bc

Rod Jester Labayne

book_age16+
732
FOLLOW
1.9K
READ
drama
comedy
sweet
humorous
like
intro-logo
Blurb

Kamille is a Chinese-Filipino, with a family who believed in an old tradition on arranged marriage. And she hates it. Dahil ang tradisyon na iyon ang naging dahilan upang mawala ang matalik niyang kaibigan at lalaking minahal niya, si Adrian. At dahil doon, nag-rebelde siya.

At sa pagkawala nito, gusto niyang labis na pagsisihan na hindi niya ito naipaglaban noon. Nawala ito ng hindi man lang nito nalalaman ang tunay niyang damdamin para dito. Hanggang sa makaramdam siya ng kapaguran sa mga nangyayari sa buhay niya. Umalis siya sa kanila at nagpunta sa kaibigan niya si Sam. Nang mapadpad siya sa Tanangco, doon nakilala niya si Jester. Binalik nito ang mga ngiti sa labi niya, ang saya sa puso niya. Tinunaw nito ang nakabalot na yelo sa puso niya. Sa paglalim ng pag-iibigan nila, tila nauulit ang nakaraan. Kaya pinangako niya sa sarili na hindi niya hahayaan pang mawala ito muli. Ipaglalaban niya si Jester.

chap-preview
Free preview
Chapter One
"MONDEJAR Cars Incorporated." Suhestiyon ni Jester. Sabay-sabay na napangiti ang mga pinsan niya maging ang Lolo Badong nila. Tinapik siya ni Daryl sa balikat. "You're a genius," puri pa nito sa kanya. "I know," sagot niya, sabay ngisi. "Whose in favor with Mondejar Cars Incorporated?" tanong ni Gogoy na siyang namumuno sa Family Meeting na iyon. Halos lahat sila, maging si Lolo Badong ay nagtaas ng kamay. Maliban kay Wesley. "Wesley, bakit hindi ka nagtaas ng kamay? Mayroon ka bang mas magandang maisa-suggest na company name?" tanong pa ni Gogoy dito. "Oo naman!" mabilis na sagot nito. "Ano naman 'yun?" tanong naman niya. "Wesley's Cars International." Walang gatol na sagot nito. Agad na inamba ni Lolo Badong ang hawak nitong tungkod sa ulo nito. "Joke lang po!" mabilis niyang bawi. Nagtawanan sila. "I'll invest thirty percent of my money in this business." Ani Lolo Badong. Natigilan silang lahat, bago napatingin sa isa't isa. Naroon sila ngayon sa sala ng mansiyon ni Lolo Badong. Nitong mga nakaraang buwan, napag-desisyunan nilang magpi-pinsan na magtayo ng isang negosyo na may kinalaman sa hilig nila. Cars. They decided to put up a Car Shop. Sabi nga ni Gogoy, it's an ambitious business. Hindi biro ang kakailanganin nilang pera maitayo iyon. Kinailangan nila ng investor, at sa pag-a-analyze nila nitong mga nakaraang araw. Everybody agreed to invest in the business. Gamit ang mga perang naipon nila galing sa mga negosyo na napalago nila sa sarili nilang sikap. Tulong din sila sa pagpapatakbo niyon. At hindi nila akalain na ang mag-i-invest ang Lolo nila ng ganoong kalaki. "Are you sure, Lolo?" paniniguro pa niya. "Oo, natutuwa akong naisip ninyo ang ganitong klaseng negosyo. Kaya susuportahan ko kayo." Sagot naman ni Lolo Badong. "Thank you, 'Lo!" sabi nila. "Kelan natin ito sisimulan?" tanong ni Miguel. "As soon as possible. Marami naman tayong possible clients. We have all the sources. Sa mga individual businesses natin." Sagot ni Gogoy. Tumayo si Marvin, hawak ang isang folder. "This is what we will do. Someone will handle for the brand new cars and second hand cars. Mayroon din tayong motorcycles, accessories and parts." Anito. Tumaas ng kamay si Kevin. "I'll go with the Brand New cars." Anito. "Ako sa second hand," boluntaryo naman ni Jefti. "Mine is motorcycle." Sabi naman ni Miguel. "Ako ng bahala sa mga Cars Accessories and Parts." Sabi naman ni Glenn. "We should also put up a Repair Shop para sa mga magiging regular customers natin. Ipakita natin sa kanila na hindi lang pagbili ng kotse ang puwede nilang gawin sa Mondejar Cars Incorporated. Pwede din sila magpa-repair ng mga kotse nila, in that way, mas malaki din ang chance natin para makakuha ng ibang possible customers. And I will personally handle the repair shop." Paliwanag ni Wayne. Napatango sila. "I agree. That's a nice idea." Sang-ayon niya. "Ako ng bahala sa advertisement," sabi pa ni Mark. "Habang busy kayo sa bago natin negosyo, ako na muna ang overall in-charge dito sa Carwash." Sabi pa ni Karl. "Mga Hijo, huwag ninyong kakalimutan ang obligasyon n'yo dito sa Carwash." Paalala ni Lolo Badong sa kanila. "'Lo, huwag po kayong mag-aalala. Hindi namin siyempre papabayaan 'to." Sabi pa niya sa matanda. "Oo nga naman po, relax lang kayo. Besides, nandiyan si Marisse. Hindi puwedeng hindi 'yan tutulong sa amin sa bagong negosyo." Dagdag pa ni Wesley. "By the way, ako na ang bahala sa advertisement through Internet." Humugot siya ng malalim na hininga bago tumayo sa tabi ni Gogoy. "So, everything's set then." Aniya. Tumango ito. "Let's do this," ani Gogoy. "By the way, kakausapin ko ang car dealer ng luxury cars ng shop ko. I think may alam din siya about second hand cars." Sabi ni Daryl. "That's good." Aniya. "I'll travel to US. I have friends there who manufacture Cars. Maybe, I can encourage them to invest on our company. And provide cars for us. Maybe I can travel to Japan and Korea and talk to some possible investor there." Sabi naman ni Kevin. "I like the idea, hijo." Anang Lolo nila. Napangiti si Gogoy. "This project is exciting!" masayang wika nito. "Makikilala na naman ang Mondejar sa larangan ng mga kotse." Aniya. Dahil sa mga individual businesses nila, unti-unti ay nakilala sila sa Business World. Alam ng mga tao na mahilig sila sa kotse. Ilan na ang nag-suhestiyon na magtayo sila ng Car Shop. Natural na nga yata sa kanila ang pagiging mahilig sa mga sasakyan. Namana nila ito sa Lolo Badong nila. Gaya nila, ay mahilig itong mag-kolekta ng mga kotse. Sa kaso nito, puro mga priceless Vintage cars ang koleksiyon nito, na nasa Ancestral House nila sa Pampanga. Ilang beses na rin may nagtangkang bilin ang kahit isa sa koleksiyon nito, pero pawang umalis ang mga ito na laglag ang balikat. "Ako ng bahala maglakad sa mga papeles na kailangan para masimulan na ang business natin." Prisinta niya. "Ang gawin ninyong main building ng Mondejar Cars ay ang isang property natin sa Makati. Kayo ng bahala sa renovation niyon." Anang Lolo nila. "Sige po, asikasuhin ko na bukas na bukas din." Sagot naman ni Gogoy. "Marisse," tawag ni Lolo Badong dito, tahimik lang ito na nakikinig sa meeting nila habang naglalagay ng nail polish sa kuko niyo sa kamay. "Po!" "Ikaw ang Executive Secretary ng Mondejar Cars Incorporated." Sabi ni Lolo. "Okay po." Mabilis na sagot nito. "Wow! Himala hindi ka umapela?" tanong niya dito na may halong pang-aasar. "Gusto ko rin may gawin sa negosyo ng Pamilya no?" sagot nito. "Sayang din ang su-swelduhin ko doon! Dagdag kayamanan para sa akin!" "Eh paano 'yung Fairytales?" tanong ulit ni Marvin sa kakambal nito. Ang tinutukoy nito ay ang pangalan ng negosyo ni Marisse. Isang Wedding and Events Shop. Kasama nito doon si Sam. "Siyempre, hindi ko bibitawan 'yun!" anito. "Dapat may Assistant din ako. Para kapag may event akong kailangan ayusin may hahalili sa akin." "Okay, wish granted." Mabilis na sagot ng kakambal nito. Pinagmasdan ni Jester ang buong pamilya niya habang abala na nag-uusap ang mga ito tungkol sa darating nilang malaking project. Wala na yata siyang mahihiling pa sa Diyos. Kung mayroon man, iyon ay ang makilala niya ang babaeng iibigin niya at mamahalin din siya ng buo. Iyong siya ang mangunguna sa puso nito, at hindi second choice lamang. Bigla ay bumalik sa nakaraan niya ang babaeng minsan ay minahal niya. Pero hindi yata talaga sila ang tinadhana. Dahil sa ngayon, may asawa na ito at masaya kasama ang kaibigan niyang pinakasalan nito. Simula ng mabigo siya noon sa pag-ibig. Hindi na siya naghanap pa ng bagong relasyon. Pinaubaya na lamang niya ang lahat sa Panginoon. Kung sino man ang babaeng nakalaan para sa kanya, alam niyang makilala niya ito sa tamang panahon. "GRABECIOUS!" pasigaw na komento ni Razz pagkatapos ikuwento ng nobyo nito ang napag-meetingan nila tungkol bagong negosyong itatayo nilang magpipinsan. Napangiti na lang si Jester at napailing. "Kailangan talaga sumigaw?" kunot-noong tanong ni Marisse, bago pa nito ginalaw-galaw ang isang tenga nito. "Eh jusme naman kasi! Kung mag-usap kayo parang Sari-Sari Store lang ang itatayo n'yo." Sabi pa nito. "Matagal na namin pinag-isipan 'to! Bago pa man din maisipan ni Lolo Badong itayo ang Carwash." Depensa naman niya. "Sana may giveaway kayong kotse sa first one hundred customers' n'yo sa grand opening!" suhestiyon naman ni Sam. "Anong palagay mo sa ibebenta namin Pan de Coco?" asik ni Jefti dito. "Joke lang naman! Kahit kelan masungit ka! Malapit na kitang itakwil bilang bestfriend ko!" ganti naman ni Sam dito. "Oh! Basta ah, dapat invited kami sa grand opening." Sabi pa ni Sumi. "Oo naman, mahal. Hindi puwedeng wala ka doon." Sabi naman ni Miguel dito. "May I suggest?" sabad naman sa usapan ni Jhanine. "Sure Babe, what is it?" tanong naman ni Daryl. "Why not? Magpa-raffle kayo sa mga aattend ng grand opening, and ang price ay isang brand new car." Paliwanag nito. Nagkatinginan sila. "Puwede!" nakangiting sagot ni Kevin. "Sige, gagawin natin 'yan!" ani Gogoy. "Ang galing talaga ng Babe ko! Pa-kiss nga!" sabi naman ni Daryl, pumikit ito sabay tulis ng nguso kay Jhanine. Pabirong umingos ang huli at ang palad nito ang sinalubong nito sa nguso ni Daryl. "Tse! Mahiya ka naman! Ang daming tao," ani Jhanine. Napakamot ng ulo si Daryl. "At dahil diyan, Jester! My Destiny! Libre mo naman ako," wika ni Kim sa kanya, sabay pulupot sa braso niyang animo sawa. Alanganin siyang napangiti. Sabay iwas dito. "Teka nga, lumayo ka kaya. Para kang Sawa eh!" pagtataboy pa niya dito. Parang bata itong lumabi saka kunwari ay pumadyak pa. "I hate you! Grabe ka! Ayaw mo ba sa akin?" kunwari'y nagmamaktol na sabi nito. Nagtawanan sila. Hindi lingid sa kaalaman ni Jester na may gusto si Kim sa kanya. Pero hindi niya ito pinapansin. Para sa kanya, tanging isang kaibigan o nakakabatang kapatid na babae lang ang tingin niya dito. Napasulyap siya sa pinsan niyang si Mark. Nakakunot-noo ito habang nakatingin kay Kim. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na matagal na itong may itinatagong damdamin para sa dalaga. "Tumigil ka na nga diyan!" saway ni Mark dito ng hindi na ito nakapagtimpi. "Pengkum! Ano bang pakialam mo?" singhal ni Kim dito. "Walang gusto sa'yo si Jester!" walang preno nitong sabi. "Alam ko! Saka huwag mo akong sigawan! Pakialamero ka!" "'Yon naman pala eh! Bakit mo pa pinagsisiksikan sarili mo sa kanya? Mahiya ka nga sa inaarte mo!" "Ano bang problema mo? Kung maka-react ka diyan! Akala mo sa'yo ako may gusto!" Natahimik ito. Naghagalpakan ng tawa ang iba niyang pinsan, habang siya naman ay napapailing lang. "Eksakto! Kaya nga siya nagkakaganyan eh!" pambubuking pa ni Wesley. Natahimik na rin si Kim. Pagkatapos ay nag-walk out ito. "You and your big mouth," anito kay Wesley. "Peace!" sagot naman nito, saka nakipag-high five kay Wayne. Mayamaya ay umuwi na rin si Mark. "Ikaw na guwapo, dude! Habulin!" pang-aasar naman ni Glenn sa kanya. "Tumahimik ka diyan! Pektusan kita eh!" natatawang saway niya dito. "Pero seryosong tanong, insan. Wala ka ba talagang gusto kahit konti kay Kim?" pang-uusisa pa ni Marisse. Inakbayan niya ito, pagkatapos ay naglakad sila papunta sa Mini Grocery Store ni Olay. "Ang kulit n'yo! Wala nga sabi eh." Sagot niya. "Sayang naman," anito. "Kung meron, eh di sana noon ko pa siya niligawan. Kaya ko nga siya hindi pinapansin masyado dahil ayokong bigyan niya ng kahulugan ang mga kilos ko at maging dahilan pa para umasa siya." Paliwanag niya. "Uy, ang mag-pinsan! Come in!" ani Olay. "Pringles sa akin," sabi ni Marisse sa kanya. Kumuha ito ng mga tsitsirya at tig-isang softdrinks in can. Pagkatapos ay pumwesto sila sa tapat ng grocery store sa isang tabi. Mayamaya lang ay nagsunuran na ang mga kaibigan at pinsan nila. "Libre mo Teter?" nakangising tanong ni Razz. Napangiwi siya. "It's Jester." Pagtatama niya. Teter ang palayaw niya noong bata pa siya. Ganoon daw kasi niya banggitin ang pangalan niya noon. Dahil bulol, ang Jester naging Teter. At ngayon malaki na siya, ayaw na niyang iyon ang tawag sa kanya. Hindi na bagay sa malaking taong gaya niya. Abala sila sa pagkukwentuhan at pagkain ng meryenda nang dumating ang isang babaeng singkit at maganda, medyo matangkad ito at halatang Chinese ito. Agad na napansin ni Jester ang lungkot sa mga mata nito. Nang magtagpo ang paningin nila, kumunot ang noo nito. Pagkatapos ay may hinanap na ito doon sa loob. "Kamille?" ani Sam. Lumingon ito sa huli. Agad na nagliwanag ang mukha nito ng makita nito si Sam, saka patakbong lumapit sa kanya at yumakap dito. Narinig na lang nila itong humihikbi. "Hey, what's wrong?" nag-aalalang tanong ni Sam dito. Hindi sumagot ang babaeng narinig niyang tinawag na "Kamille". "Ang mabuti pa, doon na lang tayo mag-usap sa bahay." Ani Sam. "Guys, excuse lang ah." Baling nito sa kanila. Kahit na medyo malayo na ang mga ito, hindi magawang alisin ni Jester ang mga mata sa babae. Napukaw ng lungkot sa mga mata nito ang atensiyon niya. Para bang gusto niyang alamin ang dahilan sa likod niyon. Bigla ay nagkaroon siya ng pagnanais na alisin ang lungkot, at gusto niyang makita ang ngiti nito. Ano nga kaya ang hitsura nito kapag nakangiti ito? Marahil, napakaganda nito. "KAMILLE, ano bang nangyari sa'yo?" nag-aalalang tanong ng isa sa mga mapagkakatiwalaan niyang kaibigan. Si Sam. College pa lang sila ay magkakilala na sila nito. Tatlo sila noong magkakasama, siya, si Sam, at si... Napabuntong hininga si Kamille nang maalala ang taong naging malaking bahagi ng buhay niya. Si Adrian. "I ran away," sagot niya. "Ha? Bakit naman?" gulat na tanong ni Sam. "Dumating si Norris sa bahay. Iginigiit na naman nila Daddy na magpakasal ako sa kanya." Sagot niya. "Kaya ka umalis?" Tumango siya. "I can't take it anymore. Kapag nakikita ko si Norris. Naaalala ko ang mga nangyari dati." Nangingilid ang luhang wika niya. Lumapit ito sa kanya, saka ginagap ang kamay niya. "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nakakalimutan ang nakaraan?" malungkot na tanong ni Sam sa kanya. Umagos ang luha niya, pagkatapos ay umiling siya. "Hindi ko kayang kalimutan 'yon, Sam. Nawala si Adrian ng dahil sa kanila. Hindi ko sila kayang patawarin." Umiiyak niyang sagot dito. "Hanggang kailan ka mabubuhay sa galit, Kamille? You're ruining your life! Hindi rin matutuwa si Adrian na nakikita ka niyang ganyan." Payo sa kanya nito. "Sam, hindi ko kayang ipagpatuloy ang buhay ko ng wala si Adrian." Aniya. "Kayanin mo, kahit para na lang sa kanya." Sabi pa nito. Niyakap siya nito, at doon sa balikat nito. Binuhos niya ang lahat ng nararamdaman niyang lungkot at pangungulila para kay Adrian. Kung sana'y may nagawa siya ng mga panahon na iyon. Kung sana'y kaya niyang ibalik ang nakaraan, mabuhay lang muli ito.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
632.8K
bc

Dangerously Mine (Tagalog/Filipino)

read
1.1M
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
283.5K
bc

SILENCE

read
387.0K
bc

One Night With A bewitching Stranger (Filipino)

read
164.3K
bc

My Secret Agent's Mate

read
118.8K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
73.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook