CHAPTER 3: De Luca's Slaves In Every Generation.

1089 Words
CHAPTER 3: De Luca's Slaves In Every Generation. Written By: BlackRavenInk16 "GRABE, 'Ma, 'Pa, super saya ko po talaga kanina. Nakita ko na si Enrique sa personal! Grabe, sobrang gwapo niya po pala talaga! At hindi lang siya gwapo, sobrang bait niya pa po! Alam n'yo po ba na kahit tapos na ang 30 minutes kanina, pinayagan niya pa rin akong makalapit? Sobrang disappointed nga po ang mga kaklase ko kasi gusto rin nilang makapagpapirma kay Enrique pero hindi na sila umabot sa pila. Pinagbigyan na lang nga po ako, nakakahiya naman daw kung pati raw sila, mangungulit din kay Enrique," tuloy-tuloy lang magsalita si Rio habang ang mga magulang nitong sina Susan at Rodel, napapangiti lang. Energetic talaga ang anak nilang si Rio. Bagay na hindi nila alam kung kanino nito namana dahil silang dalawang mag-asawa, parehas naman na tahimik at mga seryoso sa buhay. Pero iyon mismo ang gusto nila kay Rio. Napapasaya nito ang buhay nila dahil masayahin ito, inosente at mabait na bata. Tingnan pa lang nila itong nakangiti, nawawala na ang pagod nila sa maghapong pagtatrabaho. Magkakasama silang tatlo sa maliit nilang lamesa at kumakain ng simple nilang ulam na itlog na pula na may kamatis at kanin. "Sobra ang paghanga mo riyan sa lalaking 'yan, ha. Baka mamaya mabuntis ka ng maaga," sabi pa ni Rodel. "Papa naman, joker. As if naman magkakagusto sa akin iyon. Syempre, pipili iyon ng mga sosyal, magaganda at mayayamang babae," sabi naman ni Rio na nakanguso. "Bakit, maganda ka rin naman, ah?" natatawang sabi ni Rodel. "Ganda lang po. Walang kasosyalan at kayamanan!" Lalo lang tuloy silang natawang mag-asawa dahil sa sinabi nito. Kahit inosente si Rio, realistic ito kung mag-isip. Alam nito na dahil mahirap lang sila, ni tapunan ng tingin, hindi gagawin sa kanila ng mayayaman. "Idol ko lang po si Enrique. Para po sa akin, nandoon siya sa langit na dapat tinitingala lang. Kalabisan naman kung mag-ambisyon pa ako na maabot pa," sabi pa nito saka sumubo sa kinakain nito. Nagkatinginan silang mag-asawa. Paano kaya kapag nalaman ni Rio na sa mga de Luca sila mismo nagtatrabaho? Masasabi pa rin kaya nitong imposibleng maabot ang pangarap nito kung araw-araw nitong makikita ang Enrique na iyon? Every generation ng pamilya ni Susan ay nagtatrabaho para sa mga de Luca. It can be any job as long as makapagbibigay sila ng serbisyo sa mga de Luca at kung qualified sila sa trabaho na iyon. Ang ina ni Susan, dati ring katulong sa mansyon ng mga de Luca. Dahil hindi naman siya nakapagtapos ng pag-aaral ay siya ang pumalit dito. Kaya kung hindi magkakaroon ng magandang trabaho si Rio sa hinaharap ay baka ito rin ang pumalit sa kanya. Pero syempre, umaasa sila na kay Rio na magtatapos ang paninilbihan nila sa pamilyang iyon kaya hindi nila sinasabi rito na sa mga de Luca sila nagtatrabaho. Kaya ginagawa nila ang lahat para makapag-aral ito sa isang private school. Kahit scholar naman ito roon, hindi naman kasali ang mga miscellaneous fee at allowance nito kaya ginagapang pa rin talaga nila ang pag-aaral nito. Isa pa, masyadong obsess si Rio sa paborito nitong artista na si Enrique. Punong-puno ng mukha ng lalaking iyon ang kwarto ni Rio. Baka lalo lang itong mabaliw kapag nalaman nito na may pag-asa itong makita ng libre ang idol nito kapag bumisita sa trabaho nila. Kaya mas maigi na rin na wala itong alam. Isa pa, ayaw nilang madisappoint si Rio kay Enrique. Sa totoo lang kasi, may pagkamatapobre ang buong pamilya ng mga de Luca. Mababa at abo lang ang tingin ng mga ito sa mga mahihirap. Hindi naman nakapagtataka iyon dahil buong angkan ng mga ito, mayayaman na talaga simula't-sapul pa lang. Lalo na si Enrique na walang pakialam kahit mas matanda sila rito. Ilang beses na rin siyang napagalitan nito kapag hindi niya nasusunod agad ang gusto nito. Madalas kasi, busy siya sa kusina kaya hindi niya naririnig kapag tumatawag ito. Ang image na pinapakita nito sa public bilang artista ay ibang-iba sa image na nakikita nila rito kapag nasa mansyon ito. Palautos ito, palaging nakasigaw at madalas, pinagtatawanan silang mga katulong. Bastos na bata. Sigurado na kapag nalaman ni Rio kung paano silang tratuhin ni Enrique ay maglalaho ang pagkakagusto nito sa lalaking iyon. "Sige po, 'Ma, 'Pa, akyat na po ako, ah? May exam po kasi ako bukas, mag-aaral pa po ako! Bye po!" Humalik sa pisngi nila ang anak. Napakalambing talaga nito at magalang. Kahit kailan, hindi sila nito nasagot at hindi ito katulad ng ibang teenager na pasaway at nagrerebelde most of the time. Pagkatapos no'n ay umakyat na ito sa kwarto nito para mag-aral. Kahit naman mahirap lang sila, nakapagpa-second floor naman sila ng bahay. Gawa nga lang sa kahoy. "Nag-aalala na ako riyan sa anak mo, masyado ng obsess kay Enrique," sabi ni Rodel. "Hayaan mo na. Inspirasyon niya lang naman at hindi naman bumababa ang grades niya." "Hindi ko gusto ang lalaking iyon para sa anak natin, masyadong mayabang." "Huwag kang mag-alala dahil wala naman talagang mangyayaring gano'n. Kahit maganda si Rio, marami ring magagandang babae ang nakapaligid sa kanya. Isa pa, ano ba ang inaaalala mo? Ang laki-laki ng agwat ng edad nila," sabi niya sa asawa. "Kahit na. Naniniwala ako na kapag may ginusto si Rio, magkakagusto rin sa kanya. Ang ganda-ganda kaya ng anak natin. Hindi na ako magtataka kung mabaliw ang Enrique na iyon sa anak natin kapag nakita niya." Natawa na lang siya sa sinabi ni Rodel. Mahilig ito sa fairy tales kahit na lalaki ito. Feeling yata nito ay Cinderella si Rio. Malaki rin naman ang tiwala niya sa ganda ni Rio pero dahil siya mismo ang nakakasalamuha ni Enrique kapag nasa mansyon ito, kilala na niya ang mga taste na gusto nito. Hindi isang beses lang na marami siyang nakikitang kasama ni Enrique na iba't-ibang babae. Dinadala nito madalas sa mansyon dahil madalas na wala naman doon ang mga magulang nito. Wala nga siyang nakitang babaeng nakakaulit dito. Linggo-linggo, iba-iba ang kasama nito at may mga times pa na dalawa o tatlong babae ng sabay. Playboy si Enrique katulad ng ama nito na may anak sa tatlong magkakaibang babae. Hindi na bago ang polygamy sa pamilya ng mga ito kaya naman ang mga type ni Enrique, mga aggressive na babae. Malabong magustuhan nito ang anak niya na inosente at walang ka-alam-alam pagdating sa pakikipagrelasyon. Tama. Imposibleng magkaroon sila ng mas malalim pa na relasyon sa mga de Luca nang higit pa sa master-slave relationship. Safe si Rio.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD