Gray's POV Pumagitna sa amin si Stanfield at hawak pa din ang kinakain niya na kanina pa naguguluhan. He raised her right arm for us to give him attention. "Nawawala ba si Tamara? Diba nasa L.A lang siya?" naguguluhang tanong pa din nito. "Hindi siya nawawala. Ayaw niya lang magpakita." mahiang usal ko. "Hahahaha. Wag niyo nga akong lokohin, kausap ko nga lang siya last month eh. Mas lalong gumanda yung kapatid mo Gray. Dalagang dalaga na, hindi ko na nga makikila--" pinutol ko ang sinasabi ni Stanfield. "Nagkita kayo?!" napataas ako ng boses kaya sa gulat ay tumahimik si Stanfield at sumeryoso. "Oo. Galing akong L.A last month, dahil wala akong mapupuntahan at wala akong alam sa lugar na yun ay binigay ni Ethan sa akin ang address ni Tamara, yung condo na tinitirahan niya." habang

