LUCIFER Habang naghihintay ng kliyente sa gilid ng kalsada ay may nakita akong mga kalalakihan sa kalayuan. Mukhang may binubugbog silang lalaki. Napatingin ako sa paligid, may mga taong nakikiusyoso ngunit wala ni isang tumulong sa lalaki. Itinapon ko ang sigarilyong hawak ko at lumapit sa kinaroroonan ng mga lalaki. “Itigil niyo iyan!” Pagbabawal ko sa apat na lalaking pinagtutulungang bugbugin ang isang may edad ng lalaki. Napatingin ang apat sa akin. Napalunok ako. Nagsisisi ako kung bakit naglakas loob pa akong patigilin ang mga lalaki gayong mag-isa ko lang. Bahala na! “Anong karapatan mong pagbawalan kami? At sino kang gago ka na basta na lang makikialam?” Galit na sabi ng isang may panyong nakatali sa ulo. Ang kamisetang puti na suot ay may bahid ng dugo. At ang pantalon ay t

