HALOS alas-dos na ng hapon nang umalis ang kanilang mga ina. Isang oras pa lang ang nakakalipas nang ang mga kaibigan nila ang dumating. "Ano tara shot na!" biro ni Hojin. "Hindi ka ba naawa sa atay mo, pre?" natatawang tanong ni Dane na kagagaling lang sa duty. "Naawa kaya nga nagyayaya ako dahil tuyo na." "G*go 'to!" sagot ni Josh kaya nagtawanan sila. "Kumusta na, girl?" tanong naman ni Zuri. "I'm okay now. So please stop worrying, simpleng surgery lang 'to." "Hay paano ba naman kami hindi mag-aalala sa'yo, kung nakita mo lang ang itsura mo kahapon," sabi naman ni Chloe. Napangiti si Kira. "Sana pinicturan mo ako," natatawang sagot niya. "Baka kung ikaw ang nasa katayuan ko maiisip mo talaga mag-picture," sagot ni Chloe. "Guys, gusto n'yo game night ulit sa bahay? Since we'll

