"NAKAKAPANIBAGO, usually kumpleto tayo kapag lumalabas ngayon apat lang tayong available," puna ni Chloe. "I asked everyone kanina, pero busy sila, si Kian lang ang nag-oo," sagot naman ni Josh. "Hay, adulting sucks. Kung puwede lang maging college student na lang eh," buntong-hininga ni Kira. "By the way, how's your work?" tanong sa kanila ni Josh. "Ayos naman, medyo madami agad akong ginawa kanina. Good thing, I didn't need to go through adjustment period. Parang noong trainee lang kami," sagot naman ni Chloe. "Yeah, pero nakakapagod," sagot din ni Kira. Hinawakan siya sa kamay ni Kian. "Tambak ba ang trabaho?" "Medyo, saka may personal task na in-assign sa akin 'yong manager namin." Marahan natawa si Chloe. "Ginawa siyang trainor ng anak na lalaki ng may-ari ng company. Kaya dob

