Gray's POV Hanggang ngayon ay naghihintay pa din ako kay Tamara. Naniniwala ako na oras lang ang kailangan at babalik din siya, naniniwala ako na may dahilan si Tamara at ayokong pangunahan siya. Nang makauwi ako ay naabutan ko doon si Daddy at Tito Kiko na kapatid ni Daddy, nagulat ako dahil ang aga ni Dad na umuwi and I think they are taking about serious matter. Lumapit ako at napansin din nila yun, I greet them both. Pero hindi na nila ako pinansin pa at patuloy lang sa seryosong usapan. Nakakapagtaka lang kasi Tito Kiko and I are very close to each other at lagi niya akong kinukumusta at nagkukuwento pero mukhang may problema sila ngayon. Dumiretso na ako sa kwarto ko at nagbihis. Napahiga ako sa aking kama at tumingala sa ceiling, hindi ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko. Nap

