Prologue
Nawalan na ng tiwala hindi lang sa sarili kundi pati na sa mundo at sa Diyos. Nakalimutan na kung paano maging masaya, hindi na maramdaman ang ligayang meron dati sa buhay.
Nakakatawa lang na ang pangalan ko ay Faith Joy pero wala at hindi ko na maramdaman yan ngayon. Nagsawa na ako sa buhay, at nagsawa na akong mabuhay.
Palagi ko nalang iniisip kung paano na naman ako makikipaglaro sa panibagong araw na binigay sa'kin. Paano ko na naman haharapin ang bawat umaga na pinagkaloob sa'kin.
Paano na naman ako pipikit sa gabi na hindi mabigat ang dinadala sa puso. Nasa punto ako ng buhay ko kung saan gusto ko ng matapos ang lahat ng paghihirap ngunit sa isang iglap biglang nabago ang lahat ng gusto kong mangyari at dahil lang yon sa isang Friend Request.
Friend Request na hindi ko akalain na magsisilbing tulay para magpatuloy ako sa buhay.
----------------------------------------------------------
This story contains depression, suicidial thoughts issues, losing of faith and hope.
This story is very close to my heart, somehow this happens to me. However, along the way, I met someone who became my compass on leading the right path. The path where I found God in my heart again.
Everyone, who has friends suffering depression, extreme sadness, mental health issues. Please, talk to them, comfort them. You can save a precious life by doing a simple gesture to ask how was their day going.
Please support me and my simple but meaningful life changing story! I love you all. 💕