EPISODE 12

1366 Words
LUCIFER “Meron na namang dinispatsa si Master Tom,” narinig kong sabi ni Sergio. Kausap niya si Hubert na ngayon ay kasalukuyang nagbibihis ng kanyang custome para sa show namin ilang minuto bago kami isalang. Tumabi ako nang upo kay Harry na ngayon ay nakabihis na. Nakikinig ako sa usapan ng dalawa. Gusto kong sabihin sa kanilang nagpunta sa silid ko ang lalaking iyon. Nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko sa kanila. “Ano naman kayang nagawa ng kasalanan ang taong iyon?” tanong ni Ellen na nakatayo sa tabi ng pintuan, ngumunguya ng bubble gum. “Baka gustong tumakas, pero nahuli kaya hindi na hinayaang pang mabuhay. Oras na nakatakas ka rito, hahanapin ka nila saan mang sulok ng Pilipinas. Marami silang koneksyon kaya wala kang kawala.” Mahabang sabi ni Jade. Totoo ang sinabi niya. Isa akong saksi kung paano nila kinalakdkad ang lalaki habang duguan ang buong katawan dahil sa bugbog. Naalala ko ang balak kong pag-alis dito kapag nakaipon. Mukhang hindi ko na maitutuloy ang plano kong iyon. Baka ako ang isunod nila. “Nakita ko ang lalaki bago nila kunin. Nagpunta sa silid ko.” Bigla akong nagsalita. Napalingon silang lahat sa akin. “Talaga? Anong sinabi ng lalaki sa iyo?” tanong ni Leon. Umupo siya sa tabi ko. “Sabi niya lang tulungan ko siyang itago siya. Nagmamakaawa nga siya. Tutulungan ko sana kaso dumating ang mga lalaki kaya wala na akong nagawa. Akala ko nga kung sino lang na nakapasok kaya binugbog. Hindi nga ako nakapagsalita dahil sa takot.” Kuwento ko. “Mabuti hindi mo tinulungan dahil oras na malaman ni Master Tom na tinulungan mong itago ang lalaki ay mananagot ka. Baka dalawa na kayong ididispatsa. At saka magreklamo man tayo ay wala tayong magagawa. Ano ang laban natin sa kanila? Mga bata pa tayo - ni wala tayong armas na panlaban sa kanila. Siya ang diyos dito na dapat nating luhuran dahil malaki ang utang na loob natin sa kanya. Wala sa kanya ang salitang awa. Demonyo ang matandang iyon,” galit na sabi ni Harry. Sandaling katahimikan ang namayani sa amin. Tama siya, ano nga ba ang laban namin sa kanya? Paslit lang kami sa paningin niya. Binasag lang ni Sergio ang katahimikan. “Sa ngayon kailangang sundin natin sila dahil nakatataas sila. Bilog ang mundo kaya huwag kayong mawalan ng pag-asa na rito lang tayo. Darating ang panahon tayo naman ang aangat. Hindi na ako makapaghintay sa pagkakataon na iyon. Dudurugin ko sila sa mga kamay ko, sabi ni Sergio. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Lahat naman kami rito ay biktima at hangad ang katarungan. Ngunit sadyang mahina pa kami upang lumaban. Tama si Sergio bilog ang mundo. Aangat din kami pagdating ng panahon. Natapos ang nakakapagod na pagsayaw namin sa entablado. Hapong-hapo kami nang maupo sa upuan. Maraming tao ngayon kaya marami kaming nakuhang tip. Galante din ang mga nagbigay dahil libuhin ang binigay nila. “Nakakapagod ang magsayaw sa pole,” sabi ni Ellen. Nagsusuot siya ng t-shirt. “Magpahinga na kayo.” Pare-pareho kaming napalingon sa nagsalita. Si Master Tom. Nagtanguan lang kami. Tatayo na sana ako nang magsalita uli ang boss namin. “Lucifer, maiwan ka. Gusto kitang makausap.” Kinabahan ako. Napatingin pa ako sa mga kasama kong papalayo. “Ano pong pag-uusapan po natin?” Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. “Napagpasayahan kong kunin ka bilang front sa aking negosyo. Sa labas ka magtatrabaho at ikaw ang haharap sa mga mayayaman kong kliyente. Bukod sa mag-e-enjoy ka sa bawat transaksyon ay magkakaroon ka pa ng malaking pera bilang bayad sa magiging trabaho mo.” Aniya. Kunot noong napatitig ako kay boss. Ano’ng trabahong gagawin ko bukod sa pagsasayaw ko rito sa club? “Ano pong trabaho ang gagawin ko?” tanong ko. Napangisi siya. Sa pagngisi niyang iyon ay kinabahan ako. “Ikaw ang maghahatid ng drugs sa mga mayayamang matronang kliyente natin at para magawa mong mapadami ang bibilhin nila ay gagamitin mo ang iyong katawan. Hindi ka pwedeng tumanggi sa inaalok ko sa iyo dahil buhay mo ang kapalit, Lucifer. Huwag kang mag-alala malaki ang ibibigay kong sahod sa iyo. Mas malaki sa inaakala mo.” Alok niya sa akin. Nakakasilaw ang inaalok niya ngunit kapalit niyon ay dangal ko. Meron pa ba ako niyon? Nawala na iyon magmula nang lapastanganin ako ng dati kong amo. Ano pa ang silbi na tumanggi ako sa magandang alok niya? “Pumapayag po ako sa alok ninyo,” sabi ko. Malawak na ngumiti ang boss namin. Lumapit siya sa akin at tinapik ang balikat ko. Para akong tuta na binigyan ng treats ng amo. “Mabuti at walang alinlangan kang pumayag. Huwag kang mag-alala magiging mabuti ang pakikitungo ko sa iyo hangga’t sinusunod mo ang mga gusto ko. Iyan ang gusto ko sa mga tauhan ko - masunurin. May isa akong salita. Malaki ang kikitain mo sa bago mong trabaho.” “Salamat po Master.” Pasasalamat ko. Sumenyas na siyang lumabas na ako. Nagmadali akong lumabas ng pintuan. Nang makalabas ay nakahinga ako nang maluwag. Bakit sa tuwing kinakausap ko si boss, naninikip ang dibdib ko? Pakiramdam ko aatakihin ako sa puso. Maaga yata akong magkaroon ng sakit sa puso. Habang naglalakad sa pasilyo ay nakita ko si ate Eli. Nanlaki ang mata ko. “Ate Eli!” Tawag ko sa kanya. Napalingon siya at nanlaki ang mata nang makita niya ako. Agad akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya. Hindi ko napigilang umiyak. Natawa nang mahina si Ate Eli. “Ilang linggo lang tayo hindi nagkita naging iyakin ka na.” Aniya. Nagbitiw kami sa pagkakayakap. Pinahid ko ang luha ko sa aking pisngi gamit ang palad ko. “Na-miss lang kita ate Eli. Saka nag-aalala ako sa inyo. Kumusta na kayo?” Napangiti siya at inakbayan niya ako. Bahagya niyang tinapik ang balikat ko. “Ayos naman kami, huwag kang mag-aalala sa amin. Kami nga dapat ang magtanong niyan sa iyo kung kumusta ka na?” Natigilan ako sa kanyang tanong. Hindi dapat nila malaman ang sinapit ko. Alam kong mag-aalala sila sa akin. Gusto kong magsumbong sa kanila, ngunit nanaig sa akin ang takot na baka saktan sila ni boss. Ayokong madamay sila. Bahagya akong napangiti. “Ayos lang po ako ate Eli. Binigyan ako ng trabaho bilang b-boy sa club.” Pagsisinungaling ko. Mas mabuti nang magsinungaling kaysa may masaktan pa sa amin. “Mabuti naman kung ganoon. Kami naman ay ganoon pa rin ang trabaho namin kaya keri lang namin. Sa isang club ni boss kami nagtatrabaho. Mayayaman ang mga kliyente namin doon at karamihan politiko. Mabuti naman hindi kagaya sa kapalaran namin. Kapag nakaipon kami ay aalis tayo rito at magpakalayo-layo. Mamumuhay tayo sa malayong lugar ng panibagong buhay. Ayaw kong mapariwara ka rito, Luci. Para na kitang kapatid kaya masakit sa aking magagaya ka sa aming nagbebenta ng aliw. Sa amin ayos lang ang ganitong trabaho dahil sanay na kami. Ngunit ikaw ay iba. Ikaw ay isang birhen na hindi dapat dinudungisan ng mga demonyong naninirahan sa lugar na ito.” Galit na sabi niya. Napalunok ako dahil sa totoo madumi na ako at hindi na masasabing birhen pa o inosente sa makamundong bagay. “Pero ate Eli delikado ang plano mo. Pinapatay nila boss ang mga taong gustong tumakas dito. Sa katunayan may isang tauhan si boss na dinispatsa niya. At nakita ng dalawang mata ko ang lalaking duguan at sapilitang kinuha.” Gulat na gulat ang reaksyon ni ate Eli. “Totoo ba? Delikado nga ang plano ko. Bahala na basta mag-iipon lang tayo at lalayo tayo rito nang hindi nila alam.” Paniniguro ni ate Eli. Bumalik sa tinutuluyan nila si ate Eli. Nasa kabilang building sila nakatira at kami naman ay sa isa pang building - na pagmamay-ari rin ng boss namin. Ako naman ay bumalik sa silid kung saan ako dinala ni boss Tommy. Malungkot akong naupo sa higaan ko. Malalim akong nagbuntonghininga. Kailangan kong may matibay na sikmura para magawa ko ng maayos ang bago kong trabaho. Umayon lang muna ako sa agos. Ito lang ang paraan upang makapaghanda kung sakaling umalis ako sa impyernong kinalalagyan ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD