LUCIFER Isang buwan ang lumipas sa lansangan na kami tumira ni Hubert. Palipat-lipat kami ng lugar sa tuwing nakikita namin ang tauhan ng boss namin. Napadpad kami rito sa Las Piñas. “Mukhang madalang ang customer ngayon,” sabi ko. Nagbuga ng usok si Hubert mula sa sigarilyong hawak nito. Pinitik nito ang upos na nasa dulo ng sigarilyo. Dahil wala kaming pagpipilian upang mabuhay napilitan kaming magbenta ng aliw para lang makaraos sa araw-araw. Madalas ang parokyano namin ay mga matatandang babae na naghahanap ng aliw. Hindi ko akalaing makaka-survive kaming dalawa ni Hubert dito sa lansangan. Lalo pa maraming mga masasamang tao. Naalala ko noong unang araw namin sa lansangan. “Dito na tayo matulog, wala namang tao,” sabi ko nang makakita kami ng mapupwestuhan para tulugan ngay

