"NASAAN na kaya 'yon?" nagtatakang tanong ni Kira habang panay ang lingon sa paligid.
Malapit nang matapos ang vacant period nila pero hindi pa rin bumabalik sa classroom si Kian. Lumabas ito kanina, mga sampung minuto na ang nakakaraan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik. Mahigpit ang Teacher sa next subject nila, kapag na-late sila kahit isang minuto lang ay considered absent na agad.
"Saan ba kasi nagpunta 'yon?"
Panay ang sulyap ni Kira sa suot na relo habang patuloy na hinahanap si Kian. Nang lumiko siya sa dulo ng hallway, biglang natigilan si Kira sa kanyang nakita. Ang pamilyar na sakit at bigat sa damdamin ay muling sumakop sa puso niya. Her eyes instantly get teary as she stares at Kian, talking and smiling to another girl while holding her hand.
"Alam mo bang matagal nang may gusto si Kian kay Andrea, balita ko gusto din siya ni Andrea," sabi ng isang boses ng lalaki mula sa kanyang likod.
Nang lumingon ay nakita niya na nakatayo di kalayuan si Rey. Ang lalaki na sinabi ni Kian na layuan niya at huwag kausapin.
"Hindi," nauutal na sagot niya sabay balik ng tingin sa dalawa.
"Narinig ko nag-uusap si Kian at Uno sa court noong isang araw. They're talking about Andrea, sinabi ni Uno mismo na may gusto si Kian kay Andrea," sabi pa nito.
Muling bumalik ang tingin niya kay Rey. Kasabay ng panlalaban ni Kira sa luha na pumatak ay pilit rin niyang nilalabanan ang selos na lumalamon sa kanya sa mga sandaling iyon.
"Mamaya, pagkatapos ng klase, doon tayo sa bagong bukas na coffee shop, ha?" narinig niyang sabi ni Kian. Doon muling bumalik ang tingin ni Kira sa dalawa.
"Sure."
"Sunduin na lang kita mamaya sa classroom mo."
"Sige," nakangiting sagot ni Andrea.
Lalong nadagdagan ang selos na kanyang nararamdaman. Dati kapag may bagong bukas na coffee shop, siya agad ang niyayaya ng binata. Biglang nalito si Kira. He just kissed her the other day. Kian is her first kiss. Kira knows that she is also his first kiss. Walang kahit sino sa kanila ang nagbukas ng usapin tungkol sa nangyari matapos iyon. Ngunit inaasahan ni Kira na sa kabila niyon ay mas magiging espesyal na ang pakikitungo nila sa isa't isa. Hanggang sa matigilan siya nang may biglang maalala. The promise they made to each other. They were only nine years years old that time. Sa isang park, nang makita nila ang isang magkasintahan na naghahalikan.
"Kira, tingnan ko mo oh, nag-kiss sila!" tumatawang sabi ni Kian habang tinuturo ang babae at lalaki na nakaupo sa ilalim ng puno at naghahalikan.
"Baka mag-asawa sila," sagot niya. "Ang sabi kasi ni Mommy ko dati, kapag love mo daw ang isang tao, they kiss. Kaya sila ng daddy ko, laging nagki-kiss."
"Ganoon ba 'yon? Ikaw, sino na ang kiniss mo?"
"Huy, wala pa, no? Ang bata ko pa eh!" mabilis na sagot ni Kira.
Mayamaya ay lumingon sa kanya si Kian. "Kira, promise me, kapag malaki na tayo, ako ang unang magki-kiss sa'yo."
"Ngek, eh paano kung hindi naman natin love ang isa't isa?" sagot ni Kira.
Saglit na nag-isip si Kian. "Ganito na lang, since best friend tayo. Gusto tayo ang first kiss ng isa't isa. Tapos puwede na ka na magkaroon ng ibang boyfriend, at ako iba rin ang magiging girlfriend ko."
"Ang labo naman, no'n."
"Ayaw mo ba?"
Si Kira naman ang napaisip. "Sige na nga," pagpayag niya mayamaya.
"Promise?" tanong pa ni Kian.
"Promise."
Hindi na napigilan ni Kira ang maluha habang patuloy pa rin siyang nakatingin sa dalawa.
"Iyon ba ang ibig sabihin kaya moa ko hinalikan? Hinalikan mo ako para lang hindi ka sumira sa pangako natin. Pero ang totoo, may gusto ka nang ligawan," sabi niya.
Nang biglang lumingon sa gawi niya si Kian ay mabilis siyang tumalikod sabay punas ng luha.
"Kira!" malakas na tawag sa kanya ni Uno.
"Oh?" tanong niya sabay angat ng tingin.
"Papunta na si Ma'am, bilis baka mamarkahan ka na absent!" sabi pa nito sabay hawak sa kamay niya.
Hindi na lumingon pa si Kira at tumakbo kasama ni Uno habang hindi binibitiwan ang kanyang kamay. Ang plano na tawagin si Kian ay hindi na niya nagawa. Eksaktong pagpasok nila ni Uno ng room, kasunod nila agad si Kian.
"Ay wait lang, ano 'to? Holding hands na!" tudyo ng mga kaklase nila.
Nagkatinginan sila ni Uno at halos sabay bumaba ang tingin sa kamay niyang hawak nito. Nang lumingon si Kira kay Kian, inaasahan niya na ilalayo siya nito mula kay Uno gaya ng palagi nitong ginagawa. Ngunit ngumiti lang sa kanya ito pagkatapos ay pumunta na sa upuan nito. Binawi ni Kira ang kamay mula kay Uno habang patuloy pa rin silang kinakantiyawan ng mga kaklase. Hindi makuhang ngumiti ng dalaga. Gusto niyang bumulalas ng iyak sa mga sandaling iyon.
"Hey, are you okay?" tanong sa kanya ni Uno.
Nang lumingon ay nakita niya ang concern sa mukha nito.
"Huh?"
"May nangyari ba? Mukha kasing maiiyak ka na anytime."
Tumikhim siya saka mabilis na umiling at pilit na ngumiti.
"Oo, ayos lang ako."
Mayamaya ay may kinuha ito sa bag. Nasundan niya ng tingin ang kamay nito nang ilapag ni Uno sa desk niya ang isang piraso ng maliit ng chocolate.
"Oh, kainin mo. They said chocolates make sad people happy," sabi nito.
Napakunot noo siya sabay tingin dito. "Parang hindi ko pa narinig 'yan."
Bigla itong tumawa. "Gawa-gawa ko lang 'yon."
Doon na rin natawa si Kira. Si Uno pa ang nagbukas niyon para sa kanya nang tinapat nito sa bibig niya ang chocolate. Binuka niya ang bibig at sinubo nito iyon. Tuluyan gumaan ang loob ni Kira. Hindi dahil sa chocolate kung hindi sa paraan ni Uno para pangitiin siya.
Nanlaki ang mata nila nang biglang pumasok ang teacher nila. Nagmadali siyang nguyain ang chocolate at lunukin iyon pagkatapos ay pigil silang natawa. Bawal kasing kumain sa room kapag nagkaklase, kung hindi ay pagagalitan sila. Nang magkatinginan sila ni Uno ay halos sabay silang nagtakip ng notebook sa bibig at doon impit na tumawa. Kinuha pa nito ang tumbler niya at inabot iyon sa kanya.
"Uminom ka muna," natatawa pa sabi nito.
"Thank you," pabulong na sagot niya saka pasimpleng uminom ng tubig.
"OKAY ka lang ba?" tanong ni Sami sa kanya.
Nang lumingon si Kira ay naabutan niyang nakatingin sa kanya ang mga kaibigan. Naroon sila sa school garden. Uwian na nila pero nagkasundo sila na tumambay lang muna doon. Nahuli siya ng mga ito na nakatingin kay Kian at Andrea na nag-uusap na naman sa mga sandaling iyon.
"Kaya mo pa ba pigilan 'yan?" tanong din ni Sean.
Hindi siya sumagot. Bumalik ang sakit at selos na kanyang naramdaman kanina nang unang makita ang dalawa.
"Girl, kahit naman hindi mo sabihin, nakikita namin sa'yo, sa inyo ni Kian na hindi lang friends ang tingin at turing n'yo sa isa't isa," sabi naman ni Zuri.
Doon tuluyan bumalalas ng iyak si Kira. Kinabig siya palapit ni Zuri at niyakap.
"Narinig ko si Kian, niyaya niya si Andrea na mag-date doon sa bagong coffee shop. He used to ask me first every time there's a newly opened place. Siguro, ako lang ang ganito ang nararamdaman. Kian has been really sweet and caring to me, pero ginagawa niya lang iyon dahil best friend kami."
Bumuntong-hininga si Sami. "Pansin ko nga halos maghapon silang magkasama, pati kaninang lunch sila rin ang sabay dati naman kayo palagi ang sabay kumain."
"Kira, bakit hindi mo sabihin kay Kian ang nararamdaman mo?" suhestiyon ni Sean.
Umiiyak na umiling siya. "Hindi puwede. Natatakot ako. Baka kasi iwasan n'ya ako, baka may magbago sa friendship namin, mas hindi ko kaya 'yon."
"Eh ano? Magtitiis ka na lang na ganyan? Nasasaktan ng lihim habang nakatingin ka sa kanya na nagmamahal ng iba?"
Hindi nakasagot si Kira. Muli siyang naiyak. Ang mga kaibigan ay nanatili sa kanyang tabi at hindi siya iniwan.
"What if, what if you give Uno a chance," sabi pa ni Zuri.
Napalingon siya dito.
"Hindi ko sinasabi na gamitin mo siya para kalimutan ang feelings mo kay Kian. Ang ibig kong sabihin, mabait si Uno at gusto ka niya. Nakita naman namin kung paano ka niya alagaan kapag nabibigyan siya ng chance. Subukan mo na ituon ang atensiyon mo sa kanya, baka sakaling makita mo na 'yong inaasahan mo na pagmamahal na ibigay ni Kian sa'yo, si Uno pala ang kayang magbigay sa'yo."
Tumango si Sean. "She's right."
"But don't force yourself. Hayaan mo lang na mag-flourish kayo ni Uno on your own," dagdag pa ni Sami.
Huminga ng malalim si Kira saka pilit na ngumiti. Pinahid ng mga kaibigan ang luha niya.
"Thank you. Buti na lang nandito kayo."
"Ano ka ba? Parang hindi tayo friends."
"Ano? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong pa ni Sean.
"Hinihintay ko pa si Kian, alam mo naman kailangan palagi kami sabay umuwi."
Bumuntong-hininga si Sean at umiling. "Kaya mo 'yan, girl. Konting tiis lang."
"Paano? Mauna na kami," paalam ni Zuri.
"Sige, ingat kayo."
Nang maiwan mag-isa ay saka inayos ni Kira ang sarili. Nag-retouch siya ng powder lalo na sa mata para hindi mahalata ni Kian na umiyak siya. Mayamaya ay lumapit sa kanya si Kian.
"Kira, mahihintay mo ba ako?" tanong nito.
"Saan ka pupunta?" maang-maangan na tanong din niya.
"Ah, diyan lang sa may bagong bukas na coffee shop. Mag-uusap lang kami ng mga ka-team mates ko," sagot nito.
Lalong nasaktan si Kira. Kian just blatantly lied to her. That was the first time he lied to her.
"Magtatagal ka ba? Puwede naman akong mauna na," sabi pa niya.
"Hindi. Sabay tayong uuwi, baka pagalitan tayo ni Mommy kapag umuwi ka mag-isa."
Tumungo si Kira at tinago sa binata ang lungkot sa kanyang mga mata.
"Sige," mahina ang boses na sagot niya.
She looked at him when Kian crouched down in front of her. Bahagya nitong inangat ang mukha niya.
"Are you okay? Bakit malungkot ka?" tanong nito. Nahimigan ni Kira ang pag-aalala sa tinig nito.
"Tumigil ka na, Kian. Stop being so concern, you just lied to me right now," dismayadong wika niya sa isipan.
"Okay lang ako," sa halip ay sagot ni Kira.
"Nagsinungaling din ako dahil hindi ako okay," wika ulit niya sa isipan.
"Sige na, umalis ka na, baka malate ka pa sa meeting mo," sagot ni Kira saka pilit na ngumiti.
Kian look away. Para bang sadya nitong iniwas ang tingin sa kanya.
"Sige na," pagtataboy niya.
Tumikhim ito saka tumango. "Promise, sandali lang 'to."
Matapos iyon ay sinundan na lang ng tingin ni Kira si Kian habang naglalakad ito palayo. Parang dinurog ang damdamin niya nang matanaw mula sa labas ng school na nilapitan nito si Andrea pagkatapos ay sabay naglakad ang dalawa palayo.
Nag-doble ang sakit na naramdaman ni Kira sa mga sandaling iyon. Harap-harapan nagsinungaling sa kanya si Kian. Marahil ay mas magiging magaan tanggapin kahit paano kung sinabi na lang nito ng diretso na lalabas ito kasama ang ibang babae. But he chooses to lie to her instead.
"Sabagay, best friend lang naman ako. Hindi niya kailangan ipaalam sa akin kung saan siya pupunta at sino ang kasama niya. I'm just his best friend. Nothing else."
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang dumating si Uno.
"Hindi ka pa uuwi?" tanong nito.
"Hindi pa. Umalis si Kian eh, sabi niya may meeting daw kayo sa basketball."
Kumunot ang noo ni Uno sabay upo sa tabi niya.
"Huh? Wala kaming meeting, bukas pa! Kasasabi lang ng coach namin kanina
eh," sabi pa nito. "G*go 'yon, nagsinungaling pa!"
"He took Andrea out on a date," sagot niya.
Napalingon sa kanya si Uno. "Alam mong nagsinungaling siya, bakit wala kang sinabi?"
Malungkot siyang napangiti. "Ano ka ba? Kaibigan lang naman ako, hindi niya obligasyon magpaalam sa akin."
Natahimik si Uno habang nakatitig sa kanya.
"Kung ganon, gagawin ko na rin ang gusto ko, Kira."
Napakunot-noo siya. "Anong ibig mong sabihin?"
"Alam ko na sinabi mo na sa akin na hindi ka pa puwedeng ligawan. Pero hayaan mo ako sa tabi mo. Hayaan mo na iparamdam ko sa'yo na mahal kita. I want to be with you. I want to stay beside you. Let me make you happy, sa paraan na alam ko."
"Uno..."
"Alam ko na kahit kailan, hindi ko mapapantayan kung paano ka alagaan ni Kian. Pero sana, makita mo ako, bilang ako. Sana bigyan mo ako ng chance na patunayan ang sarili ko sa'yo na karapat-dapat ako para sa'yo."
Napatingin si Kira sa kanyang kamay nang kunin nito iyon at ikulong sa mga palad nito. "I love you, Kira."
Bigla niyang naalala ang payo ng tatlong kaibigan. Huminga siya ng malalim pagkatapos ay nakangiting binalik ang tingin kay Uno.
"Okay. I'll give you a chance," sagot ni Kira.
Bahagya siyang natawa nang makitang malapad na napangiti si Uno. Biglang nawala ang bigat sa kanyang dibdib habang pinagmamasdan ang masayang reaksiyon nito.
"Yes!" masayang bulalas nito.
"Promise, hindi ka magsisisi!" sabi pa nito. "Sasamahan na kita sa paghihintay, okay lang?"
"Sige," nakangiting sagot niya.