumalik ang ngiti niya sa labi, sabay abot ng brochure at calling card. "Baka gusto n'yo ng Insurance?" nakangising tanong niya dito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
901.6K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
612.5K
bc

Taz Ezra Westaria

read
108.5K
bc

Faithfully

read
269.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
6.3K
bc

OWNED BY THE BILLIONAIRE'S BODYGUARD: MATTHEW MONDRAGON

read
65.5K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
52.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook