LUCIFER Kita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jade. Nagyuko siya ng ulo na tila nahiya. “Liligawan mo ako?” Diretsahang tanong ni Samantha. Ngumiti ako ng matamis at saka tumango. “Puwede ba?” tanong ko. Napasulyap ako kay Jade na ngayon ay nakatingin sa akin. Nagbawi agad ng tingin nang makita niyang nakatingin ako sa kanya. “You’re going to tell that to Daddy. Even though I am 18 years old, my dad chooses who will court me. And one thing, can I call you Fer?” tanong nito. Natawa ako. I find it cute na tawagin niya ako sa ganoon. “Yes, of course. I like it,” sabi ko. Napahagikgik si Samantha. “OK, Fer. As we begin with what I was saying. You should come to my house to court me. Be kind to all of my siblings. I am telling you, they are all protective.” Paalala nito sa akin. “Don’

