Synopsis
"Jakob..." halos nanginginig ang aking boses habang binabangit ko ang mga pangalan nila.
"Ali bilisan niyo na at kakain na." Sigaw ni kuya sa ibaba.
Nang magtama ang aming mga mata biglang may tumulong luha sa aking mga mata.
"Ali let me explain-" halos natataranta niyang sabi.
The man I've loved for so many years cheated on me with the person I never imagine who will betrayed me.
Pero hindi ko na kayang pakinggan pa ang kanyang mga sasabihin. Tumakbo ako pababa at dali-daling kinuha ang susi ng aking kotse.
"Ali, sandali." Narinig ko pang tinatawag niya ang pangalan ko.
"Jakob ano bang nangyayari?!" Galit na sabi ni kuya.
"Alisson, stop! Halika rito!" Mariing sigaw ni Dad, akmang hahawakan niya ako para pigilan pero iniwasan ko ito.
Tila nauulinganan ang aking tainga. Kahit alam kong may sinasabi sila sa akin pero sarado na ang aking isipan, walang rumerehistro na mga salita para aking pakinggan pa. Pinili kong huwag silang pakingan kaya dumiretso lang ako sa paglakad at mabilis na pinaandar ang aking sasakyan at unti-unting lumalabo ang aking paningin dahil sa luhang patuloy na tumutulo sa aking mata hanggang sa isang larawan ng isang tao ang bumungad sa aking harapan sobrang bilis ng mga pangyayari. Wala na akong maintindihan.
"Jaron!!!" Malakas na sigaw ni tita Geneiva.