EPISODE 14

1164 Words
LUCIFER Ang nakuha kong pera sa kliyente ay tinago ko sa kahon ng sapatos at nilagay sa ilalim ng kama. Ayon sa lalaki bibigyan pa raw ako ni boss ng pera, reward sa ginawa ko sa trabaho ko. May takot man sa trabaho ko, pagbubutihin ko ang trabaho. Masama man ang trabahong aking ginagawa ay pikit-mata ko na lang gagawin. Kapit sa patalim ang ginagawa ko upang mabuhay at matupad ang mga pangarap kong makaahon at makaalis sa kinasasadlakan ko ngayon. Nang maitago ang perang unang natanggap ko ay lumabas ako sa silid upang kumain. Nakasalubong ko ang mga kasama ko sa pagsasayaw. “Lucifer, kumusta naman ang unang trabaho mo sa labas?” tanong sa akin ni Harry. Napangiti ako at tinapik ang kanyang balikat upang batiin siya. “Ayos naman, pero kabado nga lang ako.” Natawa sila sa sinabi ko. “Lahat naman tayo naging trabaho ang ginawa mo Lucifer. Nagbebenta ng aliw at droga.” Natahimik kaming lahat sa sinabi ni Sergio. “Gustuhin man nating tumanggi, buhay naman natin ang kapalit. Kung gusto nating mabuhay sumunod na lang tayo kahit nakaririmarim ang ganitong uri ng trabaho. Wala talagang anghel sa mundong ito. Lahat tayo ay pinabayaan na ng diyos.” Ani Harry. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Pareho kaya kami ng naranasan sa kamay ng mga taong ang akala namin ay makatutulong sa amin? Iniisip ko nga kung may diyos pa ba? Sa mura naming edad naranasan na namin ang lupit ng mundo. “Ito na lang ang isipin natin na bilog ang mundo. Kung nasa ilalim tayo ngayon pagdating ng panahon tayo naman ang nasa itaas.” Sabat ni Hubert. “Sus, alam na namin iyan. Hanggang ngayon nasa ilalim pa rin tayo. Huwag na tayong umasa sa wala dahil mabibigo lang naman tayo,” sagot naman ni Ellen. “Tama na ang tsismisan niyo. Magtrabaho na kayo!” Sigaw ng lalaking lumapit sa amin. Masamang tingin ang ipinukol ni Sergio sa lalaki. “Kung wala lang baril ang lalaking ito kanina pa nakatikim sa akin ang gagong ito,” mahinang bulong ni Sergio. Siniko siya ni Harry. Binalaan niya ito sa tingin na tumigil na siya. Umirap lang siya. Ako naman ay tahimik lang na lumabas ng silid. Sumunod ang mga kasama ko. Nangunot ang noo ko nang makita ang magiging suot naming mga lalaki. May mascara na kaming isusuot. At ang pang-ibaba namin ay halos wala ng maitatakip sa maselang bahagi ng katawan namin. Ano nga ba ang kaibhan nito sa walang suot noong nakaraan? Nakasusuka man ang ganitong trabaho ay wala kaming pagpipilian kundi sumunod sa nakatataas. “Ipahid niyo ang langis sa katawan ninyo para magmukhang maganda sa paningin ng mga manonood.” May ibinigay ang lalaking isang botelya ng langis. “Ikaw Lucifer galingan mo ang paggsayaw dahil ikaw ang pinakapangit ng performance. Ang tigas ng beywang mo. Napakalamya at parang hindi ka lalaki.” Pang-iinsulto ng lalaki sa naging performance ko noong isang araw. Hindi naman ako batikang mananayaw kaya malamang hindi maganda ang pagsasayaw ko. “Pasensya na po. Huwag po kayong mag-aalala pagbubutihin ko po ngayong gabi.” “Gawin mo at huwag puro salita!” Galit na sabi ng lalaki at saka kami iniwan. “Ang sarap niyang tadyakan sa ngala-ngala. Akala mo siya ang boss kung makautos. Alila lang naman siya ni boss. Kung magkaroon lang ako ng pagkakataon gagantihan ko ang pangit na iyon.” Inis na sabi ni Leon. “Tama na iyan. Hindi makabubuti ang iniisip mo Leon. Sa ngayon hangga’t kaya natin sundin natin ang gusto nila. Darating din tayo na makakaganti sa mga iyon.” Pagbabawal ni Sergio. “May punto si Sergio. Bakit pa tayo magrereklamo sa trabaho natin kung sanay naman na tayong ginagawa ito? Si Lucifer ang baguhan dito kaya nangangapa pa siya. Magtulungan na lang tayo para tulungan ang bawat isa sa atin.” Nakangiting sabi ni Kath. Napatango kaming lahat. Nagsimula na ang pagsasayaw namin. Kagaya ng dati ay ginalingan namin ang pagsasayaw. Mabuti na lang pinagsuot na kami ng maskara upang hindi masyadong makita ang tunay naming pagkakilanlan. Mas okay ito upang hindi naman ako nahihiyang ipakita ang hubad na katawan ko sa maraming tao. Habang nagsasayaw sa entablado pumapainlanlang ang musikang nakakaakit. Hindi ko maiwasang humanga sa mga kasama ko dahil napakagaling nilang gumiling at tila wala silang hiya o takot man lang. Kunsabagay mas nauna silang nagtrabaho rito. Samantalang ako’y bago lang at ilang araw pa lang nagtatrabaho bilang mananayaw. Napansin ko ang grupo ng mga lalaki sa bandang kaliwa ng stage. Hindi ko alam kung sa akin nakatutok ang tingin ng isang lalaki. O baka naman nagkakamali lang ako. May ibinulong sa katabing lalaki at napatingin sa gawi namin at tumango. Nagsigawan ang mga tao nang gumawa ng eksena ang mga kasama ko. Hindi ko maiwanang panlakihan ng mga mata nang makita ko si Sergio at Jade. Nasa likod niya si Sergio at sumasayaw ng senswal. Kung wala lang maskarang nakasuot sa kanila ay parang naghahalikan na sila. Nagulat din ako nang gawin din ng iba ang ginagawa ng dalawa. Natigil ako sa paggiling at nakatingin lang sa kanila. Napaigtad ako nang may humawak sa aking kasarian. Napalingon ako. Si Ellen. “Hindi ko akalaing malaki pala ang iyong kahabaan,” bulong niya. Napalunok ako. “A-Ano ginagawa mo?” tanong ko nang simulang niyang himasin ang kahabaan ko. “Palabas lang ito upang maaliw ang mga tao kaya sumunod ka na lang sa ginagawa namin. Sh*t! Ang laki ng ano mo,” aniya nang may landi sa kanyang boses. Natawa ako nang mahina kahit medyo tinatalaban na ako sa uri ng paghawak niya sa aking pribadong kasarian. Nagsigawan ang mga manonood dahil sa palabas na ginawa namin. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo sa akin si Ellen. Ipinagpatuloy ko ang paggiling ko. Lumapit ako sa malapit sa mga manonood upang kunin sa kanila ang perang binabandera nila. Mukhang lilibuhin ang mga iyon. Paalis na kami ng stage nang tawagin ako ng isang babae. Napakunot noo ako nang makilala ko ang babae. Ito yung dinalhan ko ng parcel noong isang araw. “Hi, Lucifer.” Bati niya. Tango lang ang nagawa ko. Napalingon ang mga kasama ko at napatingin sa babae. “Mauna na kayo at maiiwan si Lucifer,” sabi ng tauhan ng boss namin. Nauna ng umalis ang mga kasama ko. Kinabahan na naman ako. “Sumama ka sa kanya dahil binili niya ang buong gabi mo,” ani ng lalaki. Umawang ang mga labi ko. “A-Ano pong gagawin ko sa bahay niya?” nagtatakang tanong ko. Napangisi ang lalaki. “Ano pa ba ang ginagawa ng isang lalaking puta kundi paligayahin ang kostumer. Ikaw ang napili niya sa lahat ng kasama mo. Huwag kang mag-alala malaki ang ibinayad niya sa iyo.” Napatingin ako sa babae. Isang nakakikilabot na ngiti ang sumilay sa labi niya. Ano na naman ang mangyayari sa akin? Hanggang kailan ko ito mararanasan?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD