LUCIFER Panay ang sulyap sa akin ni Sergio. Hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano ang nasa isipan nito. “Bakit mo ako tinitingnan?” Tanong ni Sergio. Tumaas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Siya pa itong may ganang magtanong, siya nga itong kanina pa pasulyap-sulyap sa akin. “Nagpapatawa ka ba? Ikaw itong kanina pa tumitingin sa akin,” sabi ko at saka sinamaan ko nang tingin. Natawa si Sergio sa sagot ko. Sarap niyang suntukin sa mukha. Akala mo kung sino. “Alam mo Luci kalimutan na natin kung ano’ng naging alitan natin noon. Matanda na tayo para sa ganyang away.” Anito na ikinagulat ko. Totoo ba ang sinabi niya? Hindi ko mapaniwalaang nagbago na si Sergio. Hindi ko man siya nakilala ng matagal, pero maraming nagsasabing hindi madaling magpatawad si Sergio lalo malaki kapag ang

