"PARANG may kulang," komento ni Kira habang pinapanood nila ang draft copy ng ads na gawa ng team ni Chloe. "Iyon din ang nasa isip ko. I just can't pinpoint what's lacking?" sagot nito. Muli niyang ni-replay ang video. "Try to enhance the color, baka sakaling maging okay siya. But wait, let's ask for OM's opinion. I'll send this to him, pupunta rin naman ako sa kanya dahil kailangan ko ng signature n'ya." "Okay, thanks bossy," nakangiting sagot ni Chloe pagkatapos ay bumalik na sa work station nito. Kinuha niya ang phone at sinilid iyon sa bulsa pagkatapos ay ang mga folders na kailangan papirmahan. "Busy si Sir?" tanong ni Kira sa sekretarya nito. "May kausap po sa phone," sagot niya. Bago buksan ang pinto ay kumatok muna siya ng tatlong beses. Pagpasok niya sa opisina ay nadatnan

