Part 17

1194 Words

NAKATUTOK ang tingin ni Missy sa umaandar na TV sa waiting area ng ospital. Si Aling Bining ay nakatulog na sa pagkakaupo. Doon ito nag-aya sa halip na bumili sila ng pagkain dahil front lang naman daw iyon. Napansin niya agad ang papalapit na si Ico pero nagkunwa siyang nasa TV pa rin ang atensyon. Sa loob-loob niya ay parang di siya mapakali. She had to admit, guwapo nga talaga si Ico. Parang ngayon pa lang niya talaga nakikita dito ang dahilan kung bakit crush na crush ito ng kapatid niya. Pero siyempre, kailangan niyang magpigil ng nararamdaman niya. Palagi niyang ipinapaalala sa sarili na hindi siya dapat mag-ilusyon ng sobra. “Missy,” anito sa kanya nang ganap na makalapit. Iniunat niya ang likod. “Kumusta si Teddy?” “Sleeping soundly. Come with me.” “Saan?” “Diyan lang sa lab

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD