Chapter One
NAALIMPUNGATAN si Karl nang marinig niya ang malakas na tawanan at kuwentuhan mula sa labas ng kanyang silid. Pero dahil inaantok pa, tinakpan niya ng unan ang tenga niya, pero naririnig pa rin niya ang ingay sa labas. Bumalikwas siya ng bangon, saka umiling at huminga ng malalim. Mukhang wala na siyang choice kung hindi ang bumangon ng maaga.
Bago tuluyang bumaba ng kama, umusal muna siya ng saglit na panalangin ng pasasalamat. Pagkatapos ay dumiretso ng pasok sa banyo. Nang matapos na niya ang lahat ng dapat gawin ay lumabas na siya at nagtungo sa Dining Area. Naglingunan sa kanya ang mga pinsan niya.
"Good Morning, 'cous!" magiliw na bati sa kanya ng pinsan niyang si Marisse.
Parang bata na ginulo niya ang buhok nito. "Good Morning!" bati rin niya dito.
"Mukhang tinanghali ka yata ng gising ngayon, apo. Anong oras ka na ba nakauwi?" tanong ng Lola Dadang niya.
"Alas-kuwatro na po. Nag-inventory kasi kami kanina."
"Aba Karl, nawiwili ka ng uuwi ng umaga. Hindi na wasto ang pagtulog mo. Baka mamaya naman eh ma-anemic ka niyan," sabi pa ng Lola niya na may halong pag-aalala.
Napangiti siya. Lumapit siya dito saka niyakap ito mula sa likod. "Lola, you worry too much about me. Malaking tao ako para tamaan ng Anemic na 'yan."
Hinampas siya nito sa braso. "Naku eh, tigilan mo nga ako ng katwiran mong iyan!"
"Naku Lola, huwag kayong magpapaniwala diyan. Baka may kasamang babae lang 'yan," sabad naman sa usapan ni Wesley.
"Hoy! Wala ah!" mabilis na sagot niya.
"Obvious ka naman masyado, defensive!" sabi naman ni Mark.
"Hindi ako defensive, nagsasabi lang ako ng totoo."
"Karl, alam kong magagandang lalaki ang mga lahi natin. Pero kailangan mong tandaan na ang mga babae hindi 'yan laruan. You're enjoying too much, Apo," paalala ni Lolo Badong.
"Oh my, Grandpa! I super agree with you," sang-ayon naman ni Marisse.
"Lolo, hindi ko naman po pinaglalaruan ang mga babae. Nagkataon lang po talaga na marami na akong nai-date."
"Kapag nakita mo na ang babaeng nakalaan para sa'yo. Hinding hindi ka na titingin pa sa iba. Remember that," sabi naman ng kakambal ni Marisse na si Marvin.
"Alright, alright. I'll keep that in mind." Pagkatapos ay naupo na siya sa puwesto niya doon sa harap ng dining table. Saka naman biglang nagdatingan ang iba pa nilang mga pinsan.
Nagkatinginan sila ng kumuha ang mga ito ng kanya kanyang pinggan. "Bakit kayo nandito? Wala bang mga pinggan sa bahay n'yo?" pagbibirong tanong pa niya sa mga ito.
"Makikikain kami ng almusal," sagot ni Daryl.
"Ang yayaman n'yo, lalo na ikaw. Anak ka ng Senador, tapos dadayo ka dito para makikain."
"Mas masarap kasi magluto si Inday," sabi naman ni Jester.
Nang tingnan nila ang butihin nilang kasambahay ay nakangiti ito. "Dakal a Salamat," sagot nito habang parang kinikilig pa.
"Alay ta ne!" sagot naman ni Jester, na ang ibig sabihin ay 'Wala 'yon no'.
"Tama si Jester. Masarap kang magluto, mabuti na lang at naituro ni Sumi sa'yo 'yung mga recipes niya," sabi pa ni Kevin.
"That's why I'm so proud of Sumi !" pagmamalaki pa ni Miguel.
"Balu ku malagu ku!" sagot naman ni Inday. Ang ibig sabihin ng sinabi nito ay 'Alam ko maganda ako.'
Kumunot ang noo ni Lola Dadang. "Naku eh, nangarap ka na naman na bata ka!"
"Sabi ku manyaman magluto ali malagu!" sabi ulit ni Jester, na ang ibig sabihin ay 'Ang sabi ko masarap magluto hindi maganda!'.
Kunwari'y nagtampo ito at nag-walk out. Dahil kilala naman nilang maloko ang kasambahay nilang iyon, kaya tinawanan lang nila ito.
"Teka nga, maiba tayo ng usapan," ani Gogoy, pagkatapos ay binalingan nito ang pinsan niyang si Mark. "Kumusta na pala ang raffle promo natin?"
Lumapad ang ngiti nito. "It was a success! Marami ang sumali sa promo natin. And let me remind you, malapit na ang raffle. May nanalo na ng Volvo!" sabi pa nito.
"Pwede bang akin na lang ang Volvo? I'll pay you!" singit ni Jefti.
"Prosche Cayenne na kotse mo, gusto mo pang mag-Volvo! I object!" protesta agad ni Marisse.
"Eh kung ako na lang kaya ang bumili," sabi pa ni Glenn.
"Tigilan n'yo! Huwag n'yo nang pag-interesan ang Volvo!" saway ni Gogoy sa mga pinsan.
"So, kailan ang raffle promo?" tanong ni Wayne.
"In two weeks," sagot ni Mark.
"Hala, magsikain na kung kakain. Mamaya na 'yang daldalan. Ako'y mauuna na at maliligo pa ako," saway at paalam ni Lola Dadang.
"Dadang, ako nang magpapaligo sa'yo mahal ko," paglalambing ni Lolo Badong dito.
"Susmaryosep ka, Badong! Hindi ka na nahiya sa mga apo mo! Tumahimik ka nga diyan!" saway naman ni sa asawa. Pero hindi ito nakinig, bagkus ay sinundan pa rin nito ang asawa. Napailing si Karl. Natutuwa siya sa Lolo at Lola niya, sa kabila ng mahabang taon ng pagsasama. Hindi nawala ang pagmamahal nito sa isa't isa. Minsan nga, iniisip nila. Sa sobrang sweetness ng dalawa, mabuti at hindi na nasundan ang mga Mommy nila. Napangiti siya, imposible na kasing mangyari iyon.
Napalingon siya ng biglang magsalita si Marisse. "Ilan na lang ba sa inyo ang walang love life?" biglang tanong nito, pagkatapos ay tinuro silang tatlo ni Wesley at Gogoy.
"Tatlo na lang, wala ba kayong balak magkaroon ng girlfriend?" usisa pa nito.
"Bakit naman napunta sa amin ang usapan?" nagtatakang tanong niya.
"Eh ano naman gusto mong pag-usapan natin? Yung sa amin? Eh may mga mahal na kami," sabi naman ni Kevin, sabay hawak sa kamay ni Marisse.
"Don't invade our privacy," seryosong sabi ni Gogoy.
"Mawalang galang na nga po, pinuno. But there's no privacy to invade. Wala ka ngang girlfriend eh!" walang prenong sagot ni Wesley.
Hindi sumagot si Gogoy, nakita niyang nagtagis ang bagang nito, pagkatapos ay tiningnan nito ng masama si Wesley. Nagulat pa sila ng bigla padabog itong tumayo.
"Lagot ka Wesley!" pananakot pa ni Daryl.
"Bugbugin na 'yan! Bugbugin na 'yan!" pang-aasar pa lalo nila Miguel, Marvin at Jester.
"Hey, it's just a joke!" biglang bawi ni Wesley.
"Teka, eh bakit ka naman magagalit? Eh wala ka naman talagang love life?" sabad pa niya sa usapan. Sa kanya naman nabaling ang masamang tingin ni Gogoy. Nagulat pa siya ng biglang takpan ni Marisse ang bibig niya.
"Ah, ha ha! Go, Mister CEO. You can walk out if you want. Hindi mo kailangan intindihin ang sinasabi ng dalawang bakulaw na 'to!" sabi naman nito.
Iyon naman ang ginawa ni Gogoy, nag-walk ito nang nakasimangot. Nang makalabas na ito ng bahay, nagulat siya ng bigla silang pinektusan ni Marisse.
"Aray ko! Masakit 'yon ah!" reklamo ni Wesley.
"Gusto mong ibitin kita ng patiwarik sa bintana! Bakit mo ako pinektusan?" banta pa niya dito.
"Eh napaka-insensitive n'yo kasi! Alam mo naman sensitive si Gogoy pagdating sa usapang love life!" sabi pa nito.
"Ikaw kaya ang nagsimula ng usapan na 'yan," sabi pa ni Glenn.
"Oo nga! Pero hindi ko sinabing pagtripan si pinuno," depensa ni Marisse sa sarili.
"Ikaw Karl? Kailan mo planong mag-asawa?" tanong pa ni Jester sa kanya.
Napalingon siya sa tanong nito, saka tumawa siya ng pagak. "Seriously, you're asking me that question?"
Napailing si Jester. "You should believe in love. It exist," sagot nito sa kanya.
"Love? Not for me."
"Isang araw, Karl. Love will strike you. At kapag dumating na ang araw na iyon. Hindi mo iyon matatakasan," sabi pa ni Miguel sa kanya.
"Malay mo, 'yung babaeng bagong makikilala mo ngayon. Siya na ang mamahalin mo," sabi naman ni Daryl.
Umiling siya. "Tigilan n'yo ako sa usapan tungkol sa pagmamahal na iyon. Fall in love for all you want. But not me, besides, why me? Hindi ba si Mark at Kim ang taya sa taguan noong nakaraang linggo?"
"Sus, iyan? Eh kahit naman hindi mataya sa taguan 'yan matagal ng in love 'yan," pambubuking pa ni Marisse.
"Wait, bakit tatlo lang silang binilang mo? Wala pa rin akong love life."
"Weh? Ikaw? Walang love life? Eh anong tawag mo kay Kim?" tanong ni Kevin na may halong panunudyo.
"Hindi ko siya gusto!" mabilis na sagot nito.
"Pengkum ka oy! Lokohin mo pa kilikili ko!" pambabara ni Marisse dito.
"Ang sabi ng isip ko'y ayaw. Ngunit ang sabi naman ng puso ko'y siya ang mahal," dagdag pa ni Wayne, na nagboses bading.
Napuno ng malakas na tawanan ang buong Dining Area. Napailing siya sa kakulitan ng mga ito. Natigil lang ang masayang usapan nilang dumating si Inday.
"Karl, may magpapahugas ng kotse! Tatlo." sabi nito.
"That's enough, trabaho na." aniya sa mga ito. Inubos lang niya ang kape sa tasa niya, saka agad na sumunod sa ibaba.
Karl January Servillon. The man behind the success of Lolo Badong's Hugas Kotse Gang. Nang maisip itong itayo ni Lolo Badong, siya ang naging punong abala. Bukod sa pagma-manage ng Carwash nila. He owns the famous The Groove Bar. So far, he already has two more branches within Makati and Quezon City. Sa dalawang branches na iyon, partner niya ang ibang pinsan niya. Sila Marvin, Daryl at Wesley. Bukod doon, share holder din siya sa Mondejar Cars Incorporated. At the age of twenty eight, he's already a successful businessman. Sabi nga ng parents niya, maaari na daw siyang mag-asawa. Pero wala pa iyon sa isip niya. No. Wala iyon sa isip niya.
Love and marriage are not his thing. He doesn't even believe in both. Naniniwala siya na may hangganan ang lahat ng relasyon. Because that what's happened to his parents. He was still in highschool when they got separated. Nahuli kasi ng Mommy niya ang Daddy niya na may ibang babae. Nagpunta ang Daddy niya sa America at doon muli itong nakapag-asawa. Habang ang Mommy naman niya ay nasa Australia ngayon at may asawa na rin. So, may mga half siblings siya sa magkabilang side. Natatandaan pa niya. Pinag-aagawan siya noon ng parents niya, pero wala siyang sinamahan sa mga ito. Sa halip, mas pinili niyang manatili sa pangangalaga ng Lolo At Lola niya. Hindi naman nagkulang ang mga magulang niya sa pagsuporta sa kanya pagdating sa pinansyal na aspeto. Pero kung siya ang tatanungin, mas kailangan niya ang presensiya at gabay nito bilang mga magulang niya.
Pero nakaraan na iyon. Ngayon na malaki na siya at nasa tamang edad na, nasanay na siyang mabuhay ng wala ang mga ito. Kaya simula noon, pinangako niya sa sarili niyang hindi siya mai-in love. Hindi siya maniniwala sa kasal, dahil sa kabila ng lahat, magkakahiwalay din lahat ng mga magkakapareha. He will stay single for as long as he wants. Go in a relationship minus love, and then break up after a few months. Alam naman niyang marami na siyang nasaktan. Pero hindi ba? Ganoon naman talaga ang buhay? Lahat tayo nasasaktan. Lahat tayo nabibigo.
"CONGRATULATIONS, Miss Reyes. Tanggap ka na." nakangiting wika ng Manager ng Bar na in-applyan niya.
Umabot hanggang batok ang pagkakangiti ni Chaia. Hindi niya akalain na sa dinami-dami ng in-applayan niya. Doon siya matatanggap sa pinakasikat na Bar. Ang balita pa niya, puro mga kolehiyala at mga kilalang personalidad ang madalas pumunta sa Bar na iyon.
"Thank you so much, Ma'am. Promise po, I'll be the best Bartender ever!" masayang sagot niya.
Nakangiting tumango ito. "I'll expect that. And please call me, Miss Anne." Anito.
Tumango siya. "Sige po, Miss Anne."
"So, I'll see you tomorrow?" tanong pa nito.
"Opo. Hindi po ako magpapalate!" mabilis niyang sagot.
Paglabas niya ng Bar, hindi niya napigilan ang mapasigaw sa tuwa. "Yes! Thank you, Lord!" sigaw niya, sabay taas ng dalawang kamay.
Napalingon sa kanya ang mga nasa paligid ng Bar. Hindi niya inalintana ito, bagkus, ay ngumiti pa siya sa kanila at kumaway. Kung mga empleyado din ito ng The Groove. Makakasama niya ang mga ito. Agad siyang umuwi sa kanila para masabi sa Mama niya ang magandang balita.
"Mama!" malakas na tawag niya dito kahit nasa labas pa siya ng bahay. Humahangos na lumabas ang Mama niya, agad niyang sinalubong ito ng mahigpit na yakap.
"Naku, eh bakit? Anong nangyari, ha? Ayos ka lang ba, anak?" tanong pa ng Mama niya, na may himig ng pag-aalala.
"Mama, okay lang po ako. May maganda po akong balita sa inyo."
"Talaga? Ano naman 'yon?"
"May trabaho na po ako! Doon sa Bar na sinasabi ko pong puntahan ng mga kilalang tao! Doon ako magta-trabaho!" masayang sagot niya.
Malapad na ngumiti ang Mama niya, saka siya niyakap. "Naku anak, magandang balita nga iyan!" anito.
"Sa wakas, Ma. Makakatulong na rin po ako sa mga gastusin dito sa bahay!" sabi pa niya.
"Hay, huwag mong isipin 'yon. Ang mahalaga kikita ka na rin para sa sarili mo."
Niyakap niya ng mahigpit ang Mama niya. "Thank you, Ma," naluluhang wika niya.
Marami ng pinagdaanan sa buhay si Chaia. Hindi nga niya lubos maisip kung paano niya nalagpasan iyon. Nakatawid siya ng pag-aaral ng dahil sa sariling sikap at kaunting tulong mula sa Mama Fe niya. Himala nga kung maituturing ang nangyaring iyon. Pero kung mayroon man siyang dapat ipagpasalamat, iyon ay ang binigyan siya ng mabait at mapagmahal na pangalawang Ina.
Ang tunay na Mama niya ay matagal ng pumanaw. Baby pa lang daw siya ay wala na ito. Makalipas ng ilang taon, nag-asawa ulit ang Papa niya. Iyon nga ang kinagisnan na niyang Ina, ang Mama Fe niya. Ito na halos ang nagpalaki sa kanya, wala siyang masabi dahil tinuring siyang tunay na anak nito. Kaya mahal na mahal niya ito. May isa din siyang kapatid, ang Ate Macy niya. Anak ito ng Mama Fe niya sa unang asawa nito. Ngunit kabaligtaran ng Mama nila, mabigat ang loob nito sa kanya. Ramdam niya noon pa man, na ayaw nito sa kanya. Ayaw nitong nag-asawa ulit ang Mama nito. Madalas itong nagagalit sa kanya sa kung anu-anong dahilan. Ngunit hindi niya ito pinapatulan, dahil kahit na ganoon ito. Mataas pa rin ang respeto niya dito, isa pa, mahal niya ito. Sana lang, makita nito iyon. Kahit na alam niyang mahal siya ng kinagisnang ina, hindi pa rin lubos ang kasiyahan niya dahil wala na rin ang Papa niya. Namatay ito dalawang taon na ang nakakalipas dahil sa sakit sa puso. Simula noon, mas naging madilim na ang buhay para sa kanya.
"Mama, salamat po ha? Kasi pinag-aral n'yo po ako ng College kahit mahirap para sa inyo." Sabi niya dito.
Ngumiti ito sa kanya. "Ano ba naman iyang sinasabi mo? Anak kita, tungkulin ko 'yon bilang Nanay mo."
Hotel and Restaurant Management ang kursong tinapos ni Chaia, pero gusto niyang mag-focus sa Bartending. Kaya nang makatapos siya, ay agad siyang nag-trabaho. Nang makaipon siya, kumuha siya ng special course para sa Bartending. Pinag-aralan niya pati ang Flair Bartending, o iyong paghahagis ng mga bote ng alak at shakers na siyang gamit sa pagmi-mix ng alak.
"Galingan mo sa bagong trabaho mo, ha?" anang Mama niya.
"Siyempre naman po. Fighting!" nakangiting sabi pa niya, saka tinaas ang isang kamao niya.
"Ano naman ibig sabihin no'n?" tanong nito.
Tumawa siya. "Mama, ibig sabihin po no'n. I'll do my best or goodluck."
Naputol ang tawanan nilang mag-ina ng lumabas ang Ate Macy niya. "Bakit ba ang ingay mo, Chaia? Nakakairita 'yang boses mo ah!" paangil na sita nito sa kanya.
Natahimik siya, saka sila nagkatinginan ng Mama niya. Ito ang nagsalita para sa kanya. "Naku, anak. Alam mo ba? Natanggap si Chaia doon sa ina-applayan niya." Sabi ng Mama niya dito.
Imbes na matuwa ay tinaasan pa siya ng kilay nito saka umirap sa kanya. "Pakialam ko naman diyan!" sagot nito. "Alis na nga ako, baka mahuli pa ako sa trabaho."
Pagdating nito sa tapat niya. "Umalis ka nga diyan sa daanan ko, palagi ka na lang nakaharang sa buhay ko. Kailan ka kaya mawawala? Peste ka!" pabulong ngunit mariin nitong sabi sa kanya.
"Ate..."
Hindi na nito hinintay pang makasagot siya, basta na lang itong umalis. Sadya pa siyang nitong binangga sa balikat.
"Huwag mo nang intindihin ang Ate mo. Para naman hindi mo kilala 'yan. Pagod kasi palagi sa trabaho niya."
Tumango na lang siya. Kahit na sa kaloob-looban ay sadyang nasasaktan na siya. Huminga ng malalim si Chaia, hindi bale, iyon na ang simula ng pagbabago ng buhay nila. Kapag nakaipon ulit siya, kusa na siyang aalis sa bahay na iyon. Masyado nang maliit ang mundo para sa kanilang dalawa ng Ate niya. Ayaw man niyang iwan ang Mama niya. Ngunit wala siyang ibang mapagpipilian.
Bigla lang niyang naisip. Kailan kaya darating ang taong magbibigay ng bagong kahulugan sa buhay niya. Ang magpaparamdam sa kanya na may kabuluhan siya sa mundong ito. Na karapat-dapat din siyang mahalin.