Kabanata 1
K I M
"Fvck! Ethan, si Kim 'to!" malakas na sabi ko.
Pilit ko siyang tinutulak para makawala sa yakap niya pero sa sobrang higpit ng yakap niya sa akin ay hindi ko magawang kumawala. Ano ba naman kasi ang panama ko sa lakas ng isang ito? Ang liit ng katawan ko kumpara sa katawan niya.
"Lintek! Ethan si Kim nga sabi 'to!" mura ko nang hindi pa din siya bumitiw.
Sinubukan kong kumawag mula sa pagkakahawak niya sa akin pero wala pa ring nangyayari. Hindi ko manlang maluwagan ang pagkakayakap niya. Nagsasayang lang ako ng lakas dito kahit alam ko namang wala akong magagawa sa lakas niya. Hindi siya umiimik kaya naisip kong nakatulog na ulit siya.
Ano ba 'to! Paano ako makakaalis nito kung grabe kung makayakap ang isang 'to? Jusme! Bahala na nga. Hihintayin ko na lang sigurong humimbing ang tulog niya para makaalis na ako dito. Kaya lang kakahintay kong makatulog siya ng mahimbing ay ako naman itong biglang inantok. Nagising na lang ako kinabukasan, mag-isa na ako sa kama niya. Agad akong napabangon nang mapagtanto ang lahat. s**t!
Napasabunot ako sa sarili ko dahil sa kagagahan. Bakit naman ako natulog dito? Ano na lang ang iisipin ng Ethan na 'yon? Na ginusto kong matulog dito katabi siya? Jusme! Naiisip ko pa lang na yun ang iniisip niya ngayon ay sumasakit na ang ulo ko. May pagkahambog pa naman 'yong isang 'yon. Isipin pa no'n may pagnanasa ako sa kanya. Kahit meron naman talaga. Ano ba 'to! May pag-iwas pa akong nalalaman mapupunta din pala ako sa ganitong sitwasyon. Kung bakit ba naman kasi nakita ko pa siya kagabi. Umiiwas na nga ako para makalimutan ko na siya tapos ganito pa ang mangyayari. Pagtatagpuin kami ng biglaan? Paano ko siya haharapin nito? Napapikit na lang ako ng mariin sa inis.
Wala na rin naman akong nagawa sa huli kundi ang lumabas na sa kwarto niya. Hindi naman ako pwedeng habang buhay nang nandoon at syempre bago ako lumabas tinignan ko muna ang itsura ko sa salamin. Mahirap na baka mamaya may muta pala ako o baka may panis na laway sa bibig. Nakakahiya naman. Aasarin pa ako ng lalaking 'yon kapag nagkataon. Trip pa naman akong bwisitin ng isang 'yon. Ayos lang, trip ko din naman siyang bwisitin.
Nang lumabas ako sa kwarto niya ay agad ko siyang hinanap. Wala siya sa tanggapan kaya naisipan kong magtungo sa kusina. Nang makita siyang nagtitimpla ng kape doon ay nagtuloy-tuloy na ako papasok sa kusina. Agad siyang napalingon sa akin nang may nagtatakang mga tingin. Napairap ako sa kawalan. Paniguradong kung ano-ano nang iniisip ng isang 'to ngayon. Bahala siya riyan. Isipin niya kung anong gusto niyang isipin. Wala na akong pakialam pa.
Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. Nagtaas lang ako ng kilay.
"I don't remember what happened last night. Did we..." pinutol niya sa ere ang sinasabi.
Napangisi ako nang mapagtanto kung ano dapat ang sasabihin niya na hindi niya magawang ituloy. Iniisip niya na may nangyari sa aming dalawa. Napailing ako habang natatawa. Paano na lang kaya kung may ibang nakakita sa kanya kagabi? Baka napagsamantalahan na ito. Sa gwapo at tikas ba naman ng pangangatawan ng isang ito ay imposibleng walang magnanasa dito. Buti na nga lang napigilan ko ang sarili ko kagabi.
"What, Ethan? Anong sinasabi mo?" Lumakas pa lalo ang tawa ko nang dumilim ang tingin niya sa akin. Galit na 'yan. Ang bilis lang mapikon ng isang 'to kapag ako ang nanunukso. Kapag ibang tao naman hindi siya ganito kapikon.
"Tinatanong mo ba kung may nangyari sa atin kagabi. Kung nag-s*x ba tayo kagabi?" may panunuksong sabi ko na dinidiinan ang bawat salita.
"No, Ethan. Pasensiya na, hindi ako pumapatol sa unggoy."
Humalakhak ako ng malakas nang makita ang reaksiyon niyang tila naiilang sa pinag-uusapan namin. Duh! Kahit sino naman siguro maiilang dahil hindi naman talaga kami close nitong si Ethan para gawin namin ang bagay na iyon. Saka lagi kaming nagbabangayan tapos may mangyayari sa aming dalawa? Ang awkward, di ba? Natatawa lang talaga ako sa reaksiyon niya ngayon.
"Then why are you here?" nagtataka niyang sabi. Matalim na ang tingin niya sa akin.
"Ako lang naman po ang pinakaminalas na nilalang kagabi na nakakita sa iyong lasing na lasing. Muntik pa nga kitang masagasaan dahil paharang-harang ka sa daanan. Ethan, 'yong totoo? May balak ka na bang magpakamatay?" Umirap ako at napailing.
"Kung meron sabihin mo lang ako at ako na ang tutumba sa'yo." Hindi siya sumagot at ipinagpatuloy ang paghahalo sa isang tasa ng kape. Ay, snob!
"Di mo pa din ba siya nakakalimutan? Isang taon na din ang lumipas ah? Wala kang balak mag-move on?"
Binigyan niya ako ng nakakapasong tingin bago muling itinuon sa ibang bagay ang atensyon. Ayos, ah! Ayaw akong pansinin? Pagkatapos ko siyang alagaan kagabi? Hmp! Ayoko na talaga sa'yo!
"Why are you still here?" takang tanong niya nang muling bumaling sa akin. Hindi niya manlang pinansin yung tanong ko.
"Ask yourself, drunkard!" Ngumuso ako at sinamaan din siya ng tingin.
"Magtatanong ba ako sa'yo kung naaalala ko ang mga nangyari kagabi?" suplado niyang sinabi. Inirapan ko siya bago sinagot ang tanong niya.
"Napagkamalan mo lang naman akong 'yong ex mo kaya hindi mo ako pinakawalan kagabi." Tumaas ang kilay ko nang makita ang pagsimangot niya dahil sa sinabi ko.
"Lasing nga talaga ako kung napagkamalan kitang siya," aniya bago sumimsim sa tasa ng kapeng hawak niya.
"And what do you mean by that? Are you insulting me?"
Nagkibit balikat siya.
"Wala akong sinasabing ganyan pero kung 'yan ang naiisip mo, wala akong magagawa."
"Eh, ano palang ibig mong sabihin doon?"
Hindi siya sumagot kaya mas lalo akong naasar. Bwisit na 'to! Bakit pakiramdam ko iniinsulto niya ako sa sinabi niyang 'yon kahit wala naman talaga siyang sinabing pang-iinsulto sa akin.
"Kung sabagay. Magkaibang magkaiba naman kasi talaga kami ni Kristine. Hindi naman kasi ako baliw na basta na lang nakikipaghiwalay ng wala namang dahilan," pairap kong sabi.
Muling sumama ang tingin sa akin ni Ethan kaya sinamaan ko din siya ng tingin. Gusto niya pala ng away bakit hindi niya agad sinabi? Hindi ko siya aatrasan sa ganyan.
"Hindi baliw si Kristine," mariin niyang sinabi. Ngumisi ako.
"Eh ano? Tinoyo lang siya kaya biglang nakipaghiwalay sa'yo, ganoon ba? Ang tagal mawala ng toyo niya, ah? Hindi ka pa din binabalikan?"
Mas lalong sumama ang tingin sa akin ni Ethan. Biglang kumulo ang dugo ko.
"Hanggang ngayon ba naman Ethan hindi ka pa din nakaka-move on sa babaeng iyon? Mag-iisang taon na din mula nang maghiwalay kayo hanggang ngayon ganito ka pa din. Akala mo di ko nababalitaan ang mga kagaguhang pinaggagawa mo sa buhay mo? God! Para namang may magagawa 'yang pagmumukmok mo riyan. Gumising ka nga. Nauntog ka ba? Hindi ka naman ganyan," nakapamaywang kong sabi.
Kunot noong tinignan niya ako.
"As if you care about my messy life. 'Wag na tayong maglokohan dito, Kim."
Mas lalong nahalata ang galit sa kanyang mukha.
"Don't act as if you care about me, gayong alam nating pareho na ayaw na ayaw mo sa akin."
Puwes pasensiya ka dahil nagkakamali ka diyan! May pake ako sa buhay mo kahit hindi mo kailangan ng pakialam ko at lalong hindi ko ayaw sa iyo. Nandito ba ako ngayon kung talagang ayaw ko nga sa'yo?
Ngumisi lamang ako sa kanya at humalukipkip. Hindi na nakipagtalo pa. Bakit ko naman kasi ipagpipilitan na patunayan pa sa kanya na may pake ako sa buhay niya? Ang weird lang ng dating kung ipagpipilitan kong may pakialam ako sa kanya dahil palagi kaming magkaaway na dalawa. Baka isipin niya pa baliw ako kasi palagi ko siyang sinusungitan tapos may tinatago naman pala akong care sa kanya.
"Okay," malamig na sabi ko.
"Aalis na ako kunt ganoon," paalam ko dahil ayokong pagtalunan pa naman ang bagay na ito. Baka mamaya bigla akong may masabing pagsisihan ko sa huli. Mahirap na. Kailangan kong umiwas sa taong ito. Kailangan ko na talagang maka-move on!
"Have some breakfast first before you leave," aniya, naglapag siya ng plato sa dining table.
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niyang iyon.
"Really? Baka lasunin mo lang ako," ngumisi ako na parang nang-aasar kahit sa totoo lang ay natutuwa ako dahil inalok niya akong kumain. Kahit papaano ay may konting hiya pa rin pala siya sa katawan. Good to know.
Naupo ako sa upuang naroon habang hinahain niya sa harapan ko ang mga pagkaing mayroon siya sa ref. Napairap na lang ako. Seriously? Hindi manlang ba niya iiinitin ang mga iyon bago ipakain sa akin? Tumayo ako at nagtungo sa microwave upang initin ang mga pagkaing galing pa sa refrigerator. Pinanuod lamang niya ako habang ginagawa ko iyon. Nang malagay ko na ang mga pagkain sa microwave ay binalingan ko siya at sinamaan ng tingin. Lasing pa ba ito at talagang gusto niyang ipakain sa akin ang mga 'yon nang malamig?
"Iniwan ka lang ni Kristine parang 'di na nag-function ng maayos 'yang utak mo. Seriously? Ipapakain mo sa akin 'yon ng gano'n?"
Tinignan niya lang ako ng masama. Inirapan ko siya bago lumapit sa pwesto niya.
"O, bakit? Galit ka? Galit ka kasi narinig mo nanaman 'yong mahiwagang pangalan ng ex mo?" Umirap ako.
"Gano'n ba siya kagaling sa kama para hindi mo makalimutan?"
Mas lalong tumalim ang tingin sa akin ni Ethan. Para namang matatakot niya ako sa mga ganyan niya. Duh!
"Tingin ko kailangan mo lang ulit tumikim ng iba para makalimutan mo siya," nakangising sabi ko, may bahid ng panunukso sa tono ko.
"Is that an invitation, Ms. Hernandez?" tumaas ang kabilang sulok ng kanyang mga labi. Tinignan ko siya ng masama bago muling lumayo sa kanya.
"Funny," tanging nasabi ko bago ko muling binalikan ang mga pagkaing nilagay ko sa microwave. Kinuha ko iyon at muling inilapag sa lamesa. Hindi naman na nagsalita si Ethan at naupo na lang sa upuang naroon.
"Talagang kinakain mo 'yon ng gano'n?" hindi makapaniwalang tanong ko habang nilalantakan na niya ang mga pagkaing ininit ko. Parang wala lang na tumango siya bilang sagot.
"Seriously? Hindi ka ba marunong mag-init manlang? Nawalan ka lang ng girlfriend hindi na rin yata gumana 'yang utak mo. Wake up! Hindi pwedeng habang buhay kang ganyan."
Bumuntong hininga siya bago ako tamad na binalingan.
"Hindi mo ba kayang itikom 'yang bibig mo kahit sandali lang para naman makakain ako ng mapayapa dito?"
Umirap ako. This jerk! Ako na nga itong nagmamalasakit sa kanya, siya pa itong ganyan. Ang kapal talaga kahit kailan. Minsan hindi ko talaga alam kung ano bang nagustuhan ko sa bwisit na 'to, eh. Bukod sa gwapo siya at ang hot niya wala na akong makitang iba pang rason. Nakakapikon kaya siya palagi.
"Kaya walang tumatagal sa'yo dahil sa ingay ng bunganga mo," iritadong sabi niya na lalong nagpainis sa akin. Siraulo 'to ah! Inaamin ko wala talagang nagtatagal na relasyon sa akin pero may dahilan 'yon. Ang mga lalaki kasi sa panahon ngayon s*x lang ang habol at kapag hindi mo 'yon nabigay iiwanan ka na lang nila bigla. Kahit gaano ka pa kaganda. Kahit maging Ms. Universe ka pa diyan wala silang pakialam kung hindi ka naman nila magagalaw. Napakagago lang. Hindi ba nila kayang magtiis hanggang sa tuluyang mabuo 'yong tiwala sa kanila ng mga babae? Kailangan pagkasagot s*x agad? That's bullshit. Talagang hindi ako magtatagal sa ganoong klaseng relasyon.
"Kung makapagsalita ka kala mo naman tumagal sa'yo si Kristine, iniwan ka rin naman."
Muli niya akong binigyan ng matalim na tingin.
"Nagtagal kami."
"Tumagal pero iniwan ka pa din, di ba?"
Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. Hindi ako nagpatinag at tinignan din siya ng masama. Siya lang ba ang may karapatang mamersonal dito? Nauna kaya siyang mamersonal tapos ngayong mapipikon siya. Tuwing nababanggit yung pangalan ng ex niya palagi siyang ganito. Napakapikon.
"Parang gusto kong pagsisihan na ninaya pa kitang mag-almusal."
Napangisi ako.
"Eh di mabuti. Magsisi ka d'yan," humalkhak ako bago sinumalan na ring kainin ang pagkaing nasa harapan ko.
"Ano bang problema mo at parang trip na trip mong sirain ang araw ko?"
"Sinira mo kasi yung lakad ko kagabi! Bwisit ka!"
"O, ayan ka nanaman. May panibago ka nanamang issue sa akin. Hindi ka na ba matatapos diyan sa mga reklamo mo sa buhay?"
Tinapunan ko siya ng masamang tingin.
"Hindi ko mapigilan. Naaasar ako kapag nakikita ko 'yang pagmumukha mo. Parang ang sarap mong bigwasan."
Mahina siyang tumawa. Natigilan ako nang makita siyang tumawa. Parang ngayon ko na lang siya ulit nakitang ngumiti ng ganito mula nang maghiwalay silang dalawa ni Kristine. Ang sarap niyang pagmasdan kapag ganitong nakangiti siya at tumatawa. Literal na para siyang anghel na bumaba sa lupa mula sa langit. Nagiging maamo ang kanyang mukha kapag nakangiti siya ng ganito. Parang gusto kong maglabas ng camera para makuhanan siya ng picture. Ang gwapo niya kasi nakakainis.
Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatitig lang sa kanya. Natauhan lang ako nang biglang tumunog ang doorbell. Agad akong napatayo sa kinauupuan ko para magtungo sa front door. Tinignan ko agad sa screen kung sino ang tao sa labas at nang makitang si Walcott iyon ay agad akong nag-panic. What the hell is he doing here? Bakit naman ngayon pa talaga naisipang pumunta ng Walcott na 'yan dito? Wala ba siyang pinagkakaabalahan sa buhay at nandito siya?
Nagpabalik-balik ako sa sobrang pagkataranta. Hindi ko alam kung saan ako magtatago o dapat pa ba akong magtago. Baka naman kasi kung anong isipin ng lalaking yun kapag nakita niya ako rito sa condo ni Ethan. Ang dumi pa naman ng isip ng isang 'yon. Pare-pareho silang magkakaibigan.
"Sino 'yon?" tanong ni Ethan na kalalabas lang ng kusina.
"Si Zachary. Itago mo 'ko dali!" mahinang sambit ko na sobra pa ding natataranta. Kunot noong tinignan lang ako ni Ethan. Parang hindi manlang siya kinakabahan na makita ako ni Walcott dito sa condo niya.
"Bakit kailangan mong magtago?" takang tanong ni Ethan.
"Basta! Itago mo na lang ako. Baka kung ano pang isipin ng gagong yun kapag nakita ako dito."
"Wala naman tayong ginagawa—"
"Kahit na! Itago mo na ako bilis!"
Sunod sunod na tumunog ang doorbell. Halatang inip na inip na si Zachary sa labas kakahintay na pagbuksan siya ni Ethan. Hindi ko na hinintay pa na itago ako ni Ethan kusa na akong pumasok sa kwarto niya at nag-lock doon. Bahala siya diyan!