EPISODE 9

1472 Words
LUCIFER Napansin ko na maliit lang ang silid kung saan ako kinulong. May papag naman na may kutson at may isang unan. May maliit na lamesa at isang upuan. Wala akong nagawa ang pagmamakaawa ko kundi tanggapin na lang kung ano ang mangyayari sa akin. Ano naman magagawa ko, sila ay may armas at kaya akong takutin. Naupo ako sa papag at napasulyap sa iisang bintanang nakasarado. Tumayo ako upang buksan ang bintana. Laking dismaya ko nang makitang may rehas ang bintana. Magtangka man akong tumakas ay wala akong magagawa. Bumalik ako sa higaan at naupo. Napatitig na lang ako sa bintana na tila tatagos ang tingin ko roon. Kung makatakas man ako, saan naman ako pupunta? Paano sila ate Eli at iba pa naming mga kasama kung iiwan ko sila? Napapikit na lang ako ng mata dahil sa kawalan ng pag-asa. Ilang oras akong nakaupo at nakatingin sa nag-iisang bintana sa silid. Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto. Agad akong tumayo at humarap sa pinto. Pumasok ang dalawang lalaki. Itinutok ng isang lalaki sa mukha ko ang baril na hawak. Natakot ako. “Magbihis ka! Kailangan ka na ni boss sa stage!” Utos niya. Nagulat ako nang itapon sa mukha ko ang supot. Tumama sa mukha ko. “Suotin mo iyan! Magmadali ka dahil ayaw ni Master na pinaghihintay siya! Malalagot ka sa kanya kapag pinaghintay mo siya ng matagal!” Galit na sabi ng lalaki. Mas lalo lang niyang itinutok ang dulo ng baril sa noo ko at dinuldulan pa sa noo ko. Dahil sa takot ay kinuha ko ang supot. Nang hugutin ko ang damit nagulat ako dahil brief lang ang laman niyon. “I-Ito lang po ang isusuot ko?” tanong ko sa lalaki. Nagtawanan ang dalawa. “Ano’ng sa palagay mo? Hindi ba iyan lang ang nandiyan? B*b* ka ba? Suotin mo na iyan! Ang dami mong tanong!” Napaigtad ako sa gulat sa pagtaas ng kanyang boses. “H-Hindi po ba kayo lalabas?” tanong kong muli dahil magbibihis na ako. Hindi nagsalita ang dalawang lalaki at lumabas ng tahimik sa silid. Nakahinga ako nang maluwag. Natatakot ako sa tuwing itinututok nila ang baril sa mukha ko. Baka kasi bigla na lang makalabit ang gatilyo, mabaril pa ako. Tiningnan ko pa ang supot. May sando naman palang kasama. Inilabas ko upang tingnan kung anong hitsura. Kakaibang sando naman ito dahil halos kita na ang katawan ko sa sobrang nipis. Isinuot ko ang damit. Parang hindi naman damit na matatawag ang suot ko. Halos kita na ang maselang parte ng katawan ko. Nag-init ang sulok ng mga mata ko. Sa batang edad mararanasan ko ang pagsayaw sa club na halos hub*’t hubad na. “Lumakad ka na. O baka gusto mong tadyakan ka pa para lang maglakad!” inis na wika ng lalaki at tinulak niya ako. Hindi ako komportable sa suot ko. Napilitan na lang akong maglakad. Tinakpan ko ang gitnang parte sa ibabang bahagi ng aking katawan. Sa isang sulok kami pumunta ng dalawang lalaki. May iba pang naroon. Napatingin sila sa akin. Kagaya ko ay nakasuot din sila ng damit nang kagaya ng suot ko. Mukhang hindi nalalayo ang edad namin ng apat na lalaki at apat na babae. “Diyan ka at hintayin mong tawagin kayo upang sumayaw sa entablado. Huwag kang magtatangkang tumakas dahil marami kaming nakabantay dito. Hindi kami mangingiming pasabugin ang ulo mo oras na tumakas ka.” Pagbabanta sa akin ng isang lalaki. Tumabi ako sa mga lalaking nakatayo roon. Umalis din agad ang dalawang lalaki. “Bago ka lang dito?” tanong sa akin ng lalaking katabi ko. Tumango ako. “Mukhang hindi ka sanay na sa ganitong kalakaran? Sundin mo lang ang gusto nila at hindi ka naman masasaktan. Kagaya mo noong una ay hindi ako sanay na sa pagsasayaw na ganito ang suot, halos wala ng maitatago. Sa totoo lang kumapal na ang mukha kong iharap ang katawan ko sa mga tao. Wala naman akong magagawa dahil kailangan kong kumita ng pera. Kung hindi ko gagawin ay mamamatay ang pamilya ko ng dilat.” Mahabang kuwento ng lalaki sa akin. “Ilang taon ka na?” tanong ko sa kanya. “Ako ay labing pito at sila ay labing walo.” Turo nito sa iba pang kasama namin. Mas matanda pala sila sa akin. “Lahat kami rito biktima lang din ng kahirapan. No choice, eh?” Singit ng isang babae. Napaka-iksi ng kanyang suot at halos litaw na ang kalahati ng kanyang maliit na dibdib. Napabaling sa iba ang tingin ko. “Lahat naman tayo rito biktima ng kahirapan. Ang mga demonyong iyan sinasamtala ang kahinaan natin. Ginagamitan lang tayo ng mga armas nila para sumunod sa mga gusto nila,” galit na wika ng isang lalaking nasa isang gilid. Totoo naman ang sinabi ng lalaki. Lahat kami rito ay biktima ng mga pangyayari. “Wala tayong magagawa kundi sumunod sa kanila.” Singit ng katabi kong babae. Malungkot ang kanyang mukha. Sa tingin ko ay kasing edad ko ang babae. Nakakaawa ang kalagayan namin dahil bata pa kami para maranasan ang ganito karuming trabaho. “Tama na iyan. Ngayon pa ba tayo maglalabas ng sama ng loob? Isang taon na nating ginagawa ito, ngunit ni isang pagkakataon hindi tayo gumawa ng paraan para makatakas,” sabi ng isa pang lalaki na nasa tabi ng babaeng katabi ko. “Hoy! Kayong lahat ang da-drama ninyo. Akala niyo hindi namin naririnig ang mga pinag-uusapan ninyo? Wala na kayong magagawa pa kahit magreklamo pa kayo! Ihanda niyo na ang sarili niyo. Kayo na ang sasalang!” inis na sabi ng lalaking may malaking tiyan at nakakalbo. Napatingin ang lalaki sa akin. “Ikaw bata sundan mo lang ang ginagawa nila. Siguraduhin mong maayos ang pagsasayaw mo, kundi malilintikan ka sa boss natin!” Pagbabanta niya sa akin. Sa takot tumango ako. Nagkatinginan na lang kami at hindi na nagsalita. Umalingawngaw ang kakaibang musika na naririnig ko sa club ng dati kong amo. Nauna ang mga babaeng sumayaw sa harapan. Iginigiling nila ang kanilang beywang. Tila senswal ang kanilang pagsasayaw. Hiyawan ang mga tao habang nanonood sa mga batang babaeng nagsasayaw. “Anong pangalan mo?” tanong ng lalaki sa akin. “Lucifer ang pangalan ko. Ikaw anong pangalan mo?” tanong ko rito. “Ako nga pala si Sergio. Tawagin mo akong Serg.” Nakipagkamay na sa akin si Sergio. Tumango ako. “Ito naman si Harry, Leon at Hubert.” Pakilala niya sa iba pang kasama namin. “At iyong apat na babaeng sumasayaw. Sila ay sina Ellen, Kath, Lei at Jade.” Napatango ako. “Lahat kami menor de edad nang kunin kami sa kalsada. Sa kalsada kami nakatira noon. Kahit kapos kami masaya kami at malaya. Ngunit nawala ang mga iyon nang kunin kami at gawing pokpok.” Dagdag na kwento niya sa buhay nila. Kunot noo akong napatitig ako kay Sergio. “p****k?” “Lalaking nagbebenta ng aliw. Lahat naman kami rito ay binenta ang katawan namin. Wala kaming magawa dahil hawak nila ang mga buhay namin.” Kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Galit ang makikita mo sa kanyang mga mata. “Tayo na ang susunod,” sabi niya. “Sundan mo lang ang galaw namin para hindi ka mapasama sa demonyo,” sabi ng lalaking nagngangalang Harry. Marahan akong tumango. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ko bago naglakad at sumunod sa kanila. Kabang-kaba ang nararamdaman ko habang papunta sa stage. Mas dumoble ang kaba ko nang makita kung gaano kadami ang mga nanonood. Naghihiyawan sila na halos dumagundong sa loob ng club at may pumipito pa. Halo-halong mga boses ang naririnig ko. Ang nakatawag pansin sa akin ay ang isang lalaking nasa harapan. Titig na titig sa akin. Hindi ko sigurado kung kay Sergio nakatingin o sa akin mismo. Napalunok ako. Pumainlanlang ang musikang sensuwal. Gumiling ang mga kasama ko. Ako naman ay natulos sa pagkakatayo. Napalingon sa akin si Sergio. Inutusan niya akong sundan ang ginagawa nila. Gusto kong mapaiyak dahil sa kinasadlakan kong buhay. Sinubukan kong igiling ang beywang ko at itaas ang dalawa kong braso at ilagay sa likod ng aking leeg. Parang gusto kong masuka sa mga taong nanonood sa amin. Para silang mga hayok sa laman. May makamundong pagnanasa sa aming murang mga katawan. Tingin ko sa kanilang lahat ay demonyo na nagkatawang tao. Nagulat ako nang maghubad si Sergio at ang ibang kasama ko habang gumigiling. Halos mabingi ako sa lakas ng sigawan ng mga manonood. Gusto kong tumakbo, ngunit nakita ko ang isang tauhan ng amo namin. Ipinakita niya ang baril na hawak at nakatutok sa kinalalagyan namin. Sa nanginginig na mga kamay ay hinubad ko rin ang suot kong brief. Tumambad ang hubad kong katawan sa mga taong manonood. Kusang tumulo ang mga luha ko habang gumigiling na nakahubad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD