bc

Wanted For Pleasure

book_age18+
1.9K
FOLLOW
10.9K
READ
opposites attract
playboy
badboy
drama
sweet
bxg
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Warning: Mature Content

Kim was only sixteen when she fell in love with this guy, but she had no courage to tell him about this.

After graduating from college, Kim focused on her career as a designer and tried to distance herself a bit from their circle of friends so that she could forget her feelings for him.

When Ethan broke up with his girlfriend, Kim got a chance to get close to the guy.

Realizing that they have much in common, the two became friends.

But things got complicated when they both decided to add s*x to their platonic friendship.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula "Where the hell are you?" pambungad ni Jade nang sagutin ko ang tawag niya. Nagkayayaan kasi kami ng mga kasamahan ko na lumbas ngayong gabi para mag-inom at para na din mag-aliw. Nauna lang sila sa bar dahil umuwi pa ako para maligo at makapag-ayos ng konti. Syempre kailangan ‘yon. Ayoko ngang pumunta doon ng walang ligo o kahit ayos manlang. Paano kung may humarot sa akin doon tapos amoy galing sa trabaho pa ako? No, nope! Hindi ako makakapayag na mangyari ‘yon. "I'm almost there, Jade," may kalakasang sabi ko para lang marinig niya ako dahil masyadong maingay sa background niya. "Okay, bilisan mo! Ingat!" sigaw niya rin pabalik sa akin bago pinatay ang tawag. Iniliko ko ang sasakyan ko sa parking area ng bar nang biglang may humarang sa daanan ko. Mabuti na lang at mabilis akong nakapagpreno kung hindi ay paniguradong nasagasaan ko na ang kung sinuman 'tong tangang bigla na lang humarang sa daan. Magpapakamatay ba 'tong bwisit na lalaking 'to? Idadamay pa ako. Gigil na bumaba ako ng sasakyan para harapin ang pesteng lalaki na nakuha pa talagang huminto sa gitna. May balak nga yatang magpakamatay ang gunggong na ito. Idadamay pa nga talaga ako sa katangahan niya. Kung sawa na siya sa buhay niya huwag siyang mandamay ng iba, bwisit siya! Ang daming may sakit diyan na pilit na lumalaban para mabuhay tapos itong isang ‘to gustong sayangin ang buhay niya, may balak pang mandamay ng iba. Handa ko na sanang sigawan at bulyawan ang lalaki kung hindi ko lang ito kaagad na nakilala. Salubong ang kilay na tinignan ko siya ng maigi, sinisiguradong hindi lang ako namamalikmata. Anong ginagawa ng lalaking 'to dito? "Ethan?" hindi makapaniwalang sambit ko. Bumaling sa akin ang tila lasing na lasing nang si Ethan. Agad siyang ngumiti pagkakita sa akin. Pasuray-suray siyang naglakad palapit sa pwesto ko. Nanatili lang ako sa kinatatayuan ko habang titig na titig sa kanyang unti-unting lumalapit. Napaawang ang bibig ko nang bigla na lamang niya akong yakapin ng mahigpit. “What the—” Aatakihin yata ako sa puso sa sobrang gulat sa ginawa niya. Dumoble ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang higpit pa ng yakap niya kaya parang hindi tuloy ako makahinga ng maayos. Fvck! "E-Ethan..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nautal pa nga. Diyos ko po, ito nanaman tayo. I nibbled on my bottom lip. Ilayo niyo po ako sa tukso! "I knew it! I know you'll come back to me. Alam kong hindi mo 'ko matitiis..." At sa isang iglap parang biglang kinurot ang puso ko pagkatapos niyang sabihin iyon. Ramdam ko ang pinaghalong tuwa at pait sa boses niya. Tuwa dahil inaakala niyang bumalik na sa kanya ang babaeng pinakamamahal, at pait naman dahil sa sobrang pagkasabik niya sa taong 'yon. Hindi ko mapigilang masaktan dahil alam kong nagkakamali lang siya. Hindi ako ang babaeng iniisip niyang ako. Hindi para sa akin ang mga salitang binitiwan niya kundi para sa babaeng nang-iwan at nanakit sa kanya. Kahit kailan hindi ko naisip na ganito ang magiging epekto ng babaeng ‘yon kay Ethan. Siguro nga minahal niya iyon ng sobra para magkaganito siya. Peste! Ang swerteng babae. Ilang beses ko nang naririnig sa mga kaibigan namin na palagi raw naglalasing at naghahamon ng away itong si Ethan sa bawat club na mapasukan nito. Hindi ko na lang iyon masiyadong iniisip dahil ayoko nang magkaroon pa ng kaugnayan sa kanya. Jesus! I want to move on! Tanggap ko nang hindi niya ako magugustuhan kahit kailan, at ayos lang ‘yon. Ganoon talaga, eh. Hindi lahat ng bagay makukuha natin. That’s unfair. But now that he's here again, in front of me, napagtanto kong hindi pa rin pala nagbabago ang nararamdam ko sa kanya. Walang progress sa pagmo-move on na sinasabi ko dahil hanggang ngayon ang laki pa rin ng epekto niya sa akin. Hindi iyon nagbago kahit konti manlang. Halos ilang lingo rin akong tumanggi sa mga yaya ng mga kaibigan namin na mag-hangout para lang maiwasan ko siya pero ngayon na nakita ko nanaman siya wala pa rin pa lang nagbago. May pag-iwas-iwas pa akong nalalaman wala naman palang epekto. Halos magtampo pa sa akin ang mga kaibigan namin dahil kada mag-aaya sila ay palagi akong tumatanggi. Kung sabagay, paano ba naman kasi ako makaka-move on kung hindi naman naging kami. Nasa iisang circle of friends lang kasi kami kaya hindi talaga maiwasang magkita kami kapag nagkakaayaan ang buong barkada. Iyon ang dahilan kung bakit hindi na ako madalas sumama sa mga gala ng barkada. Ayokong matali ako dito sa nararamdaman ko para sa kanya. Alam ko naman na mula pa noon ay hindi na talaga kami pupwedeng dalawa dahil sa aming barkada kami ang palaging hindi nagkakasundo. Lagi kaming nagtatalo sa lahat ng bagay kaya nga nasanay na lang ang mga kaibigan namin na lagi kaming nagbabangayan tuwing nagkikita-kita kami. Hindi ko din kasi alam kung paano ko siya pakikisamahan ng maayos. Ayokong malaman niya na gusto ko siya kaya dinadaan ko na lang sa pagtataray at pagsusungit ang pakikitungo ko sa kanya. Para na din hindi rin makahalata ang iba pa naming mga kaibigan. Ilang taon ko din itong inilihim sa sarili ko. Sa totoo lang madami na akong naging boyfriend pero hanggang ngayon siya pa rin talaga ang gusto ng puso ko. Ang corny pero iyon talaga ang totoo. Matagal ko na siyang crush. Bago pa kami gumraduate ng highschool ay batid ko nang may nararamdaman akong paghanga sa kanya. Ayoko lang aminin sa sarili ko kaya pinangatawanan ko ang pagpapanggap kong inis ako sa kanya. Kahit na sa totoo lang palihim ko siyang minamahal. Stupid! "Ethan you're drunk," mahinahon kong sinabi, taliwas sa madalas na pasigaw kong pagsasalita tuwing siya na ang kausap ko. "Don't leave me again, please?" aniya sa paos na tinig habang nakayakap pa din sa akin ng mahigpit. Mabuti na lang talaga at wala pang dumadaang sasakyan kung hindi nakaabala na kami. "Ethan lasing ka na, iuuwi na kita sa condo mo," sabi ko ulit sa mahinahong paraan. "No!" matigas na sabi niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap sa akin. Habang hinihigpitan niya ang yakap niya sa akin ay pakiramdam ko mas lalo ring naninikip ang dibdib ko. "Ethan, please. Lasing ka na." "Promise me first that you won't leave me again.” Bakas ang pinaghalong sakit at pagod sa kanyang boses. Dahan-dahan akong tumango kahit na alam kong hindi naman para sa akin ang mga salitang iyon. "I promise," mapait kong sinabi. Ang hirap palang sumagot lalo na't alam mong hindi naman talaga para sa'yo ang tanong na iyon. "Let's go," sabi ko nang tuluyan na rin niya akong bitiwan. Inalalayan ko siya papasok sa sasakyan ko bago ako umikot papunta sa driver's seat at muling paandarin ang sasakyan ko paalis sa lugar na iyon. Ite-text ko na lang siguro mamaya ang mga katrabaho ko na hindi na ako makakarating dahil nagkaroon ng emergency. Habang tinatahak ang daan papunta sa condo ni Ethan ay nakatulog na siya sa tabi ko. Napabuntong hininga ako. At least hindi ko na kailangangang magpanggap na ibang tao dahil nakatulog naman na siya. Nang maging pula ang traffic light, agad kong kinalas ang seatbelt ko para humarap sa kanya at haplosin ang kanyang mahabang buhok na tumatabing sa kanyang mukha. Ang haba na kasi ng buhok niya. Mula nang iwan siya ng babaeng yun ay hindi na ulit siya nagpagupit. May mga bigote na din siya dahil madalang na yata siyang mag shave ngayon. Medyo maitim na rin ang ilalim ng kanyang mga mata na para bang kulang na kulang siya sa tulog. Ang laki ng pinagbago ng itsura niya ngayon. Ang dating maaliwalas na mukha ni Ethan ay biglang nagbago. Parang pinabayaan na niya ng tuluyan ang sarili niya pero kahit ganoon ay ang gwapo niya pa rin sa paningin ko. Ayoko kasi ng mabigoteng lalaki pero bakit parang bumagay iyon sa kanya? Ganon ba ako ka-in love sa kanya, na kahit anong maging itsura niya ay ayos lang sa akin? Gwapong-gwapo pa din ako? Nang makarating kami sa building ng condo niya ay nagpatulong ako sa guard na iakyat siya sa unit niya. Mabuti na lang at nasa bulsa niya lang ang susi ng condo niya at hindi na ako nahirapan pang hanapin iyon. Nagpatulong lang ulit ako sa guard na ipasok siya hanggang sa kama niya nang maihiga na siya doon ay pinaalis ko na din naman ang guard at sinarado ko ang pinto. Pumasok akong muli sa kwarto niya at naghagilap ng damit na pantulog sa kanyang closet. Nang makakuha ako ng short at sando ay nagtungo naman ako sa banyo para kumuha ng pwede kong ipamunas sa katawan niya. Amoy alak at sigarilyo kasi siya. Medyo pahirapan sa pagtatanggal ng suot niya pero nagawa ko pa rin namang alisin ang suot niyang pang-itaas at pati na rin ang kanyang suot na pantalon. Nakaboxer na lang siya ngayon at hindi ko mapigilang mamangha sa ganda ng katawan niya. Hollyshit! He is strikingly handsome and well built like a freaking greek god. Wala akong maisip na maipanglait sa ganda ng hubog ng katawan niya tapos sobrang gwapo niya pa din kahit hindi siya mag-ayos ng ilang buwan. Ang sarap— "Jusko! Ano ba itong mga iniisip ko? Para ko naman siyang pinagsasamantalahan nito." Bago pa ako maglaway ng husto sa alindog ng nilalang na ito ay ginawa ko na ang mga dapat ko talagang gawin. Pinunasan ko ang katawan niya medyo nagtagal nga lang ako sa pagpupunas sa abs niya dahil medyo napasarap ang haplos ko sa parteng iyon. Ang sarap naman kasi ng mga pandesal nito. Konti na lang maglalabas na talaga ako ng kape para kompleto na. Jusme! Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Nakakahiya talaga kapag nalaman niyang nagkakaganito ako sa kanya. Paniguradong aasarin ako ng husto ng damuhong ito. Lalaki masiyado ang ulo niya. Kaya nga wala talaga akong balak na magtapat sa kanya. Babaunin ko talaga hanggang sa hukay itong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa ako nasisiraan ng ulo para magtapat sa kanya ano! Ang awkward kaya nun. Lagi ko siyang inaaway tapos magtatapat ako na may gusto ako sa kanya. No freaking way! Nang sa wakas ay matapos rin ako sa pagpupunas ng katawan niya ay sinubukan ko na siyang suotan ng damit. Medyo nahirapan pa akong huminto sa pagpupunas ng katawan niya dahil medyo nag-enjoy akong gawin yun. Jusme! Para na talaga akong expert manyakis dito. Eh, paano ba naman kasi ang sarap ng bwisit na 'to. Hindi ko na lang talaga alam kung bakit iniiwan pa 'to. Like what the freak? Ano pa bang kulang sa isang Ethan Francisco? Nasa kanya na ang lahat, girl! Bobo na lang ang hindi makokontento sa lalaking ito tulad na lang ng ex niya na iniwan siya. Napapailing na pinagmasdan ko ang mukha niya na mahimbing na natutulog. Napabuntong hininga ako. "Bakit ba ang gwapo mo kahit madalas nakakabwisit ka?" Halos mapasigaw ako sa gulat nang bigla na lang niyang imulat ang mga mata niya. Ngumiti siya at mabilis akong hinila pahiga sa tabi niya. Binalot niya ako ng yakap habang ang ulo niya ay inihilig niya sa dibdib ko. Hindi ko na tuloy napigilang mapamura ng malakas. Fvck!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook