SING-LALIM siguro ng dagat sa Isla Morante ang buntong-hiningang pinakawalan ni Missy. Hindi nya kayang pigilin ang pagdaloy ng alaala. Mga alaala na kahit masakit sa kanyang isipin, kung bakit hindi rin naman niya magawang isantabi na lang. Ico was so good to her, so thoughtful... “ALL WORK and no play. Hindi tama iyan.” Lalanggamin sa tamis ang ngiting ipinukol ni Ico kay Missy nang puntahan siya nito sa library. Bahagya naman siyang nagulat sa biglang pagpasok nito. Nakalubog ang atensyon niya sa trabaho at hindi niya namalayang nakalapit na ito. “Hello, Ico,” bati niya dito. “Just like that?” hindi nabubura ang ngiti nito na lumapit sa kanya. “Ano ba ang ibig mong sabihin?” “Wala naman. Para kasing sobrang busy mo naman. Hindi ka na yata lumalabas dito.” “Trabaho ko n

