CHAPTER 2: Book Signing.
Written By: BlackRavenInk16
"RIO, may booksigning daw si Enrique mamaya sa mall! Punta tayo dali!"
Hindi pa man nakakaupo si Marie ay excited na sinabi na agad nito sa kanya ang magandang balita.
"Really? Sasama kami!" sabat naman ng isang kaklase nila na nakarinig.
"Kami rin! Kami rin!" sabi pa ng iba pa nilang kaklase.
Nagsilapitan ang mga ito sa silya nila ni Marie. Lahat sila roon, mga fans ni Enrique.
"Pagkakataon na natin itong makita siya ng libre! Grabe, hindi ako makapaniwala, wala tayong gagastusing concert ticket, bibili lang tayo ng books!" kinikilig na sabi niya.
Sa sobrang hirap kasi nila, kahit sobrang idol niya si Enrique, kahit kailan hindi pa niya ito nakikita in person. Wala kasi siyang pambili ng concert ticket kaya hanggang nood na lang siya sa tv o internet ng mga tv series nito. O kaya naman sa sine.
Dating hollywood child actor si Enrique na no'ng nagmigrate sa Pilipinas para makasama raw ang pamilya nito, dito na ito gumawa ng career. Diretso na rin naman itong magtagalog dahil sa ilang taon na rin naman na pananatili nito sa Pilipinas kaya mas minamahal ito ng mga pinoy.
Kahit sikat na ang mga kpops ngayon, kaya pa ring makipagsabayan sa fame ng mga iyon si Enrique kahit nasa local showbiz na ito ngayon. Lahat ng ginagawa nito, nagtetrending at lahat ng concerts nito, sold out at sobrang taas din ng rating ng mga palabas nito.
Nasa Hollywood pa lang noon si Enrique ay sobrang idol na niya ito. Lalo na noong dito na ito nag-artista. Pangarap lang niya na makita ito at matutupad na iyon ngayon dahil sa booksigning nito.
"Grabe, ngayon lang mangyayari na magkakaroon siya ng event ng hindi ginto ang bayad, ano? Kailangan talaga samantalahin na natin ito!" sabi ng isa nilang kaklase.
"Oo nga! Can't afford ng mga estudyante pa lang na katulad natin ang mga concert ticket niya!"
"Pero booksigning? Siya ba ang nagsulat ng libro na iyon? Nagawa pa niyang gumawa ng libro kahit busy siya?" nagtatakang tanong ng isa pa nilang kaklase.
"Gaga! You call yourself a fan? Hindi siya ang nagsulat no'n, pero libro iyon ng mga bagay tungkol sa kanya! Like mga hobbies niya, etc. Hindi ka ba bumili?"
"Hindi, e. Naubusan kasi ako ng kopya sa National Bookstore."
"Lagot ka, hindi raw makakapasok sa event ang walang book."
"May ibebenta naman siguro sa event."
"Good luck na lang kung makahabol ka pa ng kopya. Siguradong mahaba ang pila roon. Mauuna kaming pumasok!" pananakot pa ni Marie.
"Hala, paano 'yan?" Nalungkot na sabi ng kaklase niya.
Binuksan niya ang bag at inabot ang book ni Enrique dito.
"Ito, may isa pa akong extra copy. Hindi ko sana bubuksan 'yan at itatabi ko lang for collection dahil iyong isang book ang babasahin ko pero dahil kailangan mo, ibibigay ko na lang sa 'yo," nakangiting sabi niya.
Masayang-masaya naman na inabot ng kaklase niya ang book.
"Rio, you're an angel! Ang ganda mo na, ang bait mo pa! Salamat talaga!" Bigla siyang niyakap ng kaklase niya at nakangiting yumakap din naman siya pabalik dito.
"You're welcome. Pare-parehas tayong fan ni Enrique kaya dapat magtulungan tayo para sa idol natin," sabi naman niya.
Iyon lang at pumasok na ang teacher nila para sa unang subject sa classroom.
Lutang ang isip niya habang nagtuturo ito sa klase dahil ang isip niya, na kay Enrique. Naeexcite na siyang makita ito!
SAMANTALA...
"What the f*ck? Booksigning? I didn't even wrote that s*lly book and you want me to attend a f*cking booksigning? Baliw ka ba?!"
Hindi makapaniwala si Enrique sa narinig niyang sinabi ng manager niya para sa next schedule niya.
Booksigning daw sa isang mall kung saan sigurado siya na dadagsain siya ng maraming tao.
"And why not? Mapapabuti nito ang image mo at para mawala na rin ang issue tungkol sa 'yo na snob ka sa mga fans mo! Sa tagal na ng showbiz career mo, kahit ni minsan, hindi ka pa nagkaroon ng mga signing. Kahit picture taking lang sa mga fans hindi mo ginagawa. Artista at singer ka at part ng trabaho mo ang makipagsocialize sa mga tao!" sabi naman ng manager niya.
Hindi na siya nakapagsalita dahil totoo naman ang sinabi nito. Ang public event lang na ginagawa niya ay mga concerts. Kahit may mga pinopromote siyang brands, kahit kailan, hindi siya pumapayag sa mga meet and greet.
Totoo na ayaw niyang makipagsocialize sa mga tao lalong-lalo na sa mga mahihirap but he loves acting and singing kaya siya nasa entertainment world.
Iyon din ang palaging napapansin sa kanya ng mga critics at paparazzi kaya ang tingin ng mga tao sa kanya ayon sa tsismis, matapobre daw siya at snob. Totoo rin naman iyon pero syempre, kailangan nilang itago.
"Fine, I agree but only within 30 minutes. Hindi na ako lalagpas pa roon," sabi na lang niya.
Kahit saglit lang ang pagpayag niya ay napangiti na rin ang manager niyang si Vhince. Minsan naaawa na siya rito dahil sa tuwing may kinasasangkutan siyang g**o o eskandalo ay ito ang palaging naglilinis niyon.
He's already rich without even joining showbizness. Pinanganak siya na may gintong kutsara na sa bibig lalo pa at ang ama at ina niya, parehas na galing din sa mayayamang angkan. But he loves acting and singing at dahil hindi naman tutol ang parents niya sa ginagawa niya, kahit sa paningin ng iba ay mababang trabaho ang pagiging artista ay hinahayaan na lang siya ng mga ito. Buhay naman daw niya iyon.
Pagkatapos ng shooting niya para sa isang pelikula ay pumunta na nga sila sa isang mall at dumiretso sa isang malaking branch ng National Bookstore.
Agad na nagsitilian ang mga taong mukhang kanina pa naroon ng umupo siya sa isang table para mag-umpisa nang magsign ng mga books.
Mahigpit naman ang mga security. Maraming bodyguards ang nakapaligid sa kanya. Nakamask din siya at mahigpit niyang binilin sa organizer na walang physical contact or picture taking. He's there just to sign books at magbigay ng pekeng ngiti sa mga tao.
Karamihan ng mga pumupunta sa harapan niya para magpasign ng books ay mga estudyante na halatang pinipigil lang na hindi tumili sa harap niya. May mga matitigas ang ulo na nagtatangka pa rin na magpapicture sa kanya pero mabilis namang magrespond ang mga organizer at nilalayo agad ang mga iyon bago pa tuluyang makalapit sa kanya.
Tumunog na ang cellphone niya na ang ibig sabihin ay tapos na ang 30 minutes. Nilagay na niya ang takip ng ballpen pabalik na ang ibig sabihin, tapos na ang oras niya roon kahit marami pa ang nakapila.
"It's finally my turn, please let him sign my book po, please? Kanina pa po akong nakapila, e!"
Narinig niyang nagreklamo ang babaeng turn na dapat nito para isign niya ang book nito.
Naiiritang kumunot ang noo niya. Hindi ba ito nakakaintindi sa mechanics ng booksigning? Maliwanag naman na ang nakalagay doon, 30 minutes lang siyang magsa-sign. Bukod doon, nananakit na ang kamay niya kakapirma!
He doesn't care if she is his fan, she's irritating!
"Sige na po, saglit lang!" makulit pa rin na sabi ng babae na tila nagpupumilit pa rin na lumapit sa kanya kahit nilalayo na ito ng mga organizer.
"Hindi ka ba nakakaintindi ng 30 minutes lang--"
Natigilan siya dahil nang mag-angat siya ng ulo ay napatingin siya sa mukha ng babaeng iyon.
Sa isang iglap, parang huminto ang oras, naglaho ang mga tao sa paligid at ito at siya lang ang natira. At ang t***k ng puso niya, kumakalabog ng malakas. Hindi magawang maalis ng mga mata niya sa magandang mukha ng babaeng mukhang malungkot dahil hindi makalapit sa kanya.
That girl looks cute and innocent and she really have a pretty face.
She have long straight brown hair. May bilugan at brown na mga mata at mahabang pilik mata. Perpekto rin ang korte ng kilay nito at mukha itong mabait tingnan na parang palaging nakangiti. May matangos din itong ilong at manipis at mapulang labi na parang nakapout. Kaya naman para siyang nauuhaw at gusto niyang halikan ang mga labing iyon.
She's not that tall pero may maipagmamalaki ang dibdib nito at ang tiyan nito, parang walang kinakain. Sexy ito at seductive sa paningin niya kahit mukha itong inosenteng tingnan.
Pero para sa kanya na sanay nang makakita ng magaganda, kung tutuusin, parang normal na maganda na lang dapat ito sa paningin niya but for some reason, he feel a really strong attraction towards her.
Or is it really just an attraction? Bakit pakiramdam niya, parang ayaw niya nang pakawalan ang babae? Pakiramdam niya, gusto niya itong yakapin at halikan. What the hell is happening to him?!
And he hates seeing other men grabbing her wrist!
"Stop touching her! Release her!" Sa gulat niya at ng lahat ay bigla na lang siyang napasigaw doon.
Agad namang tumalima ang security guard na naroon at binitawan nga ang babae na pinipigilan nitong lumapit sa kanya
Bigla siyang natauhan nang mapanganga ang lahat dahil sa pagsigaw niya kaya tumikhim siya at pilit na nagpakalma.
"Sorry, I mean, just let her come near me. Huli na siya. Let her pass," sabi niya.
Ngumiti naman ang cute na babae na tila mas lalo lang nagpalakas ng t***k ng puso niya! Mas maganda ito kapag nakangiti dahil nagningning ang mga mata nito.
"Thank you po, Sir Enrique! Alam n'yo po ba na sobrang idol ko po kayo? Lahat po ng palabas at kanta ninyo, pinapakinggan ko po! Grabe ang galing-galing n'yo pong umarte! Bagay na bagay po kayo ni Ma'am Rica! Kayo na po ba sa totoong buhay?"
Ang daming sinasabi ng cute na babae pero parang walang nagrerehistro sa isip niya. Nanginginig pa ang kamay niya habang nagsasign siya ng book nito. Sa tingin nga niya, baka pamulahan pa siya ng mukha kapag nagtama ang tingin nila. Kahit boses na lang nito sobrang sarap na sa tenga niya.
First time lang nangyari ang ganito sa kanya. Ano'ng mayroon ang babaeng ito at ganito ang nararamdaman niya? Is this love at first sight? She looks young at naka school uniform pa ito. Is he a ped*phile?
God! Kahit kailan, hindi sumagi sa isip niya na ganoon nga siya!
"What is your name?" tanong niya sa babae.
"Rio po," agad na sagot nito.
Rio. Kahit pangalan nito parang ang ganda-ganda sa pandinig niya.
"Thanks for supporting me. I already signed your books," sabi niya na inabot ang libro nito at nagtama pa ang mga kamay nila.
Parang bigla siyang nakaramdam ng kuryente sa saglit lang na pagdampi ng kamay nila.
"Thank you po! Hindi po ako magsasawang suportahan kayo! Sobrang idol ko po kayo!" nakangiting sabi pa nito na parang walang kamalay-malay na kakaiba na siya kung kumilos sa harapan nito.
Akmang tatalikod na sana ito pero tinawag niya ito.
"Wait!" sabi niya.
Humarap naman ito ulit kaya nagtama uli ang mga tingin nila. Napalunok siya nang masilayan ulit ang magandang mukha nito.
"Bakit po?" nagtatakang tanong nito.
Paano ba niya sasabihin dito na ayaw pa niya itong umalis at gusto pa niya itong makasama?
Bigla niyang naisipan na kunin ang cellphone niya.
"Let's take a selfie!" sabi niya.
Nanlaki ang mga mata ng manager niya, mga organizers, security guards at mga fans niya nang siya pa mismo ang lumapit at umakbay kay Rio para makipagselfie dito.
Parang hindi na tuloy alam ng mga tao kung sino ang fan sa kanilang dalawa. Ang lakas ng t***k ng puso niya nang mapalapit lang siya ng kaunti kay Rio.
Ngumiti sa camera si Rio at nagsimula na siyang magtake ng photos. Nakailang kuha pa siya bago siya magsawa.
Tumikhim na si Vhince nang mapansin nito tila wala pa siyang planong tigilan ang pagpapapicture kay Rio.
Bigla siyang natauhan. Nasa harap pa nga pala sila ng maraming tao.
"Thank you po ulit, Sir Enrique!"
Iyon lang at umalis na si Rio sa crowd. Akmang susunod pa siya rito pero hinawakan na siya ng manager niya.
"What's happening to you?" halos pabulong na tanong nito.
Umiling siya.
"I don't know..." sabi na lang niya dahil parang nawawala talaga siya sa sarili.
Iyon lang at umalis na sila roon sa mall.
Sa sasakyan, agad niyang tiningnan ang mga pictures nila ni Rio at zinoom pa ang mukha nito roon na nakangiti.
Agad na namang tumibok ng malakas ang puso niya. He thinks he's in love. Pero bakit sa isang estrangherong babae pa?
Ang tanga niya! Hindi nga pala niya nakuha ang number nito at kahit ang last name man lang nito!
Paano niya kayang makikita ulit si Rio?