PAGBALIK nila sa isla ay kasama na din nila ang nurse na si Marie na talagang mag-aalalaga kay Uncle Teddy. Matabang ang pakikitungo nito sa nurse gayong sa tingin niya ay mukha naman itong mabait. Ayaw din niyang makipag-agawan ng trabaho dito sa pag-aalalaga sa amo kaya mas itinuon niya ang oras sa paggawa ng talagang gawain niya doon. “Hindi naman ako alagaing pasyente, Marie. Kung maiinip ka dito, magsabi ka lang para maipahatid kita sa Maynila,” kaswal na sabi ni Teddy habang inaasistihan ito ng nurse sa pag-inom ng gamot. “Itinataboy ninyo na ba ako, Teddy?” kagaya sa kanila ay first name din naman ang patawag ng amo dito. “Hindi naman dahil sa ayaw ko sa iyo. Huwag mong iisipin iyon. Hindi naman ako alagain. Mula’t mula pa, alam ko ang heart condition ko. Mabubuhay lang ako sa mi

