Q

1019 Words
I RUN as fast as I can with dried tears on my face. Napapagod na ang aking mga binti sa kakatakbo. Ang aking mga mata ay namamaga na dahil sa aking pag-iyak kanina. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. The last time I checked, my life was okay. I have a happy family, a stable job, great friends, and a supportive family. Hell, wala pa akong nakarelasyon at wala pa sa plano ko ang makipagrelasyon kahit maraming nagpapalipad-hangin sa akin. Single pa ako. But today? I just received a piece of great news that made my simple life turn complicated. Great. Really great. Guess what? Ipapakasal ako ng mga magulang ko sa isang taong ‘di ko kilala. Naalala ko ang mga pangyayari kanina. Kumirot ang aking puso.                            Tumingin ako sa sarili kong repleksyon. Nakasuot ako ng bulaklaking damit. I'm as white as snow kaya napagdesisyunan kong maglagay ng liptint. Ayokong sumama. Natatakot ako. Parang may mali.         Bumaba ako pagkatapos kong mag-ayos. My mother said that we were going to meet someone. Seryoso siya habang sinasabi 'yon at hindi ko maiwasang hindi kabahan. What will happen? May mangyayari bang masama?                           I descended the stairs slowly, trying to avoid making any sound. Nakita kong nakaupo sila mama at papa sa sofa. May kausap sila sa telepono. Nagtago ako sa likod ng dingding no’ng makita kung gaano kaseryoso ang kanilang mga mukha. Ipinikit ko ang aking mata. I could feel my heart beating rapidly. It pounded against my rib cage. Nanlamig ang mga palad ko at ramdam ko ang pawis na namumuo sa aking noo.                            "Papunta na kami riyan." I heard my mom say to the other line. Nag-ipon ako ng hangin sa aking dibdib at unti-unti itong pinakawalan. "Hindi pa niya alam." I opened my eyes harshly. My forehead knotted because of what I heard. Ako ba ang pinag-uusapan nila?                        Kumapit ako sa railings at sinilip sila. Nakatalikod sila sa akin. Papa patted mama's back at ‘saka ito hinimas-himas na para bang pinapagaan ang loob ni mama. Tumingin si mama kay papa kaya nakaharap siya sa akin. May pag-aalala sa kanyang mga mata. Mabilis akong nagtago nang makita kong unti-unting tumingin si mama sa direksyon ko. Napahawak ako sa aking dibdib. Muntikan na 'yon!                    "Anong sasabihin natin kay Anikka?" Narinig kong tanong ni mama kay papa. What are they talking about? What about me? Unti-unting namuo ang luha sa gilid ng aking mga mata. May mali, ramdam ko. May mali. Ramdam ko ito kanina pa kaya nga nagdadalawang-isip ako kung sasama ba ako o hindi.                  Inayos ko ang aking damit kahit alam kong wala itong gusot. Mas lalong nanlamig ang aking mga palad at dumoble ang kaba sa dibdib ko. I could hear my heart beating loudly. Naninigas ang aking katawan. I cannot think properly.                              I choked back my tears and pinched myself to prevent myself from crying. "Maiintindihan niya rin kung bakit natin ito ginagawa. Para rin naman ito sa kanya." Ano bang gagawin nila sa akin? Who will be the person or people we are going to meet?                  "Ayoko siyang makulong sa isang kasal na walang pagmamahalan pero alam kong kailangan." Nanlaki ang aking mga mata sa narinig. I gasp. Kasal? Ako? Kumawala ang mga luha sa aking mata. Ang sakit. . . bakit ganito? Pakiramdam ko’y binebenta nila ako.                           Tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang aking hagulhol. Napaupo ako sa hagdan. My heart is aching as if it was torn into pieces. Their words were like arrows shooting my heart. Napahawak ako sa aking dibdib at dahan-dahang umakyat papunta sa aking kwarto.                            Kinuha ko ang aking cell phone at kinuha ang sim nito tsaka itinapon. I shoved my cellphone inside my sling bag. Pinunasan ko ang aking mga luha pero kahit anong punas ko, hindi pa rin sila tumitigil. Pinakawalan ko ang aking hagulhol at tumingin sa bintana ng aking kwarto. An idea entered my mind: tatakas ako.                   Dali-dali akong pumunta sa bintana at tiningnan ang baba. May trampoline. Sinadya ko itong ilagay sa baba ng bintana ko para makatakas ako tuwing gabi. Gustong-gusto ko kasi mamasyal sa park na malapit lang sa amin. I just love how the wind at night feels. Napakalamig. Napakapayapa. At tahimik ang mundo. Ang oras kung saan ako nakahanap ng kapayapaan kasama ang buwan.             Binuksan ko ang aking bintana. I pulled myself out of the window and balanced myself on the beam below my window. Sinarado ko muna nang dahan-dahan ang bintana para hindi sila maghinala at tumingin sa baba. Without thinking twice, I jumped.                  Nabalik ako sa aking katinuan nang may makita akong bahay. Katamtaman lang ang laki nito. Tantsa ko'y 100 square meters ang sakop nito. Tiningnan ko ang mataas na gate. It isn't locked. I grabbed the chance.                 Dali-dali akong pumasok sa loob. Bahala na kung anong iisipin ng nakatira sa bahay na ito sa akin. What matters most is that I have a place to stay. Pakapalan na 'to ng mukha.             Pumasok ako at napatigil ako sa aking nakita. Natuod ako sa aking kinatatayuan nang makita ang isang lalaki na nakatalikod sa akin. Mahina akong napasinghap. Maganda ang pangangatawan nito. Suot niya ay isang puting t-shirt at pajamas na checkered. May dala-dala siyang sanggol sa kanyang mga bisig. Isinayaw-sayaw niya ang bata kaya gumalaw ang braso niya. Natuon ang atensyon ko sa kanyang braso. Bakat na bakat ang kanyang biceps at triceps sa suot niyang t-shirt. I bit my lower lip.       Iniwas ko ang aking tingin sa kanyang braso at tiningnan ang kanyang kabuoan kasama ang bitbit niyang bata. Napangiti ako sa aking nasilayan. Panandaliang nakalimutan ko ang nangyari sa aking nakita. Ang ganda nilang tingnan! Baka pamangkin niya iyang bitbit niya.                         Ilang minuto pa akong nakatitig sa kanya bago niya naramdaman na may ibang presensya sa loob ng kanyang pamamahay. Hinanda ko ang aking sasabihin.                         Humarap siya sa akin at napasinghap ako. Parang umurong ang dila ko nang makita ang kanyang itsura. Suddenly, my mind went blank and words failed to come out. His black eyes widened in surprise upon seeing me, and his lips moved to speak.             "Who are you, woman?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD