LUCIFER Tinapik ng matanda ang balikat ko nang maghiwalay kami sa pagkakayakap. Ramdam ko ang kasiyahan habang yakap ang lalaki. Pakiramdam ko ay parang kadugo ko siya. Baka dahil sa kabutihan ng lalaki kaya magaan ang loob ko sa kanya. “Ramdam ko ang lungkot mo Lucifer. Hayaan mong punan ko ang kalungkutang iyon sa pamamagitan ng ituturing kitang apo ko.” Sa sinabing iyon ng lalaki ay tumulo ang luha ko. “Salamat po,” sabi ko. Pinahid ko ang luha ko. Magsasalita pa sana ako nang nag-vibrate ang cellphone kong nasa bulsa ko. Kinuha ko sa bulsa ang cellphone. Nakita ko ang pangalan ng boss ko. Tumatawag siya. Sinagot ko ang tawag. “Hello, po, boss. Sige po. Nagpunta lang po ako sa labas. Babalik na po ako,” sabi ko sa boss ko. Pinababalik na ako sa loob ng building. Tinapos na nito a

