NAGING isang malaking trauma para kay Kira ang mga nangyari. Nang makauwi ito sa bahay ay madalas lamang nakakulong ito sa kuwarto. Ayaw lumabas. Takot sa mga tao. Kung dati ay nakakatulog ito ng patay ang ilaw, ngayon ay takot na sa dilim ang dalaga. Kasama si Kian, nagpunta ang Daddy ni Kira sa school upang personal kausapin ang homeroom teacher nila at principal ng school tungkol sa kalagayan nito. Kira will undergo some therapy, habang nagpapagamot ay mananatili muna sa bahay ang dalaga. Habang si Kian naman ang bahala sa mga school works at activities nito. Nangako ang pamunuan ng school na bibigyan nila ng print out lesson si Kira at iyon ang iuuwi ni Kian para hindi ito mahuli sa klase. Nangako din ang binata na personal na tuturuan ang dalaga. Samantala tuluyan nahuli si Rey. Tin

