EPISODE 13

1190 Words
LUCIFER Ngayon ang araw ng simula nang trabaho ko sa labas na binanggit ni Master Tom kahapon. “Mag-ingat ka,” sabi ni Sergio nang ihatid niya ako sa labas ng tinitirhan namin. Tinapik niya ang balikat ko. Napangiti ako at tumango. “Salamat.” Nagpasalamat ako sa kanya. Nang makarating sa labas ay nandoon na ang tauhan ng boss namin. Mukhang hinihintay na nila ako. Napalingon ako kay Sergio bago lumapit sa sasakyan. Nakatingin siya sa akin at nginitian niya ako. “Sakay ka na dahil ihahatid ka na namin sa unang kliyente mo,” sabi sa akin ng tauhan ni boss. Binuksan ang likurang bahagi ng sasakyan. Tahimik akong pumasok sa loob. Agad din pinaandar ang sasakyan nang makasakay ang lalaki. “Bilin ni boss na kapag nakarating ka sa lugar kung saan kayo magkikita ng kliyente mo ay ibigay mo agad ang parcel. Nasa tabi mo ang box. Tandaan na siguraduhin mong walang ibang makakakita sa iyo at siguraduhin mo ring hindi papalpak ang trabaho mo. Buhay ang kapalit niyan oras na nagkamali ka. Naiintindihan mo ba?” Aniya. Tumango ako. Matagal ang naging biyahe namin. Hindi ko alam ang oras dahil wala naman akong relo. Nahiya naman akong magtanong sa lalaki. Mukhang masungit dahil ang seryoso ng mukha. Narating namin ang lugar. Huminto sa tapat ng isang mataas na gusali Sumunod lang ako sa kanila habang pumapasok kami sa loob ng gusali. Napatingin ako sa paligid habang naglalakad kami. Napapasulyap sa akin ang mga babaeng nakakasalubong namin. Napansin ko ang suot nila. Mukhang mga empleyado ang mga ito. Kung opisina itong pinuntahan namin. Sino naman kaya ang kliyenteng kikitain ko ngayon? Isa kaya siyang empleyado rin? “Hoy, dalian mong maglakad. Hindi ka boss para ikaw ang hinihintay namin.” Nagulat ako nang magsalita ang kasama kong lalaki. Tahimik akong pumasok sa loob ng pintuan. Sumara ang pinto. Napahawak ako sa gilid ko nang maramdaman kong parang gumalaw ang inaapakan naming sahig. Napatingin sa akin ang isang tauhan ni boss at natawa. “Elevator ang tawag sa kinaroroonan natin. Baka hindi mo pa alam.” Aniya habang natatawa. Elibeytor? Napatingin ako sa harapan namin. Parang salamin sa kintab ang dingding ng elibeytor. Napatingin ako sa suot kong hapit na itim na t-shirt at pantalon na halos bumakat ang mga hita ko at pati ang aking hinaharap. Napahinto kami sa tapat ng pinto. “Ilang taon ka na?” Biglang tanong sa akin ng lalaki. “Desi-syete na po,” sagot ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at saka ibinalik ang tingin sa mukha ko. “Mukhang hindi ka desi-syete. Matangkad at magandang lalaki. Pwedeng ka sa ganitong trabaho. Bukod sa ihahatid mo ang parcel natin, pwede ring magpaligaya. Mas lalong mahuhumaling ang mga matronang parokyano natin,” aniya at saka ngumisi. Takot man ay wala akong pagpipilian. Iyon naman ang magiging trabaho ko. Nagulat ako nang haklitin ng lalaki ang braso ko. “Ayusin mo ang trabaho mo. Huwag mong ipapahiya si Master Tom dahil hindi lang ikaw ang mananagot, pati kami at mga kasama mo!” Sa sinabing iyon ng lalaki ay natakot ako. Ayokong madamay sila ate Eli. “H-Huwag po kayong mag-alala gagawin ko po ang trabaho ko ng mabuti.” “Mabuti,” aniya at binitiwan ako. Nakahinga ako nang maluwag. Binalaan niya ako sa tingin bago sila umalis. Pinindot ko ang buton na nasa gilid. Pagkapindot niyon ay bumukas ang pinto. Isang babae ang bumungad sa akin. Sa palagay ko ang edad ng babae ay nasa trenta mahigit at medyo may katabaan. “Sino ka?” tanong niya at napalinga sa paligid. Hindi ako nakapagsalita na tila naumid ang dila ko. Iniabot ko sa kanya ang dala kong maliit na kahon. Napatingin doon ang babae. “Ito ba ang binili ko sa boss mo?” tanong sa akin. Marahan akong tumango. Napalunok ako nang titigan ako ng babae. “Pasok ka muna at kukunin ko ang bayad sa loob.” Paanyaya niya sa akin. Tumalikod ang babae at sumunod ako sa kanya. Sinarado ko ang pinto. Kabang-kaba man pilit kong nilakasan ang loob ko. Hindi ako puwedeng matakot. Kailangan kong maging matapang. Nang makapasok nalukot ang ilong ko dahil sa kakaibang amoy sa loob ng tinutuluyan nito. Napalingon ang babae sa akin. “Umupo ka muna at kukunin ko lang ang bayad,” anya at saka naglakad patungo sa silid. Nagdalawang isip akong maupo. Nagpasya akong tumayo na lang dahil sandali lang naman ako rito. Kapag nakuha ko na ang bayad aalis na ako. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa babae. Kakaiba ang nararamdaman ko sa presensya niya. Lumabas ang babae sa silid. May dalang sobre at mukhang madaming laman iyon. “Ito ang bayad sa boss mo.” Ibinigay niya sa akin ang sobre. Nagulat ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinimas iyon nang mahawakan ko ang sobre. Tila may pagnanasa ang mga tingin niya sa akin. Titig na titig ang babae. Tumikhim ako. “Aalis na po ako,” paalam ko sa kanya. Inilayo ko sa kanya ang kamay ko. Napangiti ang babae. “Ikaw din ba ang magde-deliver ng parcel ko sa susunod?” “O-Opo.” Sagot ko. Napatingin ako sa kinuha niya sa dalang pitaka na hindi ko napansing hawak niya. May ibinigay siyang lilibuhin. “Para sa iyo iyan dahil ikaw ang magde-deliver sa susunod. Hindi lang iyan ang ibibigay ko sa iyo sa susunod. Basta maging mabait ka lang sa akin.” Makahulugang wika ng babae. Hahawakan sana uli niya ang kamay ko nang lumayo ako. “Aalis na po ako.” Paalam ko nang may pagmamadali. Hindi ko na siya hinintay pang magsalita nagmadali na akong naglakad. Kabadong-kabado ang nararamdaman ko. Napatingin ako sa hawak kong lilibuhing pera. Ibinulsa ko agad iyon nang mamataan ko ang kasama ko. Napalunok ako. Hindi dapat nila malamang binigyan ako ng sobrang pera ng babae. Makatutulong itong pera para makapag-ipon at upang makatakas sa tamang panahon. Hindi pa ito ang panahon upang umalis. Hindi ko pa kayang tumayo sa sarili kong paa. Kailangan ko pa sila kung kaya pagtitiyagaan kong manatili rito kahit hindi ako ligtas. Kunsabagay kahit nga sa sariling pamamahay hindi rin ako ligtas. Sarili kong magulang sinasaktan ako, ibang tao pa kaya? “Naibigay mo ba ng maayos? Hindi ka naman gumawa ng kabalbalan?” Sunod-sunod na tanong ng kasama ko. “Hindi po. Ito po pala ang bayad ng babae kay boss.” Ibinigay ko sa kanya ang sobre na halos hindi na maisarado dahil punong-puno ang laman niyon. Mukhang ang parcels na dala ko ay mamahaling bagay. Oo nga pala droga ang dala ko. Tiningnan niya ang laman ng sobre. Napangisi nang makitang maraming laman ang sobre. “Mukhang nagustuhan ka ng matrona. Sobra itong ibinigay niya para sa bayad sa parcel. Ito para sa iyo.” Ibinigay niya sa akin ang isang buong one thousand. Nagningning ang mga mata ko nang makita ang isanlibong piso. Walang alinlangan kong kinuha iyon at baka magbago pa ang isipan ng lalaki. “Salamat po!” Masayang pasasalamat ko. Napatingin ako sa hawak kong pera. Mukhang makakaipon ako ng pera nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD