LUCIFER Nagising ako na walang katabi sa kama. Napatingin ako sa ibabang bahagi ng katawan ko na natatakpan lang ng manipis na kumot. Hindi ko naramdaman ang pagbangon ni Jade. Siguro nga’y sobrang himbing ng tulog ko. Nag-unat ako ng braso at napahikab bago bumaba sa kama ko. Pinulot ko ang short at brief kong nasa ibabaw ng upuan. Pagkatapos magbihis ay lumabas na ako sa silid. Napansin kong walang tao sa silid ng mga kasama ko. Nakabukas ang mga pinto nila. Baka nag-aalmusal na sila. Nang makapasok sa maliit na kusina ay nakita ko ang mga kasama kong nag-aalmusal na. Hinanap ko si Sergio. Nakita ko siya na nakatayo sa isang sulok at may hawak na tasa, at humihigop. Nang mapansin niya ang presensya ko ay napasulyap siya sa akin. Tiim ang pagkakatingin niya sa akin at kita ang pag-ig

