FIRST kiss! Iyon ba iyon? Hindi niya kayang ipaliwanag ang nararamdaman. Hindi rin niya alam kung saan ikukumpara. Pero buong sistema ni Missy ay tila nawalan ng pakialam sa buong paligid at tanging natuon sa paggalaw ng mga labi ni Ico sa kanya. “Kiss me back, honey.” Hindi niya alam kung paano. Sa edad niyang iyon, nakakahiya mang aminin ay wala siyang kaalam-alam sa ganoong bagay. Ibinuka niya ang mga labi upang sabihin kay Ico ang pag-aalangan niya subalit sa halip ay naging mapangahas ang halik nito. She was stunned. Sinakop nito ang mga labi niya sa paraang wala na siyang kawala. Nagsaliksik sa loob niyon na parang inaalam ang buong nararamdaman niya. And she felt helpless but to feel his warmth, that was slowly turning into heat. On instinct, she returned his kiss. Nahihiya ang

