NAPALINGON si Kira nang maramdaman na hinawakan ni Kian ang kanyang kamay pagkatapos ay bumulong ito. "Let's go home." Marahan siyang tumango pagkatapos ay sabay silang tumayo, kaya nagtinginan sa kanila ang mga kaibigan. "Hoy, saan ang punta n'yo?" tanong agad sa kanila ni Dane. Tinungga pa ni Kian ang natitirang laman na alak ng baso nito. "Uwi na kami," sagot nito. "Bye guys!" paalam niya. Nagkawayan ang mga ito sa kanila. Samantala sumunod naman sa kanila ni Han at Zuri hanggang sa parking. May kinuha ang dalawa sa kotse saka lumapit sa kanila. "Ano par? Kaya mo mag-drive?" tanong ni Han kay Kian. "Don't worry, I'm good. Kaya ko," sagot nito. Napalingon si Kira kay Zuri. "Dala mo?" bulong niya dito. "Oo, eto," sabi nito at inabot ang ilang piraso ng pills. Mabilis niya iton

