1: Blood Moon
Habang pinagmamasdan ang bilog na buwan na unti unting mamula ay isa isa kong inaalala ang mga nakaraan kasama ang aking magulang.
Ako si Celeste Philomena, ipinanganak sa araw kung kailan nakita ng visible ang 13th Constellation sa kalangitan. Ang araw na kailan man hindi makakalimutan ng lahat. Pero sa isang iglap nagbago ang normal na pamumuhay ko nang mamatay ang mga magulang ko. Ang huling habilin nila ay magtungo sa Isle Chimera bago magkaroon ng blood moon.
Ang isang maliit na isla na hindi mararating ng normal na tao at ang tanging paraan lang ay ang red stone o ruby na nagsisilbing inbitasyon. Makakarating ka sa isang iglap kung mahahawakan mo ito.
"Nagsisimula na!"
"Pagmasdan niyo yun sa hilagang bahagi, unti unting lumilitaw ang isang tarangkahan!"
Halos mamangha ang mga taong hindi lalayo sa edad ko. Kung bibilangin ay higit isang daan kaming naghihintay sa pagbukas ng lagusan. Bawat isa ay may ruby gem, karamihan ay nakalagay sa alahas katulad ng sakin. Malamang naging heirloom ng pamilya nila ang gemstone.
Habang pinagmamasdan ang malaking buwan ay lalong bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko kasi alam kung anong mundo ang sasalubong sakin sa likod ng higanteng tarangkahan.
Nang tuluyan ng lumitaw ang tarangkahan ay napatakip kaming lahat ng tainga dahil sa malakas na tunog galing sa pagpitik ng kamay bg orasan.
"A-Anong nangyari?" pagtataka ko ganun din ang iba. Nang ilibot ko ang aking paningin ay huminto ang paggalaw ng pagligid, maging ang mga alon at puno.
"Tumigil ba ang oras?" tanong ng isa sa mga kasamahan ko.
Ang pagkataka namin ay naglaho dahil sa naririnig na yapak ng mga nilalang na palabas mula sa tarangkahan.
"Tingnan niyo!" sigaw ng isa habang nakaturo sa tarangkahan.
Parang nakita ko na sila mula sa libro ng aking ama. "Ang 12 Celestial Archmage," bigkas ko kaya nagtinginan sila lahat sakin.
"Maligayang Pagdating sa Cosmic Empire," bigkas ng isa sa 12 Celestial Archmage, nakawhite cloak sila kaya mahirap makita ang mukha nila.
Pagbigkas niya sa nasabing emperyo ay biglang nagliwanag ng napakalakas mula sa tarangkahan na halos hindi na namin magawang dumilat.
"A-Ang silaw!" daing ko lalo na dahil malabo ang mata ko at wala akong salamin na dala.
"Nandito na tayo, maari ka ng dumilat." Halos ikatalon ng kaluluwa ko nang makarinig ako ng boses na halatang ako ang kinakausap. Kasing puti ng papel ang kutis niya pero hindi ko makita ang mukha niya dahil sa white cloak.
"T-Teka, white cloak?" taka ko at nanlaki ang mata ko at lumayo sa kaniya.
"Pasensya na!" sigaw ko ng malakas at halos mapapikit. Ayon kasi sa librong nabasa ko ay mga ginagalang tao sila sa lugar na ito na mas mataas pa sa emperor.
"Mukhang hindi ka normal kumpara sa iba. Ikaw lang kasi ang nakakilala samin," saad niya ng masaya. Hindi ko alam kung advantage ko ba yun o interrogation ito.
"M-May libro po kasi ang aking ama tungkol sa mundong ito. Akala ko fairytale book lang," sagot ko pa kaya lalong ikinatawa niya.
"Pagmasdan mo ang paligid mo at itanong mo ulit sa iyong sarili kong panaginip lang ba ito o totoo, mortal."
Hindi kapanipaniwala ang lugar na ito. Puno ng makukulay na tanawin at mga nilalang na sa libro ko lang makikita o mga myths.
"Makinig kayong lahat, malayo pa ang lugar na patutungohan natin ngunit kailangan ng agarang pagkilos. Ako si Aqua, ang ikalawa sa labing dalawang Archmage. Nais ko sanang gumawa kayo ng grupo na nahahati sa lima," malumanay na utos ng nasabing Aqua. Hanggang ngayon ay hindi parin nila pinapakita ang mukha nila.
Medyo nahuhuli na ata ako dahil karamihan ay may grupo na. Teka, magkakakilala na ba silang lahat? Kung ganoon ako nalang ang walang kakilala? Hyst! Anong maaasahan sa introvert na tulad ko.
"Miss! Dito ka nalang!" Kaway sakin ng nakaponytail at medyo singkit ang mata. Hindi na ako nagpaligoy ligoy at pumunta sa gawi niya.
"By the way, Im Kiesha Belleville, nice to meet you." Naglahad siya ng kamay kaya inabot ko.
"Celeste Philomena," tugon ko.
Nang sumakto ang bilang ay inangat kami ng malahiganteng tubig na hinulmang bilog. May hangin sa loob kaya nakakahinga kami.
"Wow! Ang astig! Ang kwento ng lola ko may mahika raw sa lugar na ito. Ang tanging lugar kung saan nage-exist ang magic, ang Celestial Realm! Syempre ang Cosmic Empire lang ang natanggap ng mortal bilang mga studyante. Ang may mga kakayanan maging mage ay dito na maninirahan at ang mga hindi pinalad ay pababalikin!" sagot pa ng isang lalaki sa amin. Medyo masiyahin siya kaya hindi nakakahiyang magtanong.
"Mukhang marami kang alam sa kanila, nagtagal ba rito ang lola mo?" tanong ni Kiesha at tumango ang lalaki.
"Ang problema ay pinatalsik siya dahil sa isang kasalanan," sagot niya bago nanlumo.
"Oo nga, bawat blood moon ay may dumadagdag at bumabawas rin. Pinapatalsik ang mga may mabigat na kasalanan," paliwanag ni Kiesha.
"Ganoon na nga," sagot ng lalaki bago bumuntong hininga. "Alam niyo ba kung ano tawag ng mga taga rito sa katulad natin? Descendants of Failure, ninuno natin ang mga pinatalsik na mage at kung napapatalsik tayo ulit ay ipapasa natin ang ruby stone sa angkan nating matatapatan ng Blood Moon phenomena," dagdag niyang paliwanag.
"Kung ganon, paano tayo hindi mapapatalsik? May idea ba kayo?" tanong ko at walang nakasagot sa aming tatlo. May maya pa ay may nagsalita mula sa tahimik na dalawang kasama namin. Ang cool niyang babae at medyo fierce ang itsura pero maganda.
"Pagnagbago ang kulay ng buhok niyo. Mas light ang color, mas maganda," sagot ng babae at tinuro ang mga Celestial Archmage.
"Alam niyo kung bakit nakataklob sila at ayaw magpakita? Dahil yun sa nagbabago ang itsura narin sakaling tumagal tayo sa environment nila, kadama na ang buhok pati ang mata. Nakadepende yun sa hawak na magic sa katawan ng isang too," paliwanag niya na ikinamangha namin at the same time kinatakit din. What if maging halimaw ako?
Kasalukuyan kaming naglalakbay gamit ang mga higanteng bula na gawa ni Aqua hanggang sa makarating kami sa kakaibang lugar na matatawag ko sigurong kapitolyo nila.
"Ang ganda..."