Kabanata 33 K I M “Talaga lang, ah. Baka naman pagbalik natin ng Manila may nabuo na din kayong feelings sa isat-isa,” may naglalarong ngiti sa kanyang mga labi. “O kaya naman baka bata na ang mabuo niyo, ah!” tumatawang dagdag niya pa. “Hindi nakakatawa.” Umirap ako. “D’yan kaya kami nagsimula ng asawa ko.” Bumuntong hininga ako. “At proud ka pa talagang gaga ka, ano? Eh, kung noon mo ‘yan sinabi sa akin, eh di, nakatikim ka talaga ng sabunot sa akin.” “Kaya nga hindi ko sinabi,” nanunuyang sabi niya. “Kailangan mo ba ng pills, ate? Mayroon akong dala, baka lang kailangan mo.” “Tumigil ka na nga,” naiiling kong sabi. Tinignan ko siya ng masama. “Bakit? Wala namang masama sa ginagawa niyo, ah? Pareho naman kayong single.” “Tumigil ka na sabi at baka may makarinig na sa’yo d’yan

