LUCIFER “Bumalik tayo,” bigla ay sabi ko. Napatingin sa akin si Hubert. Kunot na kunot ang noo. “Hindi ka ba nag-iisip, Luci? Kung babalik tayo roon siguradong mananagot tayo kay boss. Sigurado akong nagsumbong na ang gagong si Sergio. Baka binaliktad na tayo.” “Kung hindi tayo babalik mas lalo niya tayong paghihinalaan. Sasabihin na lang nating nakatakas tayo na totoo naman. Saka wala naman tayong ginawang masama. Baka naman maniwala sa atin si boss.” Paliwanag ko sa kanya. “Ewan ko. Masama ang kutob kong nakapagsumbong na ang gagong iyon.” Dismayado na sabi nito. “Subukan natin.” Desidido kong sabi. “Natatakot ako.” Sagot naman nito. Kita ko ang takot sa kanyang mga mata. Takot din ang nararamdaman ko ngunit sanay naman na akong masaktan at saktan. Kung parusahan ako alam ko

