Gray's POV Habang nasa cafeteria kami ay napasulyap ako sa pwesto ng mga kaibigan ni Tamara, mukhang nagpaalam din siya sa mga kaibigan niya dahil kung hindi ay lalapit sila sa akin at tatanungin ako. "Asan si Tamara?" tanong ni Rino nang makita akong nakatingin sa mga kaibigan ni Tamara. Ininom ko ang softdrinks ko at umiwas ng tingin. "Nagtransfer na si Tamara, mukhang hindi nakapagpaalam sa inyo." salo ni Ethan sa akin pero dahil makukulit ang mga kaibigan ko ay lumapit pa talaga sila sa akin. Gusto ko man umiwas ay wala akong magagawa. "Bakit siya nagtransfer Gray? Bakit biglaan?" pangungulit si Terrence "Hindi ko alam. Tanungin niyo siya." binaba ko ang baso na iniinom ko at umalis sa table namin. Ayokong makita nila akong nasasaktan, hindi sila manhid, natatakot ako na baka hi

