"WHO ARE you, woman?" His almond-shaped eyes stared back at me with confusion. His forehead knotted at nagkasalubong ang kan-yang mga makapal na kilay. Nakita ko ang buong pagmumukha niya. Moreno siya. May mapupula siyang mga labi at matangos na ilong. Perpekto rin ang pagkakadepina ng kanyang panga. Pogi.
Napatingin ako sa batang babae na dala niya. Her doll eyes stared at me at tsaka kumurap-kurap. Doon ko napansin ang kanyang pilik-mata. Mahaba ito. Namumula ang kanyang mga pisngi and her skin is white as snow.
Napatingin ako sa lalaki no’ng tumikhim siya. "What are you doing here in my house?" tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang isasagot. His eyes roamed around my body. Bigla naman akong nailang. I took a step backward. Ano ang isasagot ko sa tanong niya?
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang iniisip kung ano ang isasagot ko. Kung sabihin ko na lang kaya ang totoo? Mas mabuti pa 'yon.
"Ano, uhm, pwede po bang, ano, makitira rito?" Iniwas ko ang aking tingin sa kanya. Ramdam ko ang pag-iinit ng aking mga pisngi at mariin akong napapikit. s**t! Nakakahiya 'to ha.
Muli kong binuksan ang aking mga mata. "T-Tumakas po kasi ako," pagpapatuloy ko. Yumuko ako at tiningnan ang aking mga paa. I didn't receive any answer from him, so I raised my head, only to find out that he was staring at me.
I smiled awkwardly at kinamot ang aking kanang kilay. "Uhm, kahit ano pong gusto niyong gawin ko, gagawin ko po. I. . . I just need a place to stay hanggang sa makahanap po ako ng matitirahan."
His eyebrow arched. "Really? How can I be so sure that your intentions are good?” I understand him. Hindi madaling magpatira ng estranghero sa pamamahay mo. Ang weird din tingnan na sa lahat ng bahay, bahay niya ang napili ko.
I showed him my identification card. Tiningnan niya naman iyon. I.D iyon kung saan ako nagtatrabaho. Nakita ko pa na bahagya siyang nagulat pero agad din iyong nawala. He gave me a glance and gave my card back to me. Kumunot ang kanyang noo habang nakatingin sa akin.
“Why are you really here?” tanong niya pa na para bang ayaw maniwala sa sinabi ko. Muntik na akong mapairap.
“I left our house, okay? And I don’t want to be found for now. Bahay mo ang nakita ko no’ng una. Your gate isn’t locked,” I explained. Matagal niya pa akong tiningnan bago tumango-tango. Parang nakumbinsi siya sa sinabi ko. I sighed in relief.
“I need a helper. Can you do household chores?” Helper? Why not?
"Opo basta po may matitirahan lang." Wala namang kaso sa akin iyon. Marunong naman ako sa mga gawaing-bahay.
Napatingin kami sa bata nang bigla itong pumalakpak. Tumalon-talon ito sa bisig ng lalaki na para bang tuwang-tuwa. I smiled. The baby is too cute. Humahalakhak pa ito kaya nakikita ko ang kanyang dalawang ngipin.
"What about babysitting my daughter?" Kaagad akong napabaling ng tingin sa kanya. I gasp. My eyes widened in surprise.
"Anak mo 'yan?" ‘di makapaniwala kong tanong. Seryoso? Para ngang isang taon lang ang tanda ng lalaking ito sa akin, eh. Jusko po. 27 pa ako. Tapos siya, parang 28, ama na. Feeling ko tuloy ang tanda-tanda ko na. Do I need to find a boyfriend right now? Kidding.
"Yes, why? Any problem?" tanong niya. Napailing ako. Nakakagulat lang naman talaga.
"Eh, nasaan po ba ang nanay ng bata?" Napansin ko ang pananahimik niya. Hindi siya sumagot. Bagkos, nakatitig lang siya sa akin na para bang nabigla sa tinanong ko. Bigla akong nahiya sa aking tinanong.
I looked at his left hand, but I saw no ring. The possibilities are running in my head. "Sorry po," wika ko. Tumango lang siya. "Okay lang po kung magbabantay ako sa bata. Marunong naman po ako kasi ako po nag-aalaga sa isang pinsan ko dati," pagpapatuloy ko pa. Nakita ko siyang tumango.
He walked towards me. Inilapit niya ang bata sa akin at nakangiti naman itong tiningnan ako. I can see her baby teeth. Napangiti ako sa aking nakita. Dalawa pa lang ang ngipin niya at nasa ibabang parte ito. Paniguradong magtu-turn na ito ng 8 months. The baby cooed. Aw, so cute. I wish my future daughter would be as cute as her.
Itinaas ng bata ang kanyang kamay na para bang magpapakarga sa akin kaya kinuha ko siya. Ibinigay naman siya sa akin ng lalaki. Niyakap ng bata ang aking leeg at isinubsob ang mukha niya roon. Tumingin ako sa lalaki. Nakangiti ito sa akin, showing his perfect set of white teeth. Wow naman. ‘Yong ngipin ko kaya, gan’yan ba kaputi? Bagay talaga itong mag-model, eh. Model sa toothpaste.
"She likes you," saad ng lalaki. Napangiti ako sa aking narinig at sinupor-tahan ang likod ng bata. Nakita ko pa na sumilay ang maliit na ngiti sa kanyang mga labi. Para akong nabunutan ng tinik.
"Ano pong pangalan niya?" tanong ko. Naramdaman ko ang paggalaw-galaw ng bata sa aking bisig.
"Kylie Augustine Velasquez. Call her Kylie."
"Li-li-li," the baby mimicked. We both laughed and the baby laughed, too.
"She always mimics the sounds she hears. 8 months na siya," pagk- kwento niya. "By the way, follow me. I'll lead you to your room." Nagulat ako sa kanyang sinabi.
"Payag ka po na rito ako titira pansamantala?" gulat na tanong ko. Tumango naman siya sa akin at nagsimula nang maglakad kaya nama’y sinundan ko siya. Yes naman! Safe na ako!
"Bantayan mo lang si Kylie. Minsan lang kasi ako magkakaroon ng time sa kanya. May trabaho kasi ako. And please, drop the po. 28 pa lang ako. Feeling ko tuloy ang tanda ko na." Napahalakhak siya pagkatapos no’n. I remember that I also said the same line to myself a while ago. I looked at him. I thought masungit siya. His appearance displays an aura of mystery. So tama nga ang hinala ko, 28 pa siya. Pero bakit hindi na lang siya kumuha ng babysitter? Hmm, wala sigurong time sa pag-iinterview o ‘di kaya'y tinatamad. Hehe.
"Ano bang trabaho mo?" tanong ko. Tumigil naman siya at tumingin sa akin tsaka ako kinindatan. Nahigit ko ang aking hininga.
"Secret," he playfully said pero biglang kumunot ang kanyang noo na para bang may mali sa mukha ko. "Did you just cry?" Napatigil ako dahil doon. Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi at tsaka yumuko.
"Halata ba?" nakayuko kong tanong sa kanya. Kinuha naman niya si Kylie mula sa akin.
"Fix yourself. May dala ka naman sigurong pera, ‘di ba? Mag-shopping ka. Tatakas ka tapos wala kang dalang damit?" pabirong sabi niya tsaka ngumiti. "Go on. Don’t worry. ‘Di kita pinapaalis. As much as I want to accompany you, hindi pwede kasi babantayan ko pa si Kylie. Wala ring magbabantay sa bahay.” I smiled and nod my head. Surely, sa oras na ‘to, safe na ako at walang makakakita sa akin. I’m good to go.
"Salamat. Teka, saan nga pala iyong banyo? Pwede ba makigamit?" Tumango siya sa akin at tinuro ang pinto na nasa harap namin.
"Dito ang kwarto mo. May banyo r’yan." Nagpasalamat naman ako sa kanya. "Nand’yan lang kami ni Kylie. Katabi namin ‘yong kwarto mo." Tumango ako sa kanya at ngumiti bago pumasok sa loob. Sumandal ako sa pinto at ipinikit ang aking mga mata. Paniguradong hinahanap na ako nila mama ngayon. Hindi ko alam kung bakit kailangan akong ipakasal sa isang taong hindi ko naman kilala. Hindi naman ako galit kila mama. Ramdam ko naman kasi na ayaw rin nila, eh, kahit alam kong kailangan.
Pumunta ako sa banyo at naghilamos. Hindi ko akalaing papayag siya. Kasi naman, sa itsura kong parang zombie, napaka-unexpected naman talaga.
Pagkatapos kong maghilamos, kinuha ko sa bag ang dala kong dedit card. Kahit papano'y hindi naman ako umaasa sa magulang ko. Sarili ko naman itong sikap. Nagtatrabaho ako bilang proofreader sa isang sikat na publishing company.
Sa ngayon, wala namang ibinigay sa akin. ‘Yong na-assign na ipo-proof read sa akin ay mga stories kasi ni Evenel, isang sikat na writer at talaga namang patok na patok ang kanyang mga stories. Pati nga ako gustong-gusto ang mga stories niya, eh, pero hindi ko pa nakikita ang kanyang mukha. Wala pang nakakakita. Base sa aknowledgments, parang babae ‘yong author. I find it too cringey if a male author uses a lot of emojis. And Evenel uses it a lot. Pero sa acknowledgments lang naman.
Lumabas ako ng kwarto at kinatok ang pinto no’ng lalaki. Hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam kung ano ang kanyang pangalan. Pagkatapos ng tatlong katok, bumukas naman ang pinto. Lumampas ang tingin ko sa kanya. Napatingin ako kay Kylie na nakaupo at seryosong nanonood ng T.V.
"Yes?" Binalik ko ang tingin sa lalaki. Ngumiti naman ako rito.
"Aalis na ako." Tumango ito at bumaling kay Kylie.
"Kylie, behave ha. Ihahatid ko lang si. . ." Kunot-noo siyang tumingin sa akin. Ginantihan ko siya ng ngiti.
"Anikka. Anikka Dela Cruz," sagot ko. Bilis niya namang makalimutan ang pangalan ko. Kakabigay ko lang sa kanya ng I.D ko kanina, ah!
". . . Ate Anikka sa baba," pagpapatuloy niya. Tumingin si Kylie sa aming direksyon.
"Baba?" tanong niya. Ang cute talaga! Tumango naman ang lalaki.
"Yes. Kaya behave ka." Pagkatapos no’n ay sinarado na ng lalaki ang pinto. Wala kaming imikan habang naglalakad pababa hanggang sa gate. Medyo naiilang pa rin ako sa kanya kasi nase-sense ko na may doubt pa rin siya, eh, but I’m thankful he agreed to let me stay.
"I guess you already know this place. Baka maligaw ka," sabi niya. Tumango lang ako sa kanya. Alam ko naman kung nasaan ako. Malapit lang ang lugar na 'to sa hospital kung saan ako naconfine dati.
Lumabas ako sa tarangkahan at sinarado niya naman ito.
"Take care," wika niya natuod ako sa aking kinatatayuan at tiningnan siya na naglakad pabalik sa loob ng bahay.
Did he just say ‘take care’?