“Missy!” malakas na tawag sa kanya ni Tere. Nagtapis siya ng tuwalya bago ito pinagbuksan ng pinto. Tinaasan siya nito ng kilay nang makita ang suot niyang tank top at shorts, iyong mismong suot niya noong una silang mag-swimming ni Ico na magkasama. “Ay, ano ba iyan? Walang dating iyan! Ito ang isuot mo.” “Saan galing ito? Grabe, hindi ko ito kayang isuot!” aniya nang makita ang two-piece bikini na halos konti lang ang matatabingang parte sa katawan niya. “Kaya mong isuot iyan, kay Ico ka naman magpapa-charming, eh.” “Hindi pa ako nagsuot ng ganito.” Nililis ni Tere ang shorts niya. “Pantay naman pala kulay ng kuyukot mo, eh. Kaya mo iyang isuot. Dali na! Sige ka, baka mamaya, one day girlfriend ka lang ni Ico, mamaya nasungkit na ni Venizia iyon.” Nagpalit nga siya ng pampaligo. “Ba

