EPISODE 8

1457 Words
LUCIFER Ibang iba ang lugar na pinuntahan namin kumpara sa lugar nila Madam. Mukhang yayamanin ang lugar na ito. Kasabay kong naglakad ang bago kong amo. Ang mga tauhan naman niya ay nasa likuran namin. Hindi ko maiwasang matakot sa hawak nilang mga baril. Pakiramdam ko ay sa akin nakatutok ang mga baril nila at isang pagkakamali ko lang ay tatama sa katawan ko. Bagay nila ang may hawak na armas dahil mukha silang mga sanggano. “Sumunod ka bata sa opisina ko,” utos sa akin ng lalaki. Tumango ako at sumunod papasok sa loob ng opisina niya. Pagkapasok sa loob ay hindi ko maiwasang humanga sa laki ng opisina. May malaking salaming bintana sa harapan. Nasa gitna ng silid ang malaking lamesa at ang upuang may kulay ginto at itim na kulay. May mga naka-display na mga painting sa pader na kulay abuhin. Sumenyas ang lalaki at tinuro ang uupuan ko. Mahabang sofa na kulay pula. Nahihiyang naupo ako. Gusto kong itanong kung saan dadalhin sila ate Eli, ngunit nahiya na ako. Baka magalit at magkaroon pa kami ng problema. Magtiwala na lang siguro ako na magiging maayos ang buhay namin dito. Nilibot ko ang tingin sa loob ng opisina ng lalaki. Napansin ko ang nakahilerang mga libro sa isang estante. Nanigarilyo ang lalaki. Halos mapuno ng usok ang silid dahil sa binubugang usok nito. Mahina akong naubo. Hindi ako sanay sa usok ng sigarilyo. Hindi naman kasi naninigarilyo si tatay kahit malakas uminom iyon. “Saan po dinala ang mga kasama ko?” Lakas loob kong tanong sa kanya. Hindi ako mapanatag kung nasaan sila. Matatahimik ako kapag nalaman kong nasa mabuti silang kalagayan. Tumigil sa paghitit ng sigarilyo ang lalaki at ibinaba ang kamay. Naningkit ang mga matang tumingin sa akin. “Huwag kang mag-alala nasa mabuti silang kamay. Halos pareho lang naman ang magiging trabaho nila rito. Mas may class lang kumpara sa una ninyong pinagtrabahuan. Ang mga kliyente nila ay matataas na mga tao. May isa akong salita basta magiging okay ang trabaho ninyo at hindi kayo magiging sakit ng ulo ko. Huwag mo rin kalimutan ang pinangako mo sa aking gagawin mo ang lahat ng iuutos ko sa iyo. Magiging maayos kayo rito.” Sa sinabi niyang iyon ay nabunutan ako ng tinik. Tumango ako. “Huwag po kayong mag-alala dahil may isa rin po akong salita. Nangako po ako sa inyo at gagawin ko po iyon.” Sagot ko. Napangisi ang lalaki sa pagpayag ko. Sumenyas ang lalaking lumapit ako sa kanya at umupo sa harapan ng table niya. Tumayo ako sa inuupuan kong sofa at lumipat sa upuang nasa harap ng lamesa nito. Napasulyap ako sa baril na nasa ibabaw ng kanyang lamesa. Bigla akong natakot. Ibinaling ko sa iba ang tingin. “Tawagin mo akong Master Tom. Babayaran kita ng malaking halaga kapag nagtrabaho ka sa bar ko bilang dancer.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Ako magsasayaw? Parang hindi ko yata kayang magsayaw. Sa loob-loob ko. “Master Tom, hindi po ako marunong sumayaw. Baka pwedeng maglinis nalang po ako sa club ninyo.” Pakiusap ko. Bakit naman naisip niyang maging dancer ako? Mukha ba akong marunong sumayaw? Naningkit ang mata ng lalaki. Mabilis na kinuha ang baril na nakapatong sa lamesa at saka itinutok sa mukha ko. Nahintakutan ako at nanigas ang katawan. Napapalunok habang nakatingin sa lalaki. Nanginginig ang kalamnan ko sa takot. “Hindi ba nangako kang gagawin mo ang lahat ng gusto ko? Nasaan ang pangakong iyon? Nakikita mo ba itong baril na hawak ko? Kapag hindi mo sinunod ang gusto ko isang bala ang tatagos sa bungo mo. Madadamay din pati ang mga kasama mo. Walang karapatan ang mga tauhan kong tumanggi sa ibibigay kong trabaho. Nagkakaintindihan ba tayo?” Sa takot ko ay tumango ako. Kahit labag sa kalooban ko ang pinagagawa niya ay wala naman akong magagawa. Nandito kami sa poder ng lalaki. Ang mahalaga nasa mabuting lagay sila ate Eli at iba pa naming kasama. Napangisi ang lalaki. Kinilabutan siya sa nakikita rito. Napalunok siya. “Magtatrabaho ka sa akin at lahat ng sasabihin ko ay gagawin mo. Huwag kang mag-alala dahil malaki ang magiging suweldo mo kung magiging mabuti ka at hindi gagawa ng bagay na ikaiinis ko.” Anito. Takot man ay tumango ako. “Ito ang magiging silid mo mula sa araw na ito,” sabi ni Master Tom nang puntahan namin ang silid na tutuluyan ko. Pumasok ako sa loob. May isang higaan na may kutson at may kabinet sa isang sulok. May upuan at lamesa na rin. Nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Napalingon ako. Tinangka kong buksan ang pinto ngunit hindi ko mabuksan. “Master Tom! Pakiusap palabasin ninyo ako!” Ani ko habang kinakatok ang pinto ng walang humpay. Rinig ko ang halakhak niya sa labas. “Diyan ka muna bata. Madami akong plano sa iyo.” Natigil ako sa pagkatok sa pinto. Anong ibig niyang sabihin? Akala ko ba bibigyan niya ako ng trabaho? Bakit kailangan niya akong ikulong? “Pakiusap po pakawalan ninyo ako. Tutuparin ko po ang sinabi kong susunod sa lahat ng gusto ninyo,” pakiusap ko, ngunit walang nagbukas ng pinto. Nag-init ang sulok ng mata ko. Naupo ako at umiyak na lang. Sinandal ko ang ulo ko sa pinto. “Bantayan ninyo ang bata! Mapapakinabangan natin iyan! Bukas papuntahin ninyo ang parokyano natin. Siguradong matutuwa sila sa regalo ko.” Nagulat ako sa sinabi ng lalaki. Kinabahan ako. Anong ibig niyang sabihin? Anong parokyano? Mga katanungang hindi ko masasagot. “Pakawalan ninyo ako rito! Pakiusap po!” Pagmamakaawa ko, ngunit bingi sila sa pakiusap ko. Tumulo ang luha ko sa mata. Bakit ang malas ko? Ano ang nagawa ko at ganito ang binibigay sa akin ng diyos? Malupit siya! Tahimik akong umiyak habang nakakuyom ang kamao ko. Punong-puno ng galit ang puso ko. Nakatulugan ko na ang pag-iyak. Nagmulat ako ng mga mata nang maulinigan kong may nagbubukas ng pinto. Bumaba ako sa hinihigan kong kama at lumapit sa pinto. Napaatras ako nang bumukas iyon. Pumasok ang tatlong lalaking may malalaking katawan. May dalang baril ang isa sa mga lalaki. “Sumama ka sa amin!” Utos niya at itinutok ang dulo ng baril sa mukha ko. Nanigas ang katawan ko dahil sa takot. Napilitan na lang akong sumunod kahit marami pa akong tanong sa kanila. Nagpunta kami sa labas ng gusali at pumasok sa isa pang gusali. Sinalubong kami ng ingay at kakaibang amoy sa loob ng gusali. Mukhang casa ang lugar na ito kagaya ng pinagtrabahuan namin nila ate Eli. Nandito kaya sila? Medyo madilim ang lugar. Tanging ang ilaw na nagmumula sa harapan ng stage ang tanging liwanag. Muntik na akong mapasubsob sa semento nang itulak ako ng lalaki na nasa likod ko. “Bilisan mong maglakad! Napakabagal mo!” Galit na sabi ng lalaki. Umakyat kami sa hagdan. May nakasalubong kaming mga babaeng halos hubad na dahil sa suot nilang kakapiranggot na damit at may dalang tray na may bote ng alak. Pumasok kami sa isa pang silid. Gusto kong masuka sa amoy na nagmumula sa loob dahil hindi ko maintindihan kung anong klaseng amoy iyon. Napatitig ako sa apat na babaeng nakaupo sa hita ng mga matatandang lalaki habang nagbubuga ng usok. “Ito ba ang bago nating mananayaw?” tanong ng isang matandang lalaki na may hawak na tungkod. Nakaupo sa pulang upuan. “Mukhang bata pa itong na-recruit mo Tommy.” Narinig kong wika ng isa pang lalaki na mapayat na may makapal na balbas. May hawak na baso ng alak. “Oo siya nga. Titiba tayo rito sa isang ito dahil hindi maikakailang magandang lalaki at maganda ang katawan.” “Mukhang may lahi itong nakuha mo, Tom. Madaming magkakandarapang mga matrona at bakla sa batang ito.” “Ayoko pong magtrabaho bilang mananayaw. Kahit maglinis na lang po ako ng casa. Kahit hindi niyo na po ako bigyan ng sweldo, kahit pangkain lang.” Pakiusap ko. Ayaw kong madungisan muli ang pagkatao ko. Ayoko nang mangyari pa ang nangyari sa akin sa una kong amo. Tatanggapin ko pang maging janitor kaysa ibenta ang sarili ko. “Mamili ka bata. Gusto mo bang may masamang mangyari sa inyo ng mga kasama mo o susundin mo ang lahat ng gusto ko? Nangako kang gagawin mo ang lahat ng sasabihin ko. Sabi ko naman sa iyo may isa akong salita.” Aniya at napangisi. Nagtawanan ang mga lalaki. Ako naman ay nag-igting ang panga ko. Nangako nga naman ako na gagawin ang gusto niya. Ayaw ko mang gawin ay para ito kila ate Eli. Para sa kaligtasan naming lahat. Pikit mata kong tatanggapin ang alok niya. Gusto kong maiyak sa kinasadlakan kong impyerno. Puro demonyo ang nandito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD