EPISODE 11

1311 Words
LUCIFER Naalimpungatan ako nang may matigas na bagay na humampas sa likod ko. Napadaing ako sa sakit. “Gumising ka na! Gusto kang kausapin ni boss!” ani ng lalaking nanghampas ng kung anong matigas na bagay sa likod ko. Masakit man ay sinikap kong bumangon. Dahan-dahan akong bumangon. Napangiwi ako nang makaramdam ng hapdi at sakit. “Ahhh!” napahiyaw ako nang hatawin muli ako ng kahoy sa aking likod. “Napakabagal mo! Dalian mo dahil ayaw ni boss ng pinaghihintay siya! Ano ka boss? Hindi mo alam kung paano magalit iyon! Mas matindi pa sa ginagawa ko ngayon sa iyo!” Galit na sabi ng lalaki. Nananakit man ang buo kong katawan pinilit kong sundin ang utos ng lalaki. Baka totoo ang sinasabi niya na mas malala pa ang gagawin niya sa akin kung hindi ako susunod sa gusto nila. Naglakad ang lalaki at sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa isa pang silid. Bumungad sa amin ang malaking opisina. May lamesa sa gitna ng silid at may upuan. Sa likod niyon ay may malaking bintana na may makakapal na kurtinang kulay abo. Nakaupo ang boss namin sa magara niyang upuan. Mausok ang silid dahil sa pagbuga ng makapal na usok mula sa hinihithit niyang sigarilyo. Naningkit ang mga mata niya nang makita ako. Nakaramdam ako ng takot sa uri ng tingin niya sa akin na parang lalamunin ng buhay. Sumenyas siyang umupo ako sa katapat ng lamesa. Itinulak ako ng lalaking kasama ko nang hindi ako tuminag. Napilitan akong maupo. Napayuko ako. “Alam mo bang napahiya ako sa manonood dahil sa ginawa mo? Kailangan mong parusahan!” Napapitlag ako sa pagtaas niya ng boses. Ano kayang parusa ang gagawin niya? Hindi pa ba parusa ang ginawa niyang pambubugbog sa akin at kinulong sa silid. “B-Boss humihingi po ako ng pasensya. B-Bago lang po ako k-kaya hindi po ako sanay na pinanonood habang walang saplot sa katawan.” Paliwanag ko. Sana naman maunawaan niya iyon. Hindi man lang niya ako sinanay muna bago isalang. “Sa susunod po pangako gagawin ko na ang ipinagagawa niyo sa akin. Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon.” Pakiusap ko. Taimtim akong nagdasal sa isipan ko. Sana naman hipuin siya ng kaunting awa sa akin. Sa nanginginig na mga kamay ay pinagsiklop ko ang palad kong nanginginig. Bumuga muli ng usok ang boss ko at saka tumingin sa akin. Tila sinusuri ang mukha ko. Napangisi siya. Natakot ako sa klase ng ngisi niyang iyon. Napalunok ako. “Gagawin mo ba ang lahat ng gusto ko?” Naninigurong tanong niya. Tumango ako. “Hubad!” Nagulat ako sa inuutos niya. Hindi ko inaasahang iyon ang ipagagawa niya sa akin. Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. “Hindi ba sinabi mong lahat ng ipagagawa ko ay susundin mo para lang bigyan ka pa ng isa pang pagkakataon? Bakit tila nagdadalawang isip kang gawin ang inuutos ko? Mas gusto mo yatang maranasan ang matinding parusa kaysa ang ipinagagawa ko. Palalagpasin ko ang ginawa mong kabalbalan ngayon. Basta magpakabait ka lang bata at sundin mo lang ang gusto ko.” “Gagawin ko naman po ang trabahong gusto niyong gawin ko.” “Ang sabi ko hubad!” utos niyang muli. Gusto kong umiyak at tumakbo na lang, ngunit natakot ako. Hinubad ko ang damit ko. At sa nanginginig na katawan ay siya namang pagtulo ng mga luha ko sa mga mata. Ilang minuto nilang tinitigan ang hubad kong katawan. Ni isa sa kanila ay hindi nakapagsalita. “Magbihis ka na. Bukas maghanda ka dahil itutuloy mo ang pagsayaw sa entablado. Tandaan mo ito kapag may ginawa ka pang hindi ko magugustuhan. . .” tinitigan niya ko ng seryoso. “Papatayin kita.” Nanigas ang katawan ko sa sinabi niya. Habang nasa dressing room kung saan nandoon din ang mga kasama kong magsasayaw ay hindi maalis ang kaba at takot sa didbib ko. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung handa na ba ako. “Relax ka lang Lucifer. Sa una lang na kakabahan ka at matatakot. Lahat naman dito ay napagdaanan ang nararamdaman mo. Kapag mga ilang show ay masasanay ka na rin. Tingan mo kami sanay na. Kahit alam naming nakadidiri ang trabahong ito ay pikit- mata na lang naming niyakap ang ganitong uri ng trabaho. Wala rin naman kaming magagawa dahil malaki ang pagkakautang namin kay boss. Kung tatanggi kami sa gusto niyang mangyari ay baka paglamayan na kaming lahat. Hindi mo alam kung anong magagawa niya,” sabi ni Sergio. Tumango ako. “Tama si Serg. Demonyo ang boss natin. Wala siyang awa.” Sabat naman ni Leon. Nagbibihis na siya. Parang wala ng itatakip sa suot na brief. Hindi ko alam kung ano’ng tawag sa suot na may tali at ang tanging natatakpan na lang ang maselang bahagi ng katawan. Pinapahiran nila ng lana ang buong katawan para kumintab. Sa edad na dise-otso ay may malaki na siyang katawan. “Sumunod ka na lang Luci para hindi ka mapahamak,” sabi naman ni Harry. Tumango ako. Kagaya kagabi ay nagsayaw kami ng sensuwal. Tuwang-tuwa ang mga taong nanonood sa amin dahil sa sayaw naming nakakaakit. Hindi man ako magaling umindayog, ngunit sinusubukan kong mapagbuti ang pagsasayaw ko. Ginaya ko lang ang mga kasama ko. May nagbigay ng malaking halaga sa akin. Isang babaeng parang lola ko na. Inipit sa harapan ng suot kong brief. Ginilingan ko siya ng mabuti at tuwang-tuwa naman ang babae. Ang mga kasama ko ay may nagbigay din ng pera. Nang matapos ang pagsasayaw namin ay nakangiti ang mga kasama ko. Ako naman ay tahimik na nagbihis ng damit. Hindi pa rin ako sanay. Napatingin ako sa hawak kong pera. Madami-dami rin ito. “Tingnan mo nga, Luci, madaming nagbigay sa iyo ng tip. Huwag kang mag-alala hindi naman kukunin ni boss ang mga tip dahil sa atin iyan. Iba pa kasi ang bayad ng mga manonood. Sa boss natin mapupunta iyon.” Napangiti ako sa sinabi ni Segio. Mukhang makakaipon ako ng pera. Sa susunod gagalingan ko pa para makarami ng tip sa mga manonood. Pumasok na kami sa silid namin. Hinugot ko sa bulsa ng pantalon ko ang bugkos ng ilang dadaaning pera. Sa susunod mas marami rito ang kikitain ko. Kailangan kong makaipon ng pera at para makaalis na rin sa lugar na ito. Nagising ako sa malakas na kabog sa pinto ng silid ko. Bumangon ako at pinagbuksan ang taong halos gigibain ang pinto. Bumungad sa akin ang isang lalaking duguan ang buong katawan. Ang mukha ay bugbog sarado. Ang suot niyang damit ay punit-punit. Napaatras ako dahil sa takot. “Tulungan mo ako, pakiusap.” Pagmamakaawa niya. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Nakatitig lang ako sa lalaki. Hinawakan niya nang mahigipit ang isang kamay ko. “Sino ang may gawa niyan sa iyo?” Lakas loob kong tanong. “Si Boss. . .” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may dumating na mga lalaki. “Walanghiya ka nandito ka lang pala!” sabi ng isang lalaki at hinila ang kaawa-awang duguang lalaki. “Maawa na po kayo sa akin. Pangako gagawin ko na ang iniuutos ninyo sa akin.” Pakiusap ng lalaki. Tumawa ang lalaki. “Wala ng silbi ang pakiusap mo dahil sisentensyahan ka na. Kung nagpakabait ka lang at sumunod sa utos ni boss hindi mangyayari sa iyo ito,” sabi ng lalaki. Umiyak ang duguang lalaki. Walang nagawa ang pakiusap niya sa mga tauhan ng boss namin. Hinila siya palayo. Anong gagawin nila sa kanya? At sinong boss ang tinutukoy niya? Bigla ay kinabahan ako. Hindi kaya si Master Tom ang tinutukoy ng lalaki? Gusto kong matawa sa sarili ko. Sino pa nga ba ang tinutukoy ng mga lalaki kung hindi si Master Tom. Kung gayon ganoon ang mangyayari sa akin kung sakaling umalis ako rito sa poder niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD