Chapter 4

1835 Words
"NATAPOS mo ba 'yong assignment sa English" tanong sa kanya ni Sean habang naglalakad sila pabalik sa classroom. Nanggaling sila sa library at doon nanghiram ng libro. "Oo, kagabi pa. Ikaw?" sagot ni Kira. "Ako rin. Ay teka, nabalitaan mo na ba?" "Ang alin?" kunot-noo na tanong niya. "Pinagkakalat daw ni Claire na sila ni Kian." Bahagya siyang napaisip pagkatapos ay biglang natawa. "Hindi 'yon," sagot niya. "Talaga? Eh kalat na kalat na sa classroom nila pati sa iba pang section," sabi pa ni Sean. Nagkibit-balikat si Kira. "Basta maghintay ka na lang," natatawa na sagot niya. Habang naglalakad sa hallway ay namataan nila si Claire at ang mga kaibigan nito. May hawak na salamin at panay ang tingin sa sariling repleksiyon pagkatapos ay lingon ng lingon sa paligid. "Ay speaking of Ursula," bulong pa ni Sean pagkatapos ay biglang natawa. "Hindi ko siya kaya, friend. Ang kapal ng foundation, jusko!" Pati tuloy si Kira ay natawa ng wala sa oras. Nang makadaan siya sa harapan nito. Nagulat ang dalaga nang may bigla siyang natalisod at napaupo sa sahig matapos may sadyang pumatid sa kanya. Mariin siyang napapikit nang maramdaman na may tumusok sa tuhod niya. "Ay, sorry!" Matalim ang tingin na pinukol ni Kira ang babae. Matapos iyon ay tumawa si Claire at nakipag-high five pa sa mga kaibigan. "Lampa," sabi pa nito habang tumatawa. "Kira, okay ka lang?" nag-aalalang tanong ni Sean. Tatayo dapat siya nang biglang mapaigik sa sakit. Nang tingnan ang tuhod ay nakita niyang may sugat iyon at nagdurugo. Nang silipin ang tuhod ay nakita niyang may nakabaon doon ang isang malaking bubog. Naalala ni Kira na habang nagka-klase sila kanina ay may narinig silang tunog na tila may nabasag, galing doon marahil ang bubog na iyon. "Aw, ang sakit," mariin napapikit na daing niya. "Hala, may sugat ka!" bulalas ni Sean sabay galit na lumingon kay Claire. "Alam mo ikaw na babae ka, napaka-salbahe mo! Inaano ka ba ni Kira?!" "Sean, hayaan mo na 'yan," saway niya sa kaibigan. "Tumayo ka na nga diyan, halika punta tayo sa clinic," sabi pa nito pagkatapos ay galit na lumingon ulit kay Claire. "Makita mo kapag nalaman ni Kian itong ginawa mo!" "Paano ba 'yan? Pinansin ako ni Kian, nakita mo naman kami last week, 'di ba? At umiyak ka pa nga!" tumatawang sabi pa nito. "Ah, oo, kaya nga iniwan ka na lang niya para habulin ako hanggang bahay namin, 'di ba?" sagot niya sabay sarkastikong ngumisi dito. "Kira!" Nang umangat ang tingin niya matapos makilala ang pamilyar na boses na iyon ay tumambad sa kanya ang gulat na mukha ni Kian. Ang tingin nito ay nasa nagdurugo niyang tuhod. Mabilis itong tumakbo palapit sa kanya. Sa mga sandaling iyon ay nakukuha na nila ang atensiyon ng ibang mga estudyante at kinukumpulan na sila. "Anong nangyari? Bakit ka may sugat?" nag-aalalang tanong nito. "Hi Kian!" maarteng bati ni Claire sa binata. Napalingon si Kira sa babae ngunit hindi man lang nilingon ni Kian ito. "Eh di 'yang maldita mong girlfriend," sagot ni Sean. Napalingon si Kian kay Sean. "Anong girlfriend?" nagtatakang tanong ni Kian. Tinuro ni Sean ang babae. "'Yan si Claire, hindi mo ba alam? Pinamamalita niya na kayo na daw," sagot nito. Nang makatayo siya ay yumakap sa braso ni Kian si Claire. "Totoo naman ah, last Friday official na kami," proud na sabi nito. Nagkatinginan sila ni Sean nang biglang bawiin ni Kian ang braso mula sa babae sabay atras. "Girlfriend? Kailan pa? Wala akong maalala na pumayag ako na maging tayo. Wala akong girlfriend," tanggi ni Kian. Nakita nila ang gulat sa mukha ni Claire. Napalingon ito sa paligid matapos magsimulang magbulungan ang mga estudyante na nakarinig sa sinabi ni Kian. "Pero ang sabi mo—" Kian scoffed. "Ah, iyon bang sabi ko na puwede kitang i-date?" tanong pa nito. "Oo, iyon." "It's just an experiment, Claire. Tinitingnan ko lang kung bibigay ka agad sa akin, and I was right," tatawa-tawang sagot ni Kian. "Hindi naman ako seryoso sa sinabi ko, gusto ko lang makita kung ano ang magiging reaksyon mo. Don't take it seriously, Claire. Dahil hindi ako interesado sa'yo at kahit kailan hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan. I did that to get back at you for what you said to Kira," prangka na sabi nito. Napatingin siya kay Claire nang biglang umiyak ito dahil sa pagkapahiya. Kasunod niyon ay inalalayan siya ni Kian sa beywang. "And one more thing, Claire. Huwag na huwag ka na ulit lalapit kay Kira para lang sabihin na layuan ako. Wala kang karapatan," walang prenong dagdag pa nito. Sa pagkakataon na iyon ay seryoso na si Kian at bakas ang galit sa mukha nito. "Buti nga," sabi pa ni Sean saka ginaya ang maarteng boses ni Claire nang sabihan siya nito ng lampa. Nang lumingon si Kian sa kanya ay agad lumambot ang tingin ng binata. "Are you okay?" nag-aalala pa rin na tanong niya. Marahan siyang umiling. "Hindi. Masakit eh," sagot ni Kira. "Halika, sakay ka na sa likod ko," sabi pa nito saka umupo. Sinunod niya ang sinabi nito, kasunod si Sean ay nagmadali itong dalhin siya sa clinic. Pagdating doon ay agad siyang dinaluhan ng resident doctor ng school nila. Matapos linisin ang paligid ng sugat ay hinanda na nito ang mga gamit para kunin ang nakatusok na bubog. "Sandali, doc! Baka masakit!" natatakot at naiiyak na sabi niya. "Sandali lang 'to, iha." Lumapit sa kanya si Kian saka hinawakan siya sa magkabilang pisngi at sadyang pinaling sa kabilang side ang tingin niya. "Huwag kang tumingin," natatawang sabi nito. Sumandal si Kira sa dibdib nito habang nakayakap sa kanya ang binata. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito at mariin pumikit. "Tatanggalin ko na ha?" sabi ng doktor. Napisil ni Kira ng mariin ang kamay ni Kian. Impit siyang napadaing nang maramdaman na dahan-dahan hinihila ng doktor ang bubog. Habang si Kian naman ay hinigpitan ang yakap sa kanya habang hindi binibitiwan ang kamay niya. Nang hindi nakatiis ay naiyak na siya ng tuluyan. "Mommy!" umiiyak na sigaw ni Kira kaya natawa si Kian at Sean. "Tapos na!" sabi ng doktor na parang bata ang kausap nito. "Wala na po?" parang bata na tanong niya habang humihikbi sabay lingon. "Lilinisin na lang ang sugat mo." Napatingala siya kay Kian nang marinig itong tumatawa. "G*go ka tumatawa ka pa diyan! Eh kasalanan mo kaya ako nasugatan." "Sorry na, ikaw kasi para kang bata eh," sagot nito habang pinupunasan ang luha niya. "Ahh!" daing ulit ni Kira nang maramdaman ulit ang hapdi habang nililinisan ang sugat niya ng nurse. Nang matapos nang linisan ang sugat niya at malagyan iyon ng gasa. Niresetahan siya ng gamot para sa kirot at hindi mamaga iyon. Binilinan pa siya na huwag munang babasain iyon. "Ano? Kaya mo maglakad?" tanong ni Kian habang inaalalayan siyang maglakad. "Oo, huwag lang mabilis masakit pa eh," sabi niya. "Late na tayo sa subject natin." "Huwag kang mag-alala, nauna na si Sean kanina siguradong sinabi na niya kay Sir ang nangyari." "Nga pala, thank you sa pagtatanggol mo sa akin kanina kay Claire, ha? Sorry din dahil nagalit ako noong Friday." Ngumiti ito saka magaan siyang kinurot sa pisngi. "Wala 'yon. Ikaw pa ba? Magalit na kahit sino sa akin huwag lang ikaw." "Pero medyo naawa ako ng slight kay Claire, napahiya siya eh." "Bagay lang 'yon sa kanya, masyado siyang assuming eh." "Katakot naman kasi mga fans mo, masyado mga selosa... ah, aray!" bahagya niyang daing nang muling maramdaman ang kirot. "Sumakay ka na lang kaya ulit sa likod ko para hindi napu-puwersa 'yan sugat mo." "Hindi na, malapit na lang eh." Pagdating sa classroom ay nagtinginan sa kanila ang lahat. "Hello Sir, sorry we're late," sabi pa ni Kian. "Don't worry, Sean told me what happened. Ms. Chavez, how are you?" Inalalayan siyang maupo ni Kian bago ito pumunta sa puwesto nito. "I'm okay, Sir," sagot niya. "Good. You can ask your classmates later about what we discussed earlier," sabi pa nito. "Yes, Sir. Thank you." Napalingon siya kay Uno nang ilapag nito sa desk niya ang notebook nito at tinuro ang mga lessons na na-discuss na ng teacher. "Thank you," she mouthed, then smiled at him. HABANG naghihintay si Kira na matapos ang basketball practice ni Kian ay naroon siya sa bleachers habang kumokopya ng mga notes kay Uno na hindi nila inabutan. Nang matapos magsulat kanyang notebook ay sinunod naman siyang nagsulat sa notebook ni Kian. Nasa kaligtaan siya ng ginagawa nang nakatanggap ng tawag mula sa ina. "Hello, mommy ko!" bungad niya pagsagot. "Anak, anong oras ka uuwi?" tanong nito. "Hindi ko po alam eh, nagpapractice pa ng basketball si Kian," sagot niya. "Hindi ba puwedeng mauna ka na sa kanya? May kailangan kasi tayong puntahan, iniimbitahan tayo mag-dinner ng kaibigan ng Daddy mo, tayong lahat kasama mga kapatid mo." Napakamot siya ng ulo. "Eh Mommy, hindi ako puwedeng maglakad eh. Ano kasi po may nangyari kanina," sagot niya pagkatapos ay saka siya nagkuwento. "Ganoon ba? Eh kumusta naman 'yan sugat mo?" "Hindi naman na po masakit masyado basta huwag ko lang ilalakad ng husto," sagot niya. "Paano pag-uwi mo?" "Eh may motor naman po si Kian, saka bubuhatin niya ako," sagot ni Kira. "O sige, eh paano 'yan? Hindi ka na makakasama?" "Hindi na po, 'My. Kayo na lang muna. Pasalubungan n'yo na lang ako pag-uwi." "O sige. Ila-lock ko itong bahay, kunin mo na lang sa Mommy Amy mo ang susi." "Okay po, My. Ingat kayo." Nang matapos ay muli niyang pinagpatuloy ang ginagawa. Hindi namalayan ni Kira ang oras dahil nalibang din siya sa pagsusulat ng notes para kay Kian. Nang matapos ay sakto naman natapos ang basketball practice ng mga ito. Matapos mag-meeting kasama ng coach ay saka pa lang lumapit sa kanya si Kian. "Oh, notes mo. Sinulat ko na," sabi niya. "Wah, thank you! The best ka talaga," tuwang-tuwa na bulalas nito sabay halik sa kanya sa noo. "Yuck!" pabirong reaksyon niya sabay tulak dito. "Uno, salamat sa notes," nakangiting baling niya dito. "Tapos mo na agad?" tanong nito. "Oo!" "Sayang may sugat ka, imbitahan pa naman sana kita sa weekend eh. Pasyal lang tayo, sama natin sila Sean." "Kasalanan ng Claire na 'yon eh," inis na sabat ni Sean. "Next time na lang," sagot niya. Napapikit si Kira nang biglang may tumaklob na tuwalya sa ulo niya. "Ano ba naman, Kian!" singhal niya sabay hila ng tuwalya at pukol ng masamang tingin dito. Ngumisi lang sa kanya ang kaibigan. "Papunas ng pawis," sabi nito. "Ano ko? Nanay mo? May kamay ka naman," reklamo niya. "Bilis na!" Napabuntong-hininga si Kira at sinunod na lang ang sinabi nito. "Tumalikod ka, pangit mo!" sagot niya. Itataas na lang niya ang jersey nito nang tuluyan iyon hubarin sabay talikod. Pinunasan ni Kira ang likod nito pagkatapos ay inabot niya ang tumbler nito na may laman tubig. "Sandali lang, shower lang ako!" paalam nito. Isang tango lang ang sinagot niya pagkatapos ay niligpit na ang gamit nilang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD