bc

Rendezvous

book_age18+
1.9K
FOLLOW
7.6K
READ
second chance
self-improved
CEO
drama
sweet
bxg
office/work place
office lady
gorgeous
Neglected
like
intro-logo
Blurb

Hiraya found himself sad and alone after their youngest sibling got married. Nang malaman ng bunsong kapatid na si Yumi ang kanyang pinagdaraanan. She set him up on a blind date. And to his surprise, ang dumating nang gabing iyon ay walang iba kung hindi si Samantha, ang kanyang ex-girlfriend noong College na huli niyang nakita fifteen years ago. Ang unang date ay nasundan pa ng isa hanggang umabot sa apat na beses. Hanggang isang araw ay isang katotohanan ang nalaman ni Hiraya, he had no idea that months after they broke up, Sam found out that she's pregnant and he is the father of her child.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“CONGRATULATIONS.” Ngumiti si Hiraya sa kaharap. “Thanks, congrats to you too.” Pinagmasdan niya ang magandang mukha ni Samantha. Naroon sila sa bell tower ng chapel na matatagpuan sa loob ng kanilang campus. Nakatayo sila ng magkatabi habang nakatanaw sa ibaba ng university campus kung saan maraming tao dahil sa katatapos lang na graduation ceremony nila. And they escaped the crowd for a while to have some time alone with each other. They’ve been dating for a year now. But unlike any other couple, their relationship has an expiration date. “Ano nang plano mo?” tanong sa kanya ni Sam. “’Yon pa rin, magtatayo ako ng sarili kong online game company. Gusto ko mag-invest sa family business namin para yumaman ako!” Natawa si Sam at napailing. “Mayaman na kayo, ‘di ba?” “Daddy ko lang ang mayaman, hindi ako. Mas gusto ko pa rin na ‘yong pera ko, galing sa sarili kong sikap. Iyan ang palaging sinasabi ni Dad sa amin noon pa. That’s why he’s always telling us to study hard. Kahit na maayos ang kabuhayan namin, it doesn’t mean we have the reason to be lazy,” sagot niya sabay lingon sa dalaga. “Iyan ang isa sa gusto ko sa’yo, ‘yong mindset mo.” “Eh ikaw? Anong plano mo?” tanong din ni Hiraya. “Well, tutulong ako sa family business. Wala naman ibang magmamana no’n kung hindi ako lang.” Huminga ng malalim si Hiraya at humarap kay Sam. “So, paano?” Ngumiti sa kanya si Sam. “This is it. We’ve talked about this already, right?” Marahan siyang tumango. Muli siyang ngumiti kay Sam, pilit na tinatago ang munting kirot at panghihinayang na kanyang nararamdaman. Pero ang napag-usapan ay napag-usapan. Kailangan nilang sundin at tuparin. Hindi naman kaila sa kanilang dalawa na pumasok sila sa relasyon na iyon para maging trophy girlfriend/boyfriend lang ang isa’t isa. They both knew each other and belong on the same circle of friends, kaya naging magkaibigan na rin sila kalaunan. Madalas silang pine-pair sa isa’t isa. Minsan na silang sumali sa Mr. & Ms. University, pareho silang nanalo ng grand prize kaya mas lalo silang nakilala sa buong campus. Nag-umpisa ang lahat sa biruan, to date each other for the sake of their image, para lang pagbigyan ang pantasya ng mga ito. Wala naman problema sa kanila dahil magkasundo naman sila halos sa lahat ng bagay. Hanggang ang biruan ay nauwi sa totohanan. Hiraya and Sam dated. They go on dates. They did what other ordinary couples do. Kung may hindi sila inaasahan ay magtatagal ang relasyon na iyon. Ngunit kasama sa naging usapan nila na pagdating ng graduation ay maghihiwalay sila. Hiraya wants to take back what he promised. He wants to keep her instead. His pride kept him from confessing that for the past one year, natutunan na niyang mahalin ito. Sam turned out to be his first love. Pero ngayon tinititigan niya ito, mukhang wala naman itong balak na pigilan ang plano nila. But of course, for Sam, what they had is just for fun. Kilala niya ito, si Sam ang tipo ng babae na hindi sentimental. Kapag sinabi niyang huwag na nilang ituloy ang paghihiwalay at gawin seryoso na ang relasyon nila, baka tawanan lang siya nito. “Are you really sure about this?” tanong pa niya. Nakangiti itong tumango. “Yes.” Huminga na naman siya ng malalim. “Okay. If that’s what you want.” Matagal bago nakasagot si Sam. Mayamaya ay ngumiti ito. “Siguro naman magkikita pa tayo,” sabi pa nito. “For sure, pareho tayong papasok sa business world.” Tumango-tango ito. “Salamat sa lahat, Aya. I won’t lie, you are probably, the best boyfriend I had so far,” pag-amin ni Sam. “Thanks.” “Bye, Aya.” “Bye, Sam.” Bago umalis ang dalaga ay lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa labi. Pagkatapos ay hindi na lumingon pa at tuluyan siyang iniwan. Tumalikod si Hiraya at lihim na pinahid ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. “I’M SORRY… I… I don’t know what’s happening to me,” nahihiyang sabi ni Hiraya. Ngumiti lang sa kanya si Lana at bumangon mula sa kama. “It’s okay. Kanina ko pa rin nahalata na parang wala ka sa sarili mo, wala ka sa mood.” Marahas siyang bumuntong-hininga at binagsak ang ulo sa unan. Lana is a very close friend, nagkakilala sila sa isang business conference. Nagkasundo at nagkapalagayan ng loob. Gaya niya, hindi ito handa sa seryosong relasyon. Gaya rin niya ay ang kailangan lang nito ay isang makakapagbigay ng pangangailangan ng katawan nito. They been friends with benefits for the past six months. So far, so good. Sa bawat pagtatalik niya ay satisfied naman siya. But lately, Hiraya started to feel empty and s*x can no longer patch that hole inside him. Kasama na doon ang pag-iisip niya sa nangyayari sa kanyang mga kapatid. His siblings are now all married. Katatapos lang ng kasal ng bunso nilang si Yumi. And that means, he’s now left alone on their mansion. Kapag pinagmamalaki niya sa mga kapatid na masaya siya na solo na niya ang bahay. It’s just plain bluff. Nang-aasar lang siya, pero ang totoo, malungkot siya. Sa tuwing umuuwi siya ng bahay, wala na ang maiingay niyang mga kapatid na sumasalubong sa kanya. Lately, kung hindi dilim ay mga kasambahay na lang ang sumasalubong sa kanya. Lalo lang nadagdagan ang kanyang lungkot nang kamakailan ay nagpaalam ang Daddy nila na sa Zambales na maglalagi. May nabili kasi ang ama na maliit na farm doon, malapit sa farm na pagmamay-ari ni Lia, ang isa sa kapatid niya at ng asawa nito. Nagustuhan ng Daddy nila ang buhay probinsiya at doon daw ito bagay. Kaya tuloy ay lalo siyang nabalot ng kalungkutan. “Sorry, babawi na lang ako.” Marahan itong natawa. Sinundan niya ito ng tingin nang damputin nito ang mga damit. Pero nagtaka siya nang magbihis ito. “Sandali, aalis ka na?” “I have to go.” “Lana, wait…” Naupo ito sa gilid ng kama matapos magbihis at ngumiti sa kanya. “This is the last time we will meet like this,” sabi nito. “What do you mean?” nagtatakang tanong niya. “I can’t do this with you anymore.” Napabangon ng wala sa oras si Hiraya. “Bakit naman? May nagawa ba ako? Is it because of—” “No, don’t get me wrong. This is not about you. Wala kang ginawa. It’s because I’m in love, remember Greg? Iyong kinukwento ko na kaibigan ko na mabait pero palagi ko naman kaaway. I realized that I like him. He actually asked me out and waiting for my answer. Sabi ko, may kailangan lang akong i-settle.” “And that’s me?” tanong niya. Natatawa na tumango ito. “Akala ko ba ayaw mo ng seryosong relasyon?” “Akala ko rin, pero iba pala kapag naramdaman mo na. Kahit anong tanggi mo o iwas mo, hindi ka makakawala. I don’t want to miss this chance. Gusto ko rin maramdaman na ako naman ang minamahal. And if I’m going to start new with Greg, I don’t want any setback from my past.” Bumuntong-hininga si Hiraya. “Sorry, hindi ko naiparamdam iyon sa’yo.” She rolled her eyes. “Hindi uso sa atin ‘yon, Hiraya. Nagkasundo tayo dahil pareho natin kailangan ang isa’t isa sa kama. Malinaw sa akin ‘yon.” “Kung alam ko lang na ito na pala ang huli, ginalingan ko sana. At least aalis kang hindi bitin. Nagkataon pa na wala sa mood si Junior eh.” Humagalpak ng tawa si Lana. “Gago ka talaga kahit kelan!” “Eh siya? Mahal ka ba niya?” mayamaya ay tanong na naman niya. Ngumiti ulit si Lana at tumango. “Yes,” sagot nito. Kita ni Hiraya ang kakaibang saya at kislap sa mga mata nito. “And to be honest, when we started later, I didn’t feel good doing it anymore.” Ngumiti si Hiraya at saka tumango. “And who am I to stop you.” “Thank you, Hiraya.” “But we’re still friends, right?” tanong pa niya. “Oo naman.” “Don’t tell him about me, baka ako pa maging dahilan ng away n’yo. Konsensiya ko pa,” biro niya. Natawa si Lana. Ngunit mayamaya ay hinawakan siya nito sa kamay. “I just want you to know that you are a great and amazing man, Aya. I really enjoyed every moment I had with you. Alam ko darating din ang babaeng mamahalin mo. At kung sino man siya, napaka-suwerte niya.” “Thanks, Lana. Greg is a lucky bastard.” Tumawa ito at tumayo saka kinuha ang bag. “Bye, Aya.” “Bye.” Nang maiwan siya sa loob ng hotel room ay binagsak na naman niya ang sarili sa kama at tumitig sa salamin. “Mag-isa ka na naman, Aya.” NAPABUNTONG-HININGA na lang si Hiraya pagpasok niya sa bahay ng kakambal na si Himig. Kunot-noo naman siyang sinundan ng tingin ng mga kapatid. “Toto Aya!” masayang salubong sa kanya ng tatlong taon gulang na pamangkin na lalaki at anak ng kakambal niya. “Hey!” aniya saka agad na binuhat ito pagkatapos ay pinupog ng halik ito sa leeg kaya malakas itong tumawa ng tumawa. Pagkatapos ay nakipaghabulan siya dito. Matapos makipaglaro sa pamangkin ay saka siya naupo sa tapat ng dining table kung saan naroon ang kanyang kakambal at asawa nitong si Anne, maging si Yumi at ang asawa nitong si Carlo. “Oh, ba’t ganyan ang mukha mo?” nagtatakang tanong sa kanya ni Yumi. “Wala,” walang gana na sagot niya. “Akala ko magkasama kayo ni Lana?” sabad naman ni Himig. Mabilis siyang napalingon sa kakambal. “Paano mo nalaman?” salubong ang kilay na tanong niya. “Who’s Lana?” kunot-noo din tanong ni Yumi. Nagkibit-balikat si Himig habang tatawa-tawa. “Well, I have my sources. Kilala mo naman ako, marami akong mata sa paligid, kahit saan. And you checked in at Hotel Santillan, bakit ka pa magugulat?” “Muntik ko pa masapak itong kakambal mo, paano may tumawag sa akin na kaibigan ko nakita daw niya nag-check in si Himig kasama ang ibang babae. Mabuti na lang pagkatapos na pagkatapos namin mag-usap ay dumating ‘to,” sabad naman ni Anne. “I even came in through the back door, para nga walang makakita sa akin.” “Hoy, teka pansinin n’yo ko! Sino si Lana?!” pangungulit ni Yumi. “A friend, okay?” sagot ni Hiraya. Tumaas ang kilay ng kapatid. “Friends? Pero nag-check in sa hotel?” dudang tanong nito. “Babe, alam mo na ‘yon,” sabi pa ni Carlo sa asawa. “Ano nga nangyari sa inyo ni Lana?” pag-uusisa pa ni Himig. “Wala. Walang nangyari. Wala sa mood ang manoy ko.” Humagalpak ng tawa ang mga kapatid. Si Carlo na umiinom ng tubig ay halos maibuga ang iniinom. “Aray!” daing niya matapos siyang hampasin sa braso ni Yumi sa sobrang tawa. “Sira*lo ka talaga, Hiraya!” tawang-tawa pa rin na komento ni Anne. Imbes na makitawa ay hinayaan niyang dumausdos ang katawan sa kinauupuan pagkatapos ay tumingala ng matagal sa kisame saka pumikit. Hinayaan lang niya na tumawa ang mga ito. “Lana left me.” Biglang natahimik ang mga kapatid. Doon siya muling tumingin sa mga ito. “What do you mean?” Umayos siya ng upo. “Nagpaalam na siya kanina. Hindi na ulit kami magkikita dahil may nagugustuhan na siya.” “Are you okay?” tanong ni Yumi, pero sa pagkakataon na iyon ay seryoso at may bahid na ng pag-aalala sa tinig nito. He smirked and nodded. “Oo naman. Wala naman involved na feelings sa relasyon namin. We’re friends. But when we need each other physically… alam mo na… but she’s a great partner, a great woman.” “So, hindi mo talaga mahal?” tanong pa ulit ni Himig. “Hindi nga.” “Oh, eh bakit ganyan mukha mo? You look frustrated and sad.” Muli na naman siyang huminga ng malalim. Tumingin siya sa mga kapatid at nag-alangan na sagutin ang tanong na iyon. “Teka, parang alam ko na,” sa halip ay sagot ni Yumi. “What?” tanong ni Himig. “Malungkot dahil pakiramdam mo mag-isa ka na, tama?” Biglang umiwas ng tingin si Hiraya. “Hindi ah! Bakit naman ako malulungkot?” tanggi niya. Imbes na sumagot ay tumayo si Yumi at niyakap siya mula sa likod. “Aw, ang Kuya ko, na-sad ka ba noong nag-asawa na ako?” natatawang tanong pa nito. “Hindi nga, ang kulit nito! Masaya nga ako dahil solo ko na ‘yong bahay!” “Sus, si Kuya, ayaw pang umamin!” “But seriously, hindi naman lang ‘yon tungkol doon. I just felt so bored in my life. Even before Lana left, I already felt something is wrong with me.” “Alam mo bayaw, you should start considering to date seriously. I mean, to go on a serious relationship,” suhestiyon ni Carlo. “I agree. You’re not getting any younger, start considering having your own family,” sabi pa ni Anne. “Palagi kang sinasabihan ni Daddy na magseryoso ka na sa babae,” komento pa ni Himig. “And your situation with Lana is the same with Sam, right? Do you remember her? Iyong girlfriend mo na nag-date lang kayo dahil pilit kayong pine-pair ng mga tao sa school noon?” sabi pa ni Yumi. Natigilan si Hiraya nang marinig ang pangalan ng dating nobyo. It’s been fifteen years since he last heard that name. Paano nga ba niya makakalimutan si Samantha Lagman? “No. It’s not,” tanggi niya. “Hmm? Paanong hindi? Eh di ba—” “I loved her. Sam is my first love.” Natigilan ang lahat lalo na si Yumi at Himig. “What?!” gulat na bulalas ng mga ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
139.8K
bc

His Obsession

read
91.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
80.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
182.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
5.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
12.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook