Part 2

1648 Words
PUNONG-PUNO ang Pepper Corner. Sa kabila ng iba’t ibang activities na puwedeng gawin ng guests, lamang pa rin talaga ang mahilig sa pagkanta. Naumpisahang kumanta ng isang diner at nagkaroon na ng pila sa nagnanais kumanta sa entablado. Pabor naman iyon kay Missy. Napahinga siya. Iyon na nga lang, hindi rin niya maiwasan isipin ang lugar na iniwan niya. Hindi naman siya talaga taga-Maynila. Lumuwas lang siya para tumakas sa isang sitwasyon. At ganoon na rin sa isang taong alam niya na dapat niyang iwasan. Salamat kay Flint. Lagalag na musikero ang lalaki. Nakilala niya ito at narinig ang boses niya. Isinama siya sa grupo nito at heto nga, isa sa mga regular gigs nila ang pagkanta sa Belle’s Pepper Restaurant. Hindi lang din niya talaga maiwasang malungkot. Valentine’s Day. Walang nagbigay sa kanya ng bulaklak o kahit na maliit na piraso man lang ng tsokolate. Wala kahit anong sisimbolo sa romantikong araw na iyon. At hinding-hindi niya bibilangin ang panlilibre sa kanya ni Flint ng dirty mami at balut. Sa sarili lang niya aaminin na sa iisang tao lang naman siya naghihintay ng anumang bagay para sa partikular na araw na iyon. Pero alam niya imposibleng mangyari iyon. Tumakas nga siya at umiiwas dito. “Maganda siguro kung ikaw ang kakanta nito. Walang audience na gustong kumanta. Ikaw na uli,” lapit sa kanya ni Philip. Tiningnan niya ang piyesang hawak nito. Tumango siya at bumalik sa stage. “Wish, I could be the one, the one who could give you love...” Hinayon niya ng tingin ang audience. Ang iba ay abala pa rin sa ginagawa pero mas madami ang napatutok ng pansin sa kanya. Confident siya sa boses at stage presence niya. Sabi nga ni Phil, konting hintay lang at hindi malabong magkaroon siya ng break sa showbiz. Isang bagay na alam niyang hindi pa niya handang suungin pero alam niya, sa puso niya ay gusto din niyang subukan. Itinuloy niya ang pagkanta. “The kind of a love you really need, wish I could say to you...” Lalo niyang naramdaman ang connection niya sa audience sa pamamagitan ng kantang iyon. Nabasa niya sa ekspresyon ng nakakarami ang eksakto ring nararamdaman niya. Ibinigay niya ang buong emosyon sa pag-awit habang tila iniisa-isa ang nakikinig sa kanya. She could almost feel them, hurting like her. And then she saw him. Muntik na siyang mawala sa pagkanta niya. Was it really him? Nakatayo ito sa babaeng nakapula. Iyong mismong babae na kasama ni Belle kanina. He must be flirting with that lady. Lalong nadagdagan ang sakit na nararamdaman niya sa puso niya. “I know I’d only hurt you, I know I’d only make you cry...I’m not the one you’re needing... I love you, goodbye...” Umiwas siya ng tingin sa kinaroroonan nito. Pero parang may magneto na humila sa kanya pabalik. Theirs eyes met. And held. Muntik nang mabasag ang tinig niya sa huling linya ng kanta. She barely finished the song. Parang gumalas ang lalamunan niya. At muli ay naramdaman niya ang pamilyar na kirot sa puso niya. Yumuko siya upang ikubli ang luhang mabilis na gumapang sa pisngi niya. “Missy.” She almost faltered her step. Sa isang saglit ay nakalapit na ito sa kanya. Hindi siya nag-angat ng mukha. Pasimpleng pinahid niya ng daliri ang luhang bumasa sa pisngi niya. “Missy.” He called her name again. “Honey.” “Anong ginagawa mo dito?” walang emosyon na tugon niya. Blangko rin ang mukhang ibinigay niya dito. “I’ve been looking for you. Thank God, I found you now.” “Bakit?” “You should know why. Bumalik na tayo sa isla, Honey.” Tinangka nitong hawakan siya subalit mabilis siyang pumiksi. “Wala kang karapatang tawagin akong Honey. At hindi na rin ako babalik doon,” mahina subalit may diin niyang sabi. “Excuse me. May trabaho ako dito.” Nilagpasan niya ito at nagtungo na siya sa isang restricted area para hindi na siya masundan pa nito.  NAGTAGIS ang mga bagang ni Ico. Hindi siya sanay na basta-basta na lang siya tinatalikuran. Nagkakadarapa nga ang iba na makuha nag atensyon niya. But Missy was different. And because it was Missy, nagpasensya siya. Nagmasid siya sa paligid at nag-obserba. Hindi siya papayag na matapos ang gabing iyon na hindi niya ito naisasama pauwi. Nakita niya ang ibang guest na nagpapalista para kumanta din. Kumislap ang isang ideya sa utak niya. Lumapit siya sa naglilista. “Excuse me,” tawag niya ng pansin sa naglilista. He flashed her his charming smile. At base sa atensyong ibinigay sa kanya ng babae ay epektibo ang pagngiting ginawa niya dito. “Is it possible if I do a duet with your singer? Iyong kabababa lang sa stage? Si Missy?” Sunod-sunod itong tumango. “Puwede, sir. Anong kanta ang request ninyo? We will prepare it.” “What If We Fall In Love.” Sinabi niya kung sino ang singers nang tila iniisip pa ng babae kung anong kanta iyon. “I know, hindi siya kasing uso ng mga kinakanta ng kabataan ngayon.” “Okay, sir. Parang naririnig ko naman iyong kanta na iyan paminsan-minsan. Pang-anim kayo dito sa list.” “Baka naman puwedeng kami na ang susunod na kakanta?” hiling niya dito. “Sorry, sir. First come, first serve. Nasabihan ko na iyong ibang guest kung pang-ilan sila. Baka sila magreklamo.” “I see,” aniya bagaman dismayado. “Puwede bang huwag mong ipaalam kay Missy na ako ang ka-duet niya? Kung sakaling magtatanong siya, just say one of the guests. Please?” hirit niya. “I think that’s possible, sir.” “Thank you, miss---” “Pepper. Just call me Pepper.” “Nice name. Salamat, Pepper.” Tinitigan siya nito na tila nagpipigil tumikwas ang isang kilay. “I think you’ve got some flame with Missy. Am I correct or right?” Natawa siya. “I like your humor.” Lalo pa siyang tinitigan nito. “I think I’ve seen you somewhere. Artista ka ba? Lumalabas ka ba sa TV?” Hindi nabura ang ngiti sa mga labi niya. “Hindi ako artista, but yes, from time to time, lumalabas ako sa TV. Maybe you’ve seen in on the wall of your f******k, too. You know, the sponsored thing.” “Oh, siguro nga. I’m not really into f******k. Paminsan-minsan lang. What’s your name?” “Juanico Matthew Abella.” Nagkagatla ang noo nito. “You mean Ico Abella!” Napapitik ito sa hangin. “You cook, right?” “That’s what I do for a living.” “Now I know. Lifestyle channel?” “Yes. And some other cable channel, too.” Inilahad nito ang kamay at tumayo. “Pepper Vergara here. Nice to meet you.” Nagkamay sila. “My pleasure to meet you.” “Good luck sa pagkanta. Hope you win Missy!” May sinenyasan itong unipormadong staff. “Dito ka na. May aasikasuhin pa akong iba.” Nginitian pa siya nito bago niya natanaw na nilapitan naman ang babaeng binigyan niya ng pansin kanina. Sa kilos ni Pepper ay hindi ito basta empleyado lang doon. “Who is she?” tanong niya sa isang staff nang abutan siya nito ng hiningi niyang tubig. “Si Ma’am Pepper po o si Ma’am Portia?” “Portia iyong nakapula?” “Yes po, kaibigan nina Ma’am Pepper. Kina Ma’am Pepper po itong resto. ” “I see.” Nakuha na niya ngayon kung bakit tila iba ang dating nito. “Sige, salamat.” Naghanap siya ng mauupuan. He couldn’t wait. Anhin na lang niya ay sundan si Missy sa pinasukan nito kaninang back stage. Alam na alam niyang umiiwas ito. Nagtatago at umiiwas. But he had enough. Isinumpa niya sa sarili na hindi siya papayag na matapos ang gabing iyon na magkahiwalay sila ni Missy. “Excuse me, sir. Kayo na po ang susunod.” Iniabot sa kanya ng isang staff ang mikropono. He cleared his throat. It had been a while. At isa ang mga kantang iyon sa madalas nilang kantahin dati. At hindi na rin siya makapaghintay na muli nilang kantahin iyon. Buong kumpiyansya na umakyat siya sa stage. Ipinako niya ang tingin kung saan manggagaling si Missy. Pumailanlang ang intro. Minsan pa ay tumikhim siya. “You laid your feelings on the line, I never stood a chance...” The moment Missy climbed up on the stage, hindi na niya ito hiniwalayan ng tingin. Lalo na nang magsimula siyang kumanta. Tumapat sa bibig nito sa mikropono. At kinanta ang nakaukol na linya nito. “We found the perfect love this time, why let little doubt turn us inside out...” Parang may pumiga sa puso niya. Missy really had a golden voice. Parang humahagod ang timbre ng boses nito, hindi lang sa damdamin niya, kundi pati sa kaluluwa niya. “What if we fall in love, what if we can’t get out...” They sang together. Gusto niyang suyuin si Missy sa pamamagitan ng liriko. “If you ever find yourself confused, If you ever think of leaving me... Just remember how much I love you, Love is never worry free...” Hindi siya bumitiw ng tingin kay Missy. Kung hindi niya ito makukumbinse sa kanta, he was hoping, he could convince her with all the love in his eyes. Ano na nga ang sabi sa kanya ng babaeng kausap niya kanina na Portia pala ang pangalan? “I just want him to come back to me. We will just kiss and make up.” Sana nga ay ganoon lang din kadali kay Missy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD