LUCIFER
Pinagbuti ko ang paggiling ng beywang ko upang walang masabi ang boss namin. Kahit hirap ay sinikap kong maging maganda ang pagsasayaw ko.
Panay tingin ko sa iba kong kasama upang gayahin ang kanilang pagsasayaw. Hindi man ako komportable na nakahubad habang sumasayaw ay sinikap kong magawa ang trabaho.
Habang sumasayaw ang mga luha ko sa mata ay hindi magkamayaw sa pag-agos. Gusto kong umalis na lang at lumayo, ngunit natatakot ako sa gagawin ng mga lalaki. Nakabantay ang tauhan ng aming amo sa paligid ng club kaya wala kaming takas.
Mas lalong dumagundong ang hiyawan ng mga tao nang lumapit si Sergio sa harapan ng bakla at gumiling. Napahinto ako sa paggiling nang makita ko kung paano hawakan ang maselang bahagi ng katawan ng bakla si Sergio. Gusto kong masuka sa nakikita ko. Ganoon din ang ginawa ng mga kasama ko.
Biglang bumaliktad ang tiyan ko. Hindi ko napigilang masuka. Napahinto sa pagsasayaw ang mga kasama ko at napalingon sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam kung ano’ng gagawin ko. Parang sa aking napunta ang kanilang atensyon.
Dahil sa hiya tumalikod ako at tumakbo patungo sa likod ng entablado. Napaiyak ako habang naglalakad nang walang saplot. Nakakita ako ng tuwalyang nakasampay sa upuan na agad kong kinuha iyon at ibinalot sa ibabang bahagi ng katawan ko. Naupo ako sa upuan habang walang tigil ang pag-iyak. Nanginginig ang mga kamay kong napahawak sa sandalan ng upuan.
Bakit ang lupit ng kapalaran sa akin? Hindi ko maatim na gawin ang bagay na nakakababa ng dignidad. Tingin ko sa sarili ko ay napakadumi. Sa batang edad ay nagawa kong ipakita ang kaselanan ko sa maraming tao. Sa tingin ko ay hindi nararapat iyon. Ngunit ano’ng magagawa ko kung hawak nila ako sa leeg? Bakit ba may mahirap na katulad ko na inaapak-apakan?
Parang talong umaagos ang mga luha ko sa mata. Napahigpit ang hawak ko sa sandalan ng upuan. Nagtagis ang bagang ko. May namumuong galit dito sa puso ko. Galit sa mga taong masasama at ang galit ko sa diyos na tila kinalimutan na ako.
Napaangat ako ng tingin nang dumating ang tauhan ng boss ko. Napatayo ako.
“Sinira mo ang show. Inutil ka talaga!” sabi ng lalaki sa akin at malakas niya akong sinuntok sa tiyan ko. Halos mapugto ang hininga ko dahil sa lakas ng pagkakasuntok niya. Namilipit ako sa sakit habang hawak ang tiyan ko. Napaluhod ako. Hindi ako makasigaw na tila nawalan ng hangin ang baga ko.
“Dalhin niyo ang tarantadong ito at ikulong! Pahirapan ninyo para magtanda! Yan ang parusa sa mga taong hindi sumusunod sa utos!” sabi ng lalaki.
Gusto kong magreklamo, ngunit wala siyang magawa. Tanging pag-iyak na lang ang nagawa ko.
“Tama na po! Maawa po kayo sa akin!” Pagmamakaawa ko habang hinahampas ng sinturon ang likod ko. Ramdam ko ang hapdi ng bawat hampas sa likod ko. Nanghihina na ako at halos mamaos ang boses ko sa pagmamakaawa sa kanila. Hindi nila pinakikinggan ang pakiusap ko.
“Ngayon ka magmalaki. Ang yabang mo kanina, akala mo kung sino ka?! Kung sinusunod mo lang ang utos ng nakatataas hindi ito mangyayari sa iyo!” aniya at saka ako malakas na sinampal. Napaigik ako’t napaiyak. Hindi ako makapalag dahil itinali nila ang dalawa kong kamay ng paitaas.
“Tama na iyan sa ngayon.” Narinig kong sabi ng bagong dating. Tumapat sa harapan ko ang taong iyon. Sa nanlalabong mga mata ay napatingin ako rito.
Marahas niyang hinawakan ang panga ko at mahigpit ang pagkakahawak nito. Napadaing ako sa sakit. Bakit ganito na lang palagi ang nangyayari sa akin? Wala na bang katapusang p*******t sa murang katawan ko? Anong kasalanan ko at ganito ang buhay ko?
“Susunod ka na ba sa gusto ko?” tanong niya. Dahil sa takot na baka saktan nila akong muli tumango ako bilang pagsuko. Wala akong magawa. Ano nga lang ba ako? Isa lang akong mahirap at walang kakayahang lumaban sa mga taong ito. Makapangyarihan sila.
“Good. Kung sinunod mo lang ang gusto ko, hindi sana ganito ang inabot mo. Susunod ka rin palang, tarantado ka.” Pagmumura nito.
“Boss, pakakawalan ba natin siya? Baka tumakas.” tanong ng isang lalaki.
“Subukan niyang tumakas. Hindi lang ganito ang aabutin niya kundi makikipagkita siya sa kamatayan!” humalakhak ang mga lalaki at maging ang boss namin.
“Kalagan niyo siya. Ikulong niyo muna sa silid habang nagpapagaling ng mga sugat niya.” Utos nito. Nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi. Hinila nila ako na parang walang pakialam kung nakahubad pa ako.
Napasubsob ako sa malamig na semento. Itinapon nila ang damit ko bandang ulo ko. Napayuko ako.
“Ang lakas ng loob mong magreklamo sa trabaho mo. Isa ka lang namang mababang uri ng lalaki. Tingnan mo nga ang sarili mo?” Nagkatawanan ang mga lalaki. “Magiging madumi ka rin kagaya ng mga babae at lalaking nagsasayaw sa entablado. Pagpipiyestahan din ang mura mong katawan. Ihanda mo na ang sarili mo.”
Sa sinabi niyang iyon ay natakot ako. Anong klaseng pambababoy ang gagawin nila sa katawan ko?
Diyos ko huwag mong pahintulutang mangyari iyon sa akin. Napakabata ko pa upang maranasan ang mga bagay na ito.
Piping dasal ko habang lumuluha. Isinuot ko ang damit na gamit ko kanina at saka humiga sa papag na walang sapin. Namaluktot ako habang nananangis. Nakatulugan ko na ang pag-iyak.
Nagmulat ako ng mata nang makarinig ng kaluskos mula sa labas ng pinto. Napangiwi ako nang maramdaman ang sakit ng buo kong katawan. Pilit akong bumangon sa matigas na papag na kinahihigaan ko.
Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking may edad na. May dalang plato at baso.
“Kumain ka muna at magpagaling. Sumunod ka na lang sa gusto nila upang hindi ka nila saktang muli. Wala ring mangyayari kung lalaban ka, anak,” sabi ng may edad na lalaki. Nangunot ang noo ko. Bakit tinawag niya akong anak? Hindi kami magkakilala. Ngayon ko lang siya nakita.
“Salamat po.” Pasasalamat ko at ngumiti sa kanya.
“At ito pala ang damit na pamalit mo. Siguro kasya iyan sa iyo. Damit iyan ng apo ko na kasing edad mo rin.” Nakangiting sabi ng lalaki. Dito rin kaya nagtatrabaho ang sinasabi niyang apo?
“Nagtatrabaho rin po ba kayo rito?” Natigilan ang matanda sa tanong ko. Napatingin pa ito sa pinto at ilang sandali ay ibinalik ang tingin niya sa akin. Bahagya itong tumango.
“Kainin mo na ang pagkain at isuot mo na itong damit. Babalik na lang ako kapag tapos ka ng kumain,” sabi niya na tila nagmamadali. Nasundan ko na lang ng tingin ang matanda. Naiwan na naman ako sa madilim na silid.