LUCIFER Naging busy ako kaya hindi ko nadalaw si Samantha sa school nito. Tinawagan ko naman siya kanina at sinabing hindi ko siya maihahatid pauwi ng bahay nila. It’s been one month na ginagawa ko ito. Alam naman ni Philippe ang pagsundo at paghatid pauwi sa anak nito. Although inis sa akin ang lalaking iyon ay hindi naman siya masyadong nagagalit. May pagsumbat at pagbabanta lang naman sa akin sa tuwing sinusundo ko ang anak niya. Sabi ko nga sanay na ako sa ugali nito. Nagulat ako nang dumalaw si Lolo sa akin. Isang linggo kasi itong missing in action. Hindi ko alam kung saan nagpupunta. Tumayo ako sa inuupuan kong swivel chair at sinalubong ng yakap ang mahal kong Lolo. “Lo, ngayon lang kayo naligaw dito, a?” sabi ko nang bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. Napangiti si Lolo.

